Chapter Seven

756 45 28
                                    


Malas.

Salot sa pamilya.

Walang kwenta.

Ampon.

Halos isampal na sakin yung katotohanan. Gusto ko sanang magpakatatag. Pero pinagtaksilan na naman ako nang mga luha ko. Dahil kusa na silang tumulo.

Kaya naman pala. Kaya naman pala sobrang laki nang galit sakin ni mama. Kaya pala kinamumuhian niya ko. Kaya pala halos araw araw ay bugbog ang abot ko sakanya. Kaya pala oras oras, masasakit na salita yung sinasampal niya sakin. Kasi ampon lang ako. Hindi ako tunay na anak. Salot lang ako. Ako rin siguro yung dahilan kung bakit sira yung masaya sanang pamilya nila. Sana mawala nalang ako. Sana maglaho nalang ako. Bat ba kasi ang sakit nang katotohanan. Bat ang sakit tanggapin.

Naramdaman kong kumawala yung hikbi ko. Tinakpan ko yung bibig ko gamit yung kamay ko. Pero tuloy pa rin yung paghikbi ko.

Nakatayo lang ako sa harapan nila. Si Mama, na halata pa rin yung pagkainis sakin. At si papa, na halatang naaawa. Kahit na umiiyak ako ay pilit ko pa ring nginitian si Mama. Gusto ko sanang magsalita, pero hindi ko magawa. Nilapag ko nalang sa sahig yung mga prutas. At dali dali akong lumabas nang kwartong iyon.

Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko na napigilang umiyak talaga. Wala na akong pake sa mga nakakasalubong ko. Wala na rin akong pake sa lahat nang nababangga ko. Wala na kong pake sa sasabihin nang iba. Kasi lahat nang yun walang wala sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong nilagay sa bag halos lahat nang damit ko. Kailangan ko nalang magkusang umalis. Hindi na nila ko kailangang palayasin pa. Nang makapag impake ako nang damit ay lumabas na ako. Nilock ko rin yung gate. Tinignan ko ulit yung bahay.

Luma na. Pero maayos pa naman. Mamimiss ko si mama. Kahit na puro sigaw naririnig ko sakanya. Mamimiss ko si Mama. Kahit na puro pasa ako sa katawan nang dahil sakanya. Mamimiss ko si mama. Kasi kahit ganun yun mahal ko yun. Mamimiss ko si mama, dahil kahit di niya ko tunay na anak hindi niya ko pinalayas. Mamimiss ko si mama kahit na ni minsan hindi niya pinaramdam na mahal niya ako. Mamimiss ko siya kahit alam kong masaya siya sa gagawin kong pag alis.

Ako kaya? Mamimiss niya rin kaya ako?

Pinunasan ko na yung luha ko. Inayos ko na yung bag ko at nagsimula na kong maglakad paalis. Palayo sa lahat nang sakit.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero ang alam ko lang, ayokong tumigil sa paglalakad. Gusto ko lang maglaakd nang maglakad hanggang sa di ko na alam kung paano yung pabalik.

Habang naglalakad ay may nakasalubong ako. Si Mariella. Bestfriend ko nung elementary. Ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Scar! Ikaw na ba yan?!" Sabi nito sabay yakap sakin nang mahigpit. Hindi ko napigilang maiyak. Ikinwento ko lahat sakanya. Lahat lahat. Kaya ayun pati siya nakiki iyak rin. May apartment rin pala siya dito at sakto umalis yung kahati niya sa upa.

"Pwedeng ako nalang? Wala kasi akong matuluyan ngayon eh." Nahihiyang tanong ko.

"Pwedeng pwedeee. Para naman hindi rin ako naiinip dun noh. Atsaka para may kahati rin ako. Tara." Sabi nito at tinulungan akong magbitbit nang gamit ko.

Maliit lang yung apartment. May dalawang kwarto. Isang banyo. Kusina. Sala. Halos kumpleto naman na sa gamit.

"Osige na. Eto yung kwarto mo. Magpahinga ka na muna diyan okay? Bukas nalang tayo magchikahan ulit." Sabi nito at iniwan na siya sa kwarto niya. Kulay blue yung wallpaper. May kama sa gilid. May study table rin sa kabilang dulo. Maganda naman pala dito eh. Pagkahiga ko sa kama ay ramdam ko ang lambot nito.

Wala pang isang minuto ay nakatulog na ako nang mahimbing.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon