Chapter Fourteen

599 38 3
                                    

Hila hila ko ngayon si Mark papuntang Dean's office. Ayaw ko kasing mag isang pumunta dun. Feeling ko mahihimatay ako sa sobrang kaba eh.

Nang nasa harap na kami nang office ay parang ayaw ko nang tumuloy.

"Waaah. Back out na kooo. Natatakot akooo." Sabi ko habang nagtatago sa likod ni Mark.

"Pasok ka na. Hihintayin kita dito. Positive ka lang okay?" Sabi nito at pinagtulakan pa talaga ako. Napapaisip nga ako kung kaibigan ko ba talaga to o gusto akong ipahamak eh. Huhuhuhu.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob. Tinignan ko si Mark pero tumango lang ito at parang sinasabi pa na pumasok ka na!

Hindi naman siguro ako kakainin nang buo dito. Magtitira pa naman siguro sila nang ilang piraso sa katawan ko. Huhuhuhu.

Kinakabahan akong naglakad papunta sa table kung nasaan si Mr. Mendez. Siya yung pinaka head dito sa campus. He's strict. Yun ang naririnig kong sabi sabi nang ibang estudyante dito.

"Ms. Scarlet David?" Tanong nito. Pati boses mukhang seryoso.

"O-opo s-si-sir" letseng dila to feeling ko nagkandabuhol buhol na eh. Huhuhu

"Sit down." Sabi nito. Agad naman akong umupo sa upuan na nasa harap niya.

"Can you explain what happened earlier?" Sabi nito habang nakatingin sakin.

"S-simula pa po nung bago ako dito. A-ako po yung laging napagdidiskitahan nang mga grupo ni Angela." Sabi ko sabay yuko.

"Like what? Mind to elaborate?" Sabi nito.

"Calling me names like bitch, malandi, maharot, higad, makati. Pero hindi ko naman po pinansin yun kasi alam ko naman yung totoo. At alam ko pong hindi totoo yun. Minsan pa po kapag mag isa lang ako sa canteen ay tutulak niya ko, minsan babanggain o kaya naman ihaharang niya yung paa niya pag dadaan ako, kaya ang ending po lagapak yung mukha ko sa sahig. Pero hindi ko pa rin po sila pinatulan. Pero kanina po, mukhang dun na po yata ako napuno. Kasi po pinunit nila yung libro na kailangan naming ipass sa subject namin. Okay lang pong pagsalitaan ako nang masama, o kaya naman saktan ako nang pisikal. Kaya lang naman po yung libro kasi na yun pinaghirapan ko po, pinagtrabauhan ko." Mahabang sabi ko habang nakayuko pa rin. Kinakabahan pa rin ako.

"Pero alam mong mali ang manakit diba?" Tanong nito sakin. Kaya napatingin ako sakanya.

"Alam ko pong mali yung ginawa ko, pero mali rin naman po yung ginagawa niya." Sabi ko. Kasi totoo naman eh. Hindi ko naman kasalanan kung bat napuno ako sa pag uugali niya.

"Okay, now that I know your part. I still have to question Angela and the other students." Sabi nito.

"Hindi naman po ako ma-mapapatalsik sa s-school d-di po ba?" Nagkakanda utal utal na sabi ko na naman.

"Nope. Pero once na naulit to. Wala nang warning warning. You can now go." Sabi nito. Dali dali naman akong lumabas.

Pagkalabas ko ay agad agad akong napayakap kay Mark.

"Hindi ako maeexpelllll!" Masayang sabi ko sakanya sabay hiwalay sa pagkakayakap ko.

"Waaahhh. Good news yannn!" Sabi naman nito at halata rin ang saya sa mukha niya.

"At dahil diyan ililibre kita nang fries sa canteen!" Sabi ko sakanya sabay hila sakanya papunta nang canteen.

"Grasya yan, di ko tatanggihan yan. Minsan ka lang maglibre eh." Sabi nito kaya hinampas ko siya sa braso.

"Grabe ka sakinnn!" Sabi ko sakanya. Pero tinawanan na lang niya ako. Umorder na ako nang dalawang fries pero napumilit siyang siya na lang magbayad.

Ganyan ang libre ko, siya nagbayad. :3 Tigas kasi nang ulo. Masyadong mapilit na siya daw lalaki kaya siya nalang manlilibre.

Habang kumakain kami ay naisip ko na naman yung libro ko. Paano na to ngayon?! Huhuhuhu.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon