Chapter Six

825 50 24
                                    

Ilang weeks na rin akong ganito lagi. Naoperahan na rin si mama. Pero hindi pa rin siya pwedeng lumabas nang ospital. Dahil hindi ko pa nababayaran yung bill niya. Kaya naman habang mas tumatagal, mas lalong lumalaki yung kailangan kong bayaran.

Magkano palang yung naiipon ko. Wala pa nga sa kalahati eh. Sumasakit na naman yung ulo ko sa kakaisip kung saan ako kakalap nang ganun kalaking pera.

Break time namin ngayon, pero andito lang ako sa staff room at nagpapahinga. Gaya nang dati, papasok na naman sa eksena si Mark at makikipagkwentuhan. Ganito rin siya lagi eh. Kaya nga siya yung naging pinaka close ko sa lahat nang katrabaho ko.

"Alam mo. Ang laki nang pinagbago mo." Seryosong sabi nito. Kaya napalingon ako sakanya.

"Gaya nang alin?" Tanong ko naman.

"Dati nung unang araw mo dito, hindi ka naman ganyan kapayat. Malaman ka pa nga nun eh. Pero ngayon daig mo pa yung nagdiet. Tapos yang eyebags mo ang laki na rin, at halatang halata na. Nagsusumigaw na nga yata sila. Tapos ang putla putla mo na rin. Inaalagaan mo pa ba yang sarili mo?" Sabi nito. Kaya napaisip naman ako. Tama siya. Ang laki nga nang pagbabago sa pisikal ko.

Hindi na kasi ako nakakakain sa tamang oras. Wala rin akong tamang pahinga. Halos tatlo hanggang lima lang yung tulog ko sa araw araw. At yung halos dalawampung oras na yun ay puro trabaho lang ako.

"Wala akong magagawa. Ganito kasi talaga yung buhay." Mahinang sabi ko sakanya. Nagbuntong hininga naman siya.

"Alam mo? Dapat di mo pinoproblema yung problema ko. Haha." Nakangiting sabi ko sakanya. Pero lumabas lang siya nang staff room. Siguro nagsawa na rin yun kakasabi na alagaan ko sarili ko. Lahat naman sila susukuan ako. Alam ko na to.

Pagkaraan nang ilang minuto ay bumalik si Mark na may dalang pagkain. Softdrinks at burger. Inabot niya yun sakin.

"Di ako gut--" biglang tumunog yung tiyan ko. Kaya namula ako sa hiya. Pigil naman yung tawa niya.

"Pati tiyan mo hindi na sumasang ayon. Kainin mo na yan. Di ka na naman kakain niyan eh. Alam kita." Sabi nito. Kinuha ko naman yung burger at softdrinks at sinimulan ko nang kumain. Ngayon ko lang naramdaman yung gutom ko na kanina ko pa ipinagwawalang bahala.

Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat agad ako sakanya. Kailangan na rin naming bumalik sa trabaho dahil tapos na ang break time.

Paglabas ko ay may tumawag sakin na costumer. Lumapit naman ako. Pinaalis niya lang yung kalat sa table. Agad ko namang niligpit yung mga kalat. Pinunasan ko na rin yung table.

"Okay na po Si-- Pa?!" Nagulat ako. Ngayon ko lang napansin na yung Papa ko na pala yung kaharap ko. Siya lang mag isa. Wala siyang kasama na kahit na sino.

"Kumusta ka na? Kumusta na kayo nang mama mo?" Sabi nito. Pero di ko na siya pinansin. Agad agad na kong umalis doon. Pumunta nalang ako sa cr nang girls upang doon maglinis. Pagkatapos ay mas pinili kong ako na lang yung magtapon nang mga garbage bags sa likod.

Lahat ginawa ko para iwasan siya. At nang matapos na yung duty ko ay nagpalit na ako nang damit. Panigurado wala na siguro siya. Ilang oras na rin yun.

Pagkalabas ko ay nagulat ako dahil nandun pa rin siya at naghihintay.

"Anak." Sabi nito.

"Anong kailangan mo?" Sabi ko habang nakatingin ako sa lupa.

"Gusto ko lang kayong kumustahin."sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

"Kumustahin kami? Ako okay lang. Pero si mama nasa ospital." Sabi ko at ngumiti nang mapait sakanya.

"Anong nangyare? Saang ospital siya dinala? Bat di mo man lang ako sinabihan?" Sunod sunod na sabi nito. Kaya natawa nalang ako.

"Pagkatapos mo kaming iwan sa tingin mo gugustuhin ko pang makita ka ulit? Pagkatapos mong sirain yung buhay namin gusto mo habulin ka pa namin? Kapal rin pala nang mukha mo." Natatawang sabi ko. Agad agad kong pinunasan yung luha sa mata ko.

"Anak, patawarin mo ko. Gusto kong bumawi." Malungkot na sabi nito at akmang lalapit sakin pero lumayo ako.

"Kahit kailan hinding hindi ka na makakabawi pa." Sabi ko sabay alis sa lugar na yun. Tumakbo nalang ako para mabilis akong makaalis sa lugar na yun. Dumiretso ako agad sa bahay. Nakaupo lang ako dun. Umiiyak.

Pesteng mga luha. Bat ayaw tumigil sa pagpatak? Ganito ba talaga kasakit yun para hanggang ngayon di pa rin ako tumitigil? Gaano ba kadaming tubig yung kayang ilabas nang katawan ko. Kasi ako pagod na pagod na ko. Pero yung mga luhang to parang hindi nauubos.

Pinunasan ko agad yung luha ko. Di na tama to. Kailangan ko nang tumigil. Mabuti pa puntahan ko nalang si mama sa ospital.

Bumili muna ako nang mga prutas sa palengke bago tumuloy sa ospital.

"Ma, pinagdala kita nang prut--" di ko na natuloy yung sinasabi ko dahil nasa harap ko ngayon yung lalakeng iniiwasan ko. Si papa, habang nasa tabi ni mama. Ang sarap sana sa paningin eh. Kumpleto. Buo yung pamilya namin.

"Bat nandito ka? Umalis ka na nga!" Galit na pagtataboy ko sa sarili kong ama.

"Anong karapatan mong paalisin siya?! Sino ka ba ha?! Buti pa nga siya nabayaran na niya yung bills dito sa ospital. Pero ikaw wala kang kwenta! Hindi ko ba alam kung anong ginawa ko para malasin nang ganito nang dahil sayo! Kung bakit pa kasi inampon pa kita!!" Sigaw nito sakin.

"Ano ka ba naman." Sabi ni Papa kay Mama.

"Bakit?! Totoo naman eh! Simula nung napulot ko yang batang yan. Puro kamalasan yung dala niya! Salot sa pamilya. Kung hindi sana siya dumating masaya sana tayo!!" Sigaw nito. Pipigilan sana ito ni Papa pero di na niya nagawa pa. Lumabas na talaga yung katotohanan. Yung masakit na katotohanan.

Please don't forget to support, vote and comment. :)

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon