Apat na araw na yata kaming nag iiwasan ngayon ni Mark. Ang awkward na rin tuwing magkakasalubong kami. O kaya naman ay pag pauwi.
Nanghihinayang ako sa pagkakaibigan namin. Pero kailangan ko munang siguraduhing wala na kong feelings sakanya. Dahil baka pag nagpatuloy yung closeness namin ay mahulog na talaga ako nang tuluyan. Hayy.
Ngayon na yung last day na 13 hours straight yung trabaho ko. Balik sa 8AM to 6PM niyan ako.
Nang makapagligpit na ako lahat lahat ay kinuha ko na agad yung bag ko para umalis na. Pero bago pa ko umalis ay hinila ako ni Mark.
"May problema ba tayo?" Seryosong tanong nito.
"W-Wala." Hindi mapakaling sagot ko.
"Kung okay pala tayo, bakit iniiwasan mo ko? Hinayaan kita nang ilang araw. Pero mukhang wala ka talaga yatang balak kausapin ako." Sabi nito. Yumuko nalang ako.
"I h-have to go." Sabi ko. Pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
"Lagi nalang bang ganito? Lagi mo nalang tatakbuhan problema mo?" Biglang tanong nito.
"Laging tinatakbuhan yung problema ko? Ano bang alam mo sa buhay ko?" Malamig na pagkakasabi ko.
Tumawa siya at binitawan ako.
"Oo nga naman. Sino ba ko? Wala nga pala akong alam sayo." Sabi niya at nauna nang naglakad sakin. Gusto kong umiyak kasi sinira ko yung pagkakaibigan na meron kami. Gusto ko siyang habulin para humingi nang tawad pero parang nakadikit yung paa ko sa sahig.
Gusto kong tawagin siya pabalik, pero walang boses na gustong kumawala sa lalamunan ko.
Wala na. Nasira ko na talaga.
Hindi na siya abot nang tanaw ko. Palayo siya nang palayo. Palayo sa akin. Palayo sa buhay ko. Ang sakit pala. Bat ba kasi ang tanga tanga ko.
Nagpadala ko sa emosyon ko. Ni hindi ko inisip yung mararamdaman niya. Masyado kong makasarili.
Naglakad nalang ako pauwi sa tinutuluyan ko ngayon. Walang tao, oo nga pala sa call center nagtatrabaho ngayon si Mariella.
Nagluto ako nang adobo para sa dinner ko at pinagtabi ko rin nang ulam si Mariella para pag uwi niya ay may madatnan siyang pagkain.
Habang nakahiga ako ay naisip ko si Mama.
Kumusta na kaya siya?
Magaling na kaya siya?
Nakalabas na kaya siya nang ospital?
Masaya na kaya sila?
Masaya na kaya siya ngayong wala na ako?
Sana... Sana man lang... Sana man lang makaramdam siya nang lungkot.
Kahit konting lungkot lang.
Bakit ba laging ganito? Bakit parang ang sama yata nang mundo sakin? Kasi lahat na ata nang sakit at problema sakin ibinigay.
Kailan kaya darating yung...
Yung araw na lahat nang nangyayare ngayon ay may kapalit na maganda...
Kasi kung dadating man yung araw na yun... Pakidalian nalang...
Dahil hindi ako makatulog. Na naman. Ay naisipan ko nalang mag linis nang bahay. Oo alam ko gabi na. Pero bakit ba, ito yung trip ko eh.
Pag nanuod kasi ako nang TV, wala naman interesting at dagdag kuryente rin yun.
Kung magcecellphone naman ako, sasakit lang yung mata ko.
Ayaw ko ring magbasa dahil masakit yung ulo ko.
Ayaw ko ring tumunganga nalang, dahil mas lalong di ako makakatulog.
Buti pa kapag naglinis nalang ako. At least may nagawa pa kong mahalaga, naayus ko mga gamit ko sa kwarto. Kaya medyo umayos na rin sa paningin.
Luminis na rin yung sala at wala na yung mga kalat kalat sa mga gilid gilid. Napunasan ko rin yung mga alikabok.
Sa kusina naman, hinugasan ko lahat nang mga pinagkainan at inayos ko yung laman nang ref.
Sa banyo, nilinis ko na rin yung toilet bowl at inalis ko yung mga sachet nang shampoo na wala nang laman.
Naglaba na rin ako nang mga damit. Tutal nasa labas rin yung mga damit ni Mariella ay isinabay ko na rin. Ilan lang naman yung mga nasa labas eh. Pantalon, tshirts, shorts, sando. Yung iba siguro nasa loob nang kwarto niya.
Nakalock kasi yung kwarto niya, kaya hindi ko nalinis. Privacy nga naman.
Madaling araw na akong natapos sa lahat nang ginawa ko. Ramdam ko na yung pagod at antok. *sabi sainyo effective yung pagpapagod para makatulog eh. HAHAHAH* Pagkahiga ko ay agad na akong nakatulog.
*kringggg* *kringggg*
Minulat ko agad yung mata ko. 6AM na pala. Bakit pakiramdam ko, pumikit lang ako tapos pagmulat ko umaga naaa. Inaantok pa naman akooo. Huhuhuhu.
Kahit na inaantok ay pilit na kong tumayo. Naranasan ko na kasi yung nag alarm na nga phone ko. Dinaan ko pa sa pipikit lang ako saglit, 5 minutes nalang. Hanggang sa paggising ko anong oras na. Kaya simula nun nangako na ko na hindi na ko papadala sa temptation. HAHAHAHA.
Naligo na muna ako at nagpambahay muna. Tinignan ko rin yung mga sinampay kung natuyo na ba. At *tenen* tuyo naaa. Ipinasok ko na sa loob at sinimulang magtupi.
Pagkatapos ay nilagay ko na sa cabinet ko yung mga damit ko. Yung kay Mariella naman ay iniwan ko nalang sa sala. Kakatulog palang siguro nun.
After ilang minuto ay nagpalit na ko nang damit at pumunta na sa trabaho ko.
Nakasalubong ko pa si Mark habang papasok ako. Pero ni hindi man lang niya ko nginitian o tinignan man lang.
Okay lang, kasalanan ko naman. Sana nga lang maka survive ako sa ganito.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.