Jessica's POV
Nahawi ng kaunti ang kurtina sa bintana ko. Nasilaw ako sa sinag ng araw at napatakip ako ng mukha gamit ang kanang braso. Tumayo ako para ayusin ang kurtina at tinignan ang orasan sa side table. 5:42 am.
Maaga pa naman. Alas otso ang pasok ko. Pero hindi na rin naman ako makakatulog. So bumangon na ko at nagsimulang mag-ayos. Naligo ako at nagbihis.
Good morning Philippines! Maganda ang gising ko ngayon. Dahil may binabalak ako ngayun. Hulaan mo.
Pinuntahan ko muna si Kurt sa kwarto niya. Nakatagilid siya at nakaharap sa dingding at mukhang tulog pa. Sabagay, maaga pa naman kasi.
''Kurt.'' Niyugyog ko yung likuran niya para gisingin siya sakaling tulog pa siya.
''Ikaw nalang. Bi-nrush ko na yung bowl kahapon.'' Mahinang sabi niya. Half-asleep pa.
''Hindi. Maaga ko papasok ngayon.'' Niyugyog ko siya ng niyugyog.
''Namamaga yung buhok, ko, maglakad nalang kayo ni Henr...y.'' mahinang sabi niya ng hindi pa rin dumidilat. Inayos niya yung kumot at mukhang nakatulog na ulit.
''KURT! Paglilinisin ulit kita ng banyo!'' Inis na sabi ko. Nilakasan ko pa yung pagyugyog ko.
''Masakit ang ulo ko. Tingin ko lalagnatin ako.'' Hindi pa rin dumidilat.
Tinigilan ko yung pagyugyog sa kanya hinawakan ko yung noo niya. Nako, mainit nga. Ti-nry ko naman sa leeg niya. Hindi naman mainit. Bakit kaya? Hinawakan ko ulit yung noo niya. Sobrang init. Ang weird. Pero bayaan na, mukhang may lagnat nga siya.
''Ok. Wag ka ng pumasok. Dadaanan ko nalang si Kevin. Magpapadala ko ng excuse letter.'' Sabi ko sa kanya. Si Kevin ay bestfriend niya, madalas yun magpunta dito.
''Ate wag na. Wala naman akong klase ngayon masyado, puro vacant lang.''
''Hmp! Bahala ka na.'' Umalis na ako at bumalik sa kwarto ko at kinuha yung slingbag ko. Humarap muna ako sa salamin at tinignan yung outfit ko. Ok dizizit.
~~~
Lumabas na ako ng gate. Mag se-7:15 palang. Maaga pa. Hinintay kong lumabas si Henry sa gate ng apartment, kadalasan kasi mga ganitong oras ko siya naaabutang nag hihintay sakin. Lagi na kaming naglalakad, para na din excercise diba? At bawas sa pollution na rin. Shet dami ko talagang alam.
Umingit yung gate, nakita ko naman siyang lumabas at sinampay niya yung backpack niya sa kanang balikat at nakapamulsa naman ang isang kamay. Naglakad siya palapit sakin.
''Ang aga mo ata?'' Ganun siya mag good morning. Ang unique.
''May surprise ako sayo!'' Masayang bati ko. Binaba ko yung slingbag ko sa gilid ng gate at tinago ko yung dalawang kamay sa likuran ko.
Binigyan niya ko ng is-it-real-is-it-real look at kumunot yung noo niya. Binigyan ko naman siya ng nesfruta-real-na-real-dandandan-dalandan look.
''Anu namang surprise yan?'' Tanong niya.
''Adi surpresa. Bobo ba?'' Ginaya ko yung sinabi niya kagabi. Aba, gantihan lang 'to!
''Asan naman? Pakita nga.'' Tumingkayad pa siya at sinilip yung likuran ko. Nilabas ko na yung kamay ko.
''Charan!'' Walang laman dahil ang totoo niyan ay...
PAK! Hampas sa braso!
POK! Sapak.
PAK! Hampas ulit.
At ang final wave... Plants vs. Zombies lang.
BOG! suntok sa tiyan.''Aray. Aw! Awww. Aray!'' Hinihimas na niya yung ulo at tiyan niya. Nalaglag na yung backpack niya.
''Yan! Surprise diba? Ganti ko yan sayo sa pananakot mo! Alam mo bang alas tres na ko nakatulog dahil sayo? Yan! Yan ang napapala ng mga impakto.'' Pinulot ko na yung slingbag ko at nakangiting naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...