Chapter Twenty-Six

477 28 2
                                    

Imbes na bumaba ay pumasok nalang ulit ako sa kwarto.

Mali talaga. Mali na pumayag ako sa kagustuhan ni Papa na bumalik ako dito.

Kinuha ko yung bag ko at ipinasok yung ilang damit na inilabas ko kagabi. Aalis na lang ulit ako dito kesa magalit pa lalo sakin si Mama.

Nang makapag ayus ayus na ako ay bumaba na ulit ako. Nadatnan ko si papa na nagkakape sa kusina.

"San ka pupunta?" Tanong nito habang nakatingin sa bag na dala dala ko.

"Aalis na po." Mahinang sabi ko.

"Akala ko ba--"

"Hindi na po malakas yung ulan kaya makakaalis na ulit ako. Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa isang stranger na kagaya ko sa bahay ninyo." Pilit na ngiting sabi ko sakanya at bago pa niya ako mapigilan ulit ay tumakbo na ako palabas nang bahay.

Habang naglalakad lakad ay may nakita akong apartment sa katabing bahay nila mama. Agad akong lumapit sa gate at kumatok dokn. May lumabas naman na babaeng nasa 50 na ang edad.

"Pinapaupahan niyo po ito?" Tanong ko agad.

"Kita mo naman sa nakapaskil diba?" Pagtataray pa nito.

"Gusto ko po sanang malaman kung magkano po ba yung renta." Tanong ko.

"Tuloy ka. Sa loob natin pag usapan." Sabi nito at binuksan yung gate. Nauna siyang naglakad paakyat kaya sumunod nalang ako sakanya.

"Every month ay 3,500 pesos. Nandun na yung kuryente at sa tubig mo. Yung pagkain naman ay ikaw nang bahala sa sarili mo. Hindi naman gaanong malaki ito pero nandito naman na lahat nang mga appliances, kaya wala ka nang problema dun. Pero once na may nasira diyan, ay babayaran mo. Dalawa rin yung kwarto dito."Sabi nito pagkapasok palang namin. Naglalakad lakad rin siya habang pinapakita sakin yung kabuuan nang bahay.

Tama siya, hindi malaki pero may ref, stove, tv, sofa, table, at kung ano ano pa. Yung kwarto naman ay mas malaki sa dating kwarto ko sa apartment namin ni E-ella.

Kulay pink ang pader, may kama rin, may salamin naman sa side at may study table rin. May built in na cabinet sa gilid. Yung bintana naman ay sakto sa bintana nina mama.

Okay na to, at least kahit papaano nakikita ko pa rin sila.

Yung isang kwarto naman ay may kaliitan. Kulay blue naman ang pader nun at parehas lang rin nang isang kwarto. Ang pinagkaiba lang talaga ay ang kulay at laki.

"Okay po. Kukunin ko na po tong apartment na to ngayon." Sabi ko sabay abot nang 3,500 sakanya. Nginitian naman niya ako at umalis na siya pagkatapos nang pirmahang naganap.

Inilagay ko sa closet ang mga damit ko. Inilapag ko rin sa study table yung mga libro ko.

Nilibang ko yung sarili ko sa paglilinis nang buong apartment, medyo madumi kasi at maalikabok rin.

Pagpikit ko ay hindi na namalayang nakatulog na pala ako sa sofa.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon