Carla's POV
Natatakot ako ngayon. Nang marinig ko ang kalabog sa kabilang apartment ay kinakabahan na ko. Pero nang makita kong lumabas si Rey, kasama si S-scar na puno nang dugo ay tumriple yung kaba ko.
"R-Rey anong nangyare?" Natatakot na tanong ko habang nakatingin sa kamay ni Scar.
"Sumunod ka nalang sa ospital!" Nagmamadaling sabi nito at sumakay na nang tricycle. Inilock ko nalang muna yung gate at Agad rin akong nagtawag nang tricycle.
Pagkasakay ko ay naglabas agad ako nang perang pambayad.
"Sa pinakamalapit na emergency dito!" Aligagang sabi ko sabay abot nang pera. Damang dama ko pa rin ang panginginig nang kamay ko nang iabot ko ang bayad.
Alam kong napakasama kong nanay kay Scar. Alam kong hindi ko naiparanas sakanya ang magkaroon nang nanay.
Pero kahit ganito, ayokong mawala si Scar. Ayokong mawala yung anak ko.
"Kuya, pwede bang pakibilisan pa yung pagpapaandra niyo? Emergency po kasi to." Pagmamakaawa ko sa tricycle driver. Mukhang nakaintindi naman ito kaya mas lalo pa niyang binilisan.
Pagkarating ko sa emergency ay nakita ko si Rey habang kausap ang doktor.
"I'm sorry to say this. But she's dead..."
I'm sorry to say this. But she's dead.
But she's dead.
She's dead.
S-scarlet i-is d-dead?
Baka mali lang ako nang pagkakadinig.
Oo tama! M-mali lang ako.
Nakita kong umiiyak si Rey habang nakaupo sa sahig at doon ko nakumpirma na wala na nga siya.
Bumalik lahat sakin yung panahon na kasama ko pa si Scarlet.
Lahat nang mga ginawa niya para sakin.
Lahat nang mga bagay na hindi ko pinahalagahan.
N-ngayon, huli na. Kahit kailan ay hindi na siya babalik.
Sorry sa lahat scarlet. Hindi ko man lang naparamdam sayo na mahal din kita, anak. P-please, b-bu-bumalik k-ka la-lang, i-ipapara--mdam ko s-sayo na m-ahal na mahal ka n-namin.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.