"Ano ba yan?! Puro ka tulog! Tumayo ka nga diyan at magtrabaho!" Sigaw ni Mama na siyang nagpagising sa akin. Eto na naman. Ganito nalang palagi araw araw. Sigaw ang gigising sakin sa bawat umaga. Mga masasakit na salita naman niya ang gigising sakin sa katotohanan. Katotohanan na mapait ang buhay.
Di ko nalamang siya pinansin at inayus ko na ang hinigaan ko sa lapag. Oo, wala kong sariling kama. Wala akong sariling kwarto. Sa sala lang ako natutulog. Kaya naman kapag umuwi si Mama, ako agad nakikita niya. Pagkatapos kong magligpit ay nagluto agad ako nang almusal. Pinagtimpla ko na rin siya nang kape.
"Ma, kakain na po." Mahinang sabi ko sakanya. Pagkatapos kong sabihin yun ay pumunta muna ako nang banyo para maligo na. Maghahanap kasi ako nang part time job. Para naman may maipon akong pang enroll sa susunod. Hindi kasi kayang tustusan ni Mama yung pag-aaral ko. Sapat na sakin yung may kinakain kami araw araw at may bahay kaming tinutulugan. Ako nalang bahala sa mga gastusin ko.
Katapos kong maligo at makapagbihis ay pumunta ako nang kusina para kumain. Pero pagdating ko ay wala nang tirang pagkain. Kulang siguro yung niluto ko. Hindi naman ako gaanong gutom kaya hindi nalang ako kakain. Niligpit ko yung pinagkainan at hinugasan ko na rin.
Inayus ko muna ang mga gamit ko at resume na ipapasa ko sa pag aapply.
Nagsimula na akong magpasa nang resume ko sa iba't ibang fast food chain. Tutal madami naman akong copy. At nang maubos ko na mga ipapasa ko ay umuwi muna ako.
3pm na pala. Limang oras na pala akong naghahanap. Kaya pala nakakaramdam na ko nang gutom. Kaya naman umuwi na muna ako. Nasa gate palang ako ay rinig na rinig ko na ang sigawan sa loob nang bahay namin kaya naman dali dali akong pumasok sa loob.
Nadatnan ko si Mama na nakikipag away dun sa kumare niya. Selly yata yung pangalan. Oo. Selly nga.
"Aba Carla! Sabi mo babayaran mo yung inutang mo ngayon. Ilang buwan na yun!" Sigaw nito kay Mama.
"Hindi ka ba marunong mag antay ha?! Babayaran ko rin naman yun ah!" Sigaw ni Mama. Akmang susugurin siya ni Manag Selly pero pinigilan ko nalang.
"Manang Selly. Magkano po ba yung utang ni Mama?" Mahinahong sabi ko.
"Tatlong libo rin yun." Sabi ni Manang Selly. Hindi na rin siya sumisigaw.
"Sige ho. Pwede po bang magpalugit muna? Naghahanap pa po kasi ako nang trabaho ngayon eh." Sabi ko kay Manang Selly.
"Osige. Pero dalawang linggo lang." Sabi nito pagkatapos makapag isip isip.
"Sige po. Salamat po ulit atsaka pasensya na rin." Sabi ko at umalis na nga si Manang Selly.
"Ano na namang pag mamagaling yan ha?!" Sigaw sakin ni Mama.
"Ma hindi ho ako nagmamagaling. Gusto ko lang pong tumulong." Sabi ko.
"Tumulong? O ipamukha sakin na hindi ko kayang bayaran yun?!" Galit na sabi ni Mama. Umiling ako.
"Hindi po ganun." Nakayukong sabi ko pero dinaanan lang ako ni Mama habang nagmumura. Napapikit nalang ako.
Hindi pa rin pala ako sanay sa mga masasakit niyang salita. Pinunasan ko yung luha ko.
"Okay lang to. Di ako nasasaktan." Bulong ko sa sarili ko. Malakas ako. Kakayanin ko to.
Author's Note
Please read, vote and comment na rin. Gusto kong malaman mga saloobin niyo dito sa storyang ito. ^_^
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.