Chapter Twenty-Four

494 27 17
                                    

Nanginginig akong pumasok sa kwarto ko at nilagay lahat nang damit at gamit ko sa bag ko. Nang wala na akong nakitang gamit na naiwan ay sinara ko na ang zipper nang bag ko. Pinunasan ko yung mata ko, dahil nanlalabo na yung paningin ko nang dahil sa luha na nagbabadyang tumulo.

Napaupo ako sa kama ko at tinakpan ko nang kamay yung mukha ko.

Bakit mo--niyo nagawa sakin to!

Pinagsisira ko yung lahat nang ginawa ko na dapat ay para sana sa monthsary namin. Pati yung mga lobo ay pinagpuputok ko. Wala na akong pake kung marinig pa nila. Wala akong pake kung malaman nila na nandito na ako.

Few minutes ago...

Pagkalapit sa kwarto ni Mariella ay narinig ko na nang mas malinaw ang mga boses.

"Bakit hindi mo pa kasi hinihiwalayan yang babae na yan?" Sabi ni Ella.

"Humahanap lang ako nang tyempo, babe." Sabi nang lalake.

"Pag hindi ka pa nakipagbreak sakanya, maghahanap ako nang iba, sige ka."

"Babe, wag ka namang ganyan. Sorry na."

"Oo na, porket alam mong di kita matiis."

"Alam ko naman na mahal na mahal mo ko eh."

"Pero hindi mo ko mahal. Hmp!"

"Mahal kita. Mahal na mahal kita Ella. Nagsinungaling pa ko na namatayan ako para buong araw kitang makasama." At ngayon nakumpirma ko na kung sino ang lalakeng kausap ni Ella.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto nang kwarto ko at biglang pumasok si Mark. Hindi ko na napigilang umiyak lalo. Agad siyang lumapit sakin pero nabigla siya sa ginawa ko.

Sinampal ko siya. At masasabi ko na, lahat nang sakit na nararamdaman ko ay hindi pa sapat yung sampal na yun bilang ganti.

"N-napaka w-walanghiya n-ni-yong d-dalawa!" Humihikbing sabi ko.

"S-scar let me expl--"

"I d-dont w-want t-to h-hear it." Sabi ko nang hindi nakatingin sakanila. Kinuha ko na yung dalawang bag ko at lumabas na nang kwarto. Pero bigla naman akong hinawakan sa kamay ni Mark at niyakap. Pero dahil sa sobrang galit ko ay sinampal ko siya at tinulak nang pagkalakas lakas.

Nang nasa tapat na ako nang kwarto ni Ella ay nakita ko siyang umiiyak doon.

"S-sorry." Umiiyak na sabi nito. Pinunasan ko yung luha ko.

"Nakakatawa ka eh. Puro ka sorry, wala kang ibang alam kung hindi magsorry sa mga bagay na sinasadya mo namang gawin." Inis na sabi ko at lumabas na sa bahay na yun.

Naglakad lang ako nang naglakad at dinala ako sa lugar na sobrang namiss ko. Yung bahay namin-- yung bahay kung saan ako tumira na kasama pa si Mama.

Umupo ako sa tabi nang gate at doon umiyak nang umiyak.

"Last na to. Magpapakalayo layo nalang ako." Bulong ko sa sarili ko habang umiiyak ako.

Naramdaman ko rin yung malalaking patak nang ulan na tumutulo sa ulo at braso ko.

Pati panahon, sumasabay na naman sa pag-iyak ko.

Hinayaan ko lang na mabasa ako nang ulan. Lagnat lang makukuha ko dito. Malayo sa bituka.

Lumakas pa lalo ang ulan pero parang hindi na ako nababasa. Kaya naman tumingala ako. Nakita ko yung isang tao na hindi ko inaasahan.

Yung tao na dahilan nang lahat nang to.

Si papa.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon