Sa kabutihang palad ay hindi naman ako late. Sakto lang ako sa oras sa pagcheck in. Buti nalang talaga.
*linis nang tables* *kuha nang order* *mop nang floor* *pahinga pag walang costumer*
Halos ganyan lang ginawa ko buong araw. Wala namang bago. Wala na rin yung mga dating kaclose kong nagtatrabaho dito, umalis na. Magfofocus daw sa college life nila. Kaya mga bago yung kasamahan ko at wala akong kaclose sakanila kahit isa. Hindi ko alam kung dahil ba sadyang hindi ako approachable o ayaw lang talaga nila sakin. At kahit ano dun wala na akong pakelam. Trabaho lang naman pinupunta ko dito. Hindi pakikipagkaibigan at pakikipagkwentuhan.
Pagkauwi ko ay si Mimi agad yung sumalubong sakin. Pampawala talaga nang stress tong tuta na to. Hahaha. Agad ko naman siyang binuhat.
Wala na pala si Mariella, pero nakita ko namang may tinabi siyang pagkain at tubig para kay Mimi.
"Eat." Sabi ko pagkabitiw ko sakanya. Kinain naman niya yung pagkain niya. Kaya iniwan ko muna siya para makapagpalit nang damit. Humiga muna ako sa kama dahil pakiramdam ko nadrain ako. Paano ba naman halos ako lang kumikilos kanina. Jusko. Walang katapusang kwentuhan at chismisan sila. Odiba san ka pa? -.-
"Arf. Arf. Arf." Odiba pati si Mimi sosyal rin. Arf at hindi Aw. HAHAHA. Tinigan ko naman siya at nakita kong nakaupo siya habang nakatingin sakin at ginagalaw na naman niya yung buntot niya. Napansin kong malinis na rin siya. Pinaliguan siguro ni Mariella. Pagluluto ko nalang siya nang masarap na ulam bukas para makabawi ako.
Nakipaglaro muna ako kay Mimi at nang mapagod na ako sa kakatakbo ay binuhat ko na siya papunta sa kama ko.
"Tabi tayo ah." Sabi ko sabay yakap dito. Wala pang ilang minuto ay nauna pang natulog sakin. Nilalaro laro ko kasi yung balahibo niya.
Ang saya pala sa pakiramdam nang ganito. Basta ang alam ko lang aalagaan ko siya. Hindi ko lang siya basta basta iiwan sa kung saan. Feeling ko nga sobrang attached na ko sa tutang to eh. Niyakap ko naman siya ata naramdaman ko namang bumigat na ang talukap nang mata ko at unti unti na kong nakatulog.
*kringgggg* *kringgg*
Minulat ko agad yung mata ko. Pinatay ko na yung alarm clock. Dahan dahan akong tumayo dahil tulog pa si Mimi.
Naisipan ko namang magluto nalang nang menudo. Hiniwa ko na ang lahat nang dapat hiwain. Niready ko na rin yung mga gagamitin kong sangkap.
After 30 minutes ay natapos ko na rin ang pagluluto. *hindi ko na inexplain yung pagluluto at yung mga sangkap na ginamit kasi sa totoo lang hindi talaga ako marunong magluto ._. Hanggang prito lang ako at instant noodles.*
Kumain muna ako bago ako naligo. Pagkatapos kong maligo ay pinagtimpla ko nalang muna nang gatas si Mimi. Nilapag ko yun sa gilid nang kusina.
"Mimi." Tawag ko. At dali dali naman siyang lumapit sakin. Pinat ko naman yung ulo niya.
"Aalis na ako ah. Babalik nalang ako mamaya." Sabi ko.
"Arf. Arf." Sagot naman nito. Dali dali akong lumabas dahil sumusunod pa si Mimi sakin. Pagkatapos ay nilock ko na yung pinto.
Maaga pa naman ako kaya chill chill lang ako sa paglalakad. Ang lamig rin nang hangin pag maaga kaya masarap talagang maglakad. Sobrang gaan sa pakiramdam. Gaan? Magaan?
"What the! Yung bag ko nakalimutan ko." Agad agad naman akong bumalik sa apartment. Katangahan na naman pinairal ko. Kaya pala magaan sa pakiramdam dahil literal na wala akong dala at bitbit na gamit. ._.
Nang makuha ko yung bag ko ay nilock ko na agad yung pinto. At dahil sa kashungahan ko ay hindi na ko pwedeng magpachill chill at baka malate pa ko.
Buti nalang talaga hindi pa ako ganun kalayo kaya okay lang.
Pagkarating ko nang campus ay sinalubong agad ako nang nakasimangot na Mark.
"Anyare?" Tanong ko.
"Tinext kita kagabi. I told you agahan mo yung pagpasok." Sabi nito.
"Deadbat phone ko. Tinamad na kong magcharge kagabi atsaka inasikaso ko pa si Mimi." Sabi ko.
"Mimi? Sinong Mimi?" Tanong nito. Kaya naman habang naglalakad kami papuntang room ay kinuwento ko na lahat lahat nang tungkol kay Mimi.
"Pwede ko ba siyang makitaaa?" Tanong nito.
"Gusto mong pumunta nang apartment mamayang pagkatapos nang klase?" Tanong ko at agad naman siyang tumango.
"Wala naman si Mariella nun diba?" Biglang tanong nito. I smell something fishyyyy.
"Andun na." Sabi ko naman.
"Hindi pala ako pwe--"
"Napano kayo?" Tanong ko agad.
"Hindi ko na siya nililigawan. Ang tagal na kaya." Sabi naman nito.
"Bat wala akong alam?! Ang daya mooo." Sabi ko naman sakaniya.
"Nagtatanong ka ba?" Natatawang tanong nito.
"Okay fine sasabihin na. Hahahaha." Sabi nito nang napansin niyang hindi ko siya iniimik.
"Oh ano na?" Tanong ko naman agad.
"Matagal ko na siyang tinigilang ligawan. Kasi nalaman kong may boyfriend na pala siya." Sabi nito.
"Totoo?!" Takhang tanong ko. Tumango naman siya.
"Pero okay na ko noh. Hahahaha. Babae lang yan. " sabi nito at ginulo yung buhok ko.
"Trip mo talaga buhok ko noh?" Sabi ko sabay ayus nang buhok ko ulit.
"Bakit ba?" Sabi niya at ginulo na naman. Kaya naman sinuntok ko yung kamay niya.
"Bakla ka noh? Type mo hair ko?" Pagloloko ko sakanya. Nakita ko naman yung gulat na expression niya.
"Shh ka lang girl. Pero type ko nga yang hairlaluu mo." Sabi nito sa malanding boses. Napanganga naman ako. Waaahhh. Bakla ba talaga siya? O.o huhuhuhu. Sayang pa naman yung lahi niya kung magiging babae rin siya kagaya ko. Pero kung bakla siya maganda naamn siguro siya, gwapo naman tong mokong na to eh.
"Uy. Bat di ka na nagsalita diyan?" Biglang tanong nito. Pero ganun pa rin yung reaksiyon ko.
"Hahahahahahahahaha! Naniwala ka talaga? HAHAHAHAHAHAHA. " sabi nito habang tinatawanan ako. Letsugas na lalakeng to pinagtitripan lang pala ako. Akala ko pa naman totoong bakla na siya. Huhuhuhu.
Hinampas ko siya nang hinampas sa ulo. Puro siya kalokohan eh. Pero tawa lang siya nang tawa.
"Sayang saya ka naman ah?" Sabi ko sakanya pero inakbayan lang niya ako.
"Hindi ako bakla, okay?" Natatawang sabi pa nito.
"Oo na ngaa." Sabii ko sabay belat sakanya.
"Atsaka gusto lang kitang inaasar kaya ginugulo ko yang buhok mo. Hahahaha" sabi nito. Pero inirapan ko lang siya. Ginantihan ko rin siya. Ginulo ko nang ginulo yung buhok niya. Mukha tuloy siyang bird nest. Kulang nalang nang itlog at ibon para complete set na. HAHAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.