Chapter One

2.6K 94 42
                                    

I'm Scarlet David. Ang ganda nang pangalan diba? Pangalang bagay sa isang babae na maganda, mabait, matalino, sikat, mayaman at sopistikada. Pero pangalan lang yan. I'm not the typical high school girl na may kaibigan, mataas na grado at mapagmahal na pamilya. Wala ako lahat niyan. Nakakatawang isipin diba? Masyado akong maswerte sa buhay ko. *note the sarcasm*

I'm not pretty, that's why I'm not famous.
I'm not approachable and friendly, that's why I'm all alone.
I know what is reality, that's why I don't have any dream.
And lastly, I am who I am, that's why I dont have a family that loves me.

Kung tatanungin niyo naman kung nasan ang mga magulang ko? Well, baby palang ako nang iwan kami nang Papa ko at sumama sa ibang pamilya. At simula nun, nalulong sa bisyo si Mama. Gabi gabi umuuwi siyang lasing at amoy sigarilyo. Ubos lagi ang pera niya sa sugal kaya ako yung pinagdidiskitahan niya. Kapag naaalala niya si Papa? Ako yung sumasalo lahat nang sampal, sabunot, tadyak at suntok. Ako yung naging taga salo nang lahat nang galit niya. Kaya nga madalas, long sleeves ang suot ko. Para maitago yung mga pasa sa buong katawan ko. Pero hindi sapat iyon, para maitago ang pasa ko sa mukha.

Halos mga kaklase ko, araw araw tinatanong kung anong nangyare sakin. Pero ang tanging sagot ko lang?

"Ah, wala to. Nadulas lang ako, kaya ganyan. Hehe"

Kahit madalas gusto ko nang magsabi sakanila. Pero maaalala ko nalang bigla. Oo nga pala. Wala nga pala akong kaibigan. Wala nga pala akong mapagsasabihan. Wala nga pala akong matatakbuhan kundi ang sarili ko lamang.

Ganito na siguro ang buhay para sa akin. Hindi ko na mababago. Hindi ko na mapapalitan. Kahit ang unfair nang buhay, wala akong laban sa Diyos na may dahilan. Everything happens for a reason . But damn, I want to know the reason. Para naman alam ko kung anong purpose ko sa mundong ito.

Siguro nga nung nagpaulan nang kamalasan. Sinalo ko lahat. Buong buhay ko, ni minsan hindi ko pa naranasang sumaya man lang.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon