Chapter Twenty-Three

499 29 18
                                    

Isang araw nalang at 4th monthsary na namin. Eto ako ngayon, naggugupit nang kung ano anong pwedeng ipangsurprise sakanya. Umawa rin ako nang outline na may nakasulat na "Happy 4th Monthsary Baby." Nag gupit rin ako nang mga puso puso.

Dito ko ngayon sa kwarto inayus ang lahat. Gusto ko kasi siyang isurprise ngayong monthsary namin. Lagi kasing siya yung nanlilibre sakin pag nagdadate kami.

Madaling araw ko nang natapos yung pagdedesign sa kwarto ko. Nakadikit sa pader yung Happy 4th Monthsary Baby! Tapos ay dinikit ko rin sa pader yung mga puso puso. Bumili rin ako nang libro para ipangregalo sakanya. Kagaya ko, mahilig rin siyang magbasa nang libro. Pero hindi about sa school ah. Isa siyang novel, nakita ko kasi siya minsan na tinitignan yun nung nagpunta kami nang mall. Kaya naisipan kong iyon na lang ang iregalo sakanya.

Puno rin nang lobo sa kama ko. Kulay pula at pink. Hahahaha. Alam kong may pagka girly. Pero hayaan na, effort rin to para sakanya noh.

Natulog nalang ako sa sahig dahil baka masira pa yung ginawa ko.

Nasa school na ako ngayon at walang Mark na nakita. Nagtext siya sakin, ang sabi niya ay hindi daw siya makakapasok dahil namatayan sila kaya nagpunta siya nang probinsya.

Nakaramdam naman ako nang lungkot. Hayaan na nga, may susunod na araw pa naman. Babawi nalang ulit ako.

At dahil day off ko ngayon ay umuwi nalang ako sa apartment. Nang may narinig akong nag uusap. Tinignan ko yung buong paligid. Wala naman. Lumapit ako sa kwarto ni Mariella.

At doon...

Narinig ko ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko inasahan sa buong buhay ko.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon