Pagkauwi ko galing sa trabaho ay nadatnan ko pa si Mariella sa bahay.
"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko at naupo sa tabi niya.
"Masama pakiramdam ko kaya di na ko pumasok." Matamlay na sabi nito.
"May sakit ka ba? Gusto mong bilhan kita nang gamot?" Tanong ko habang nakatingin sakanya.
"C-Concern ka ba talaga sakin?" Gulat na tanong nito.
"Ano bang klaseng tanong yan. Hahaha. Natural concern ako sayo, ikaw kaya bestfriend ko." Nakangiti kong sabi sakanya. Agad naman niya kong niyakap.
"S-sorry. So-sorry." Ulit ulit na sabi niya habang nakayakap sakin.
"Anong sorry?" Natatawang sabi ko. Kaya naman lumayo siya sakin.
"Weyt. Umiiyak ka ba?" Napansin ko kasing basa yung pisngi niya. Galing sa mata yung tubig alangan namang laway yan diba. -.-
"Sorry talaga Scar." Sabi nito habang umiiyak pa rin. Agad ko naman siyang pinatahan.
*sipol* *sipol*
Lalo namang humagulgol sa pag iyak si Mariella. Oh no. Don't tell me...
"A-asan si M-Mimi?" Oh god. Please sana mali lang ako nang hinala. Pero mas lumakas lang ang pag iyak niya.
"M-Ma-Mariella. Asan na si M-mimi?" Tanong ko pa rin kahit na mukhang alam ko na ang nangyare.
"S-sobrang na-nainis kasi ako sayo. K-kaya pi-pinamigay ko ku-kung kan-kanino." Putol putol na sabi nito.
"Sa-sabihin m-mo s-sakin na... Na m-mali la-lang ako n-nang dinig." Nanginginig na sabi ko.
"So-sorry ta-tala--"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad agad na akong lumabas nang apartment. Madilim na sa daan pero meron pa namang mga taong nasa labas.
"Ate. Ate nakita niyo po ba yung tuta ko?' Tanong ko sa babaeng nakita ko sa harap nang apartment namin. Si ate Destiny.
"Wala man girl eh. Sorry ah." Sabi naman nito.
"O-okay po. Salamat." Sabi ko naman.
"Manong Jun, nakita niyo po ba yung tuta ko? Yung cream white po yung kulay?" Sabi ko naman sa katabing bahay namin.
"Wala hija eh." Sabi naman nito.
"S-sige po. Salamat nalang po." Sabi ko naman nang nakayuko.
"Kuya! Kuya may nakita po ba kayong tuta na cream white yung kulay?" Tanong ko naman sa lalakng dumaan sa harapan ko.
"Wala man." Sabi nito at naglakad na ulit.
"Aleng Shey. May nakita po ba kayong tuta? Kulay cream white po yung balahibo niya." Tanong ko naman sa tindera sa malapit samin..
"Wala man akong nakita eh." Sagot naman nito. Pagkatapos kong magpathank you ay naglakad lakad na ulit ako. May nakita akong mga nag iinuman.
"Mga k-kuya? Pwede po bang magtanong kung... Kung may nakita po ba kayong tuta? Cream white po yung balahibo niya." Naiiyak na tanong ko.
"Wala kaming nakita."
"Pero pag may nakita kami sasabihin namin sayo."
"Sexy pala ni miss eh."
"Inom ka muna dito miss."
"Sorry po. H-hinahanap ko pa po kasi yung tuta ko." Sabi ko naman. Akmang pipigilan ako nang isa nang bigla siyang hawakan nung pinagtanungan ko.
"Pasensya ka na sa mga kasama ko. Lasing na eh. Umuwi ka na miss. Gabi na. Madilim sa daan tapos ikaw lang pa naman mag isa." Sabi nung pinagtanungan kong lalake.
"T-thank you po." Sabi ko naman. Pero bago ako makalayo ay nakita ko pang binatukan ni kuya yung may balak humawak sakin.
Pasalamat talaga ako na kahit ganun ay may ilan pa talagang matitino. Hindi naman porket may bisyo ay wala nang respeto. Kung minsan kung sino pang mga mabababa sila pa yung medyo matino. Kesa dun sa mga mayayamang nilamon na nang karangyaan nila kaya iniisip nila ay lahat kaya nilang bayaran.
Naglakad lakad pa rin ako sa daan. Pero... Pero wala pa rin talaga. H-hindi ko siya mahanap hanap. M-mimi.
Dahil wala na kong nakitang pwedeng pagtanungan pa ay pumasok nalang ako sa apartment.
"S-scar. San ka g-gal---"
Hindi ko na napakinggan yung iba pa niyang sinabi dahil nilock ko na agad yung pinto. Humiga ako sa kama ko at niyakap ko yung unan ko. Hindi ko na mapigilang hindi umiyak.
M-mimi. Ikaw na lang yung meron ako eh. B-bakit ba ganito kasama ang mundo. Sana masamang panaginip lang to. At sana magising na ako.
Sinubukan kong imulat ang mata ko pero sobrang sakit. Namamaga rin. Nakatulog na pala ako kaga-- si MIMI. Agad agad naman akong lumabas. Umaasa na paglabas ko ay siya agad yung bubungad sakin at makikipaghabulan. Pero wala akong nakita. Walang akong Mimi na nakita kahit saan. Eto na naman yung mga luha ko. Pero pinigilan ko.
Hindi dapat ako umiyak. Dahil mahahanap ko si Mimi. Pero sa ngayon kailangan ko munang maligo para makapasok na ko. Tama. Yun yung dapat na gawin ko.
Matamlay akong naligo. Kung dati ay 30 minutes lang. Ngayon ay inabot ako nang isang oras. Nakatulala lang ako sa loob nang 30 minutes.
Hindi rin ako makakain dahil nawawalan ako nang gana. Hindi rin ako makaramdam nang gutom.
Bago ako lumabas nang gate ay inaasahan kong hahabol si Mimi dahil ayaw niyang magpaiwan. Pero mahigit sampong minuto na kong nakatayo sa may gate ay wala pa ring lumalapit na Mimi sakin.
W-wala talaga. Hindi. Andito lang yun. Pagkauwi ko. Pagkauwi ko panigurado sasalubungin niya ko. G-gaya nang d-da-dati.
Bago pa ako maiyak ulit ay sumakay nalang ako nang jeep. Muntik pa nga akong mag chandelier eh *123* Sa mga may hindi alam nang 1-2-3. Yun po yung sasakay ka nang jeep tapos hindi ka magbabayad.
Buti nalang bago ko bumaba ay naalala kong di pa pala ako nag abot nang bayad ko. Hay.
Pagpasok ko nang room ay agad agad na kong dumukdok sa desk ko. Nang biglang may nanggulo na naman sa buhok ko. Agad ko namang tinignan at tama nga ako. Si mark na naman.
"Umiyak ka ba?" Biglang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.