Chapter Twelve

695 39 11
                                    

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Waaaahh! First day kasi ngayon. Nakakatanga kasi pag first day eh, hindi ko pa naman na nilibot yung campus nun kasi nagmamadali rin ako. Kaya kawawa ako ngayon kapag naligaw ako.

4am pa nga lang gising na ko. Pinaghalong kaba at excitement yung nararamdaman ko. 5am ay nagayos na ko nang mga gamit ko at naligo na. Nung 6am na ay umalis na ko para pumasok. Alam kong maaga, pero mas okay na to kesa naman mamaya ako makisabayan sa mga estudyante.

Atsaka kung magkanda ligaw ligaw man ako, may isang oras pa ako para mahanap yung tamang room ko. Pagpasok ko nang campus ay wala pang masyadong estudyante. Sabi sainyo eh, mas magiging madali ang pag pasok pag maaga.

Dala dala ko naman yung schedule ko. At dahil may taglay akong kashungahan. Kahit nakakahiya ay linapitan ko yung lalakeng nakatalikod sakin para pagtanungan ko.

"Excuse me po." Sabi ko dun sa lalake. Pagkaharap niya ay...

"Mark/Scar." Sabay pa naming sabi. Nakahinga naman ako nang maluwag. Wala siyang kasama, buti nalang. Inabot ko agad sakanya yung schedule ko. Atsaka ko siya nginitian.

"Alam ko na yan. Hahaha. Tara na. Same lang naman tayo eh." Sabi nito sabay balik nang schedule ko sakin. Agad ko namang tinupi yun. Hidni ko muna pinasok sa bag.

Nasa 3rd building pa pala yung room namin. Dito pa naman sa 1st building yung inikot ko. Jusko. Kaya pala wala akong mahanap na ganung room.

Pagkarating namin sa harap nang pinto ay tinignan ko ulit yung sched ko at sa nakalagay sa taas nang pinto.

"wala kang tiwala sakin. " sabi nito sabay nag iinarte pa na parang nasasaktan. Kaya binatukan ko agad siya.

"Wala talaga. Baka mamaya iligaw mo pa ko diba?" Tumatawang sabi ko.

"Grabe ka sakin. Huhuhu" Ghad. Talagang binagalan niya pa yung pagsabi nang HU HU HU ah.

"Para kang bakla. Tara na nga. Hahahaha." Sabi ko sakanya at sabay na kaming pumasok sa room. At dahil early bird kami, iilan nalang ang bakanteng upuan. At nasa dulo pa talaga. Buti nalang may dalawa sa likod kaya tabi nalang kami ni Mark.

At gaya nang usual na first day ay nagpakilala yung prof namin. At inisa isa pa kami nang pakilala. Pero ang maganda dito, hindi ko kailangang umalis nang pwesto mo.

"I'm Scarlet David." Sabi ko nalang.

"Mark pogi nga pala." Sabi nito at kumaway pa kunwari sa mga kaklase namin kaya nasitawanan lahat.

"Hindi ka pa rin nagbabago Mark." Sabi nang prof sakanya.

"Shemps Ma'am." Sabi nito at umupo na.

"Kilala mo na silang lahat?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Dito ako nag high school." Sabi naman nito kaya napatango ako.

Kaya pala... Kaya pala kilala siya nang lahat. Masiyahin, palabiro, palatawa, joker nang klase. Madami siyang napapatawa. Madaming natutuwa sa pagka magiliw niya. The usual mark. Napangiti naman ako.

I'm really glad na friends na ulit kami.

May ibang prof na sobrang strikto. Yung tipong wala nang pakila pakilala at diretso turo na siya.

May ibang prof naman na kengkoy lang. Yung tipong chill lang at nakakatuwa.

Pero dahil first palang naman ay maaga kaming nadismiss, dahil yung ibang dapat na teacher namin ay hindi pumasok. Gaya nang nakagawian, sabay ulit kami ni Mark. Kwentuhan, tawanan lang habang naglalakad. Pagkatapos ay maghihiwalay nang landas.

At ako? Uuwi nang masaya at nakangiti. Ito na ba yung swerte na hinihingi ko? Ito na ba yung kasiyahan na para talaga sakin kapalit nung mga masasakit na pinagdaanan ko? Kasi kung ito na yun, sobrang pasasalamat ko. Kasi ngayon, nagagawa ko nang ngumiti at tumawa. All thanks to Mark.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon