Chapter Five

882 59 23
                                    

Halos hindi na ako nagpapahinga dahil sa pagtatrabaho. Nakiusap rin ako sa manager ko kung pwedeng gawing 12 hours yung pagpasok ko para pandagdag ipon na rin.

Pagkatapos ko naman sa trabaho ay didiretso agad ako sa canteen para doon naman maghugas nang mga plato. At pagkagabi naman ay tumatanggap ako nang labahan sa mga katabing bahay.

Pagkatapos kong maglaba nang ilang tambak na damit ay dinalaw ko muna sa ospital si Mama. Nakahiga lang siya dun. Nang makasalubong ko ang doktor ay agad ko siyang nilapitan.

"Doc. Pwede po bang operahan agad si Mama? Babayaran ko naman po agad. Gusto ko lang pong makasigurado na magiging okay na siya."

"Next week. Next week ko siya iischedule nang operation." Sabi naman nang doktor. Kaya agad akong napangiti.

"Salamat po." Sabi ko at pumunta na ulit sa kwarto ni Mama. Umupo ako agad sa tabi niya.

"Ma, next week pwede ka nang operahan." Nakangiting sabi ko. Pero hindi niya lang ako pinansin. Nagkuwento rin ako nang kung ano ano sakanya pero hindi niya lang ako pinansin.

"Sige po Ma. Kailangan ko na pong umuwi. May trabaho pa po kasi ako bukas nang maaga. Hahalikan ko sana siya sa noo pero umiwas siya. Eto na naman, kumirot na naman yung puso ko sa pakikitungo niya sakin. Agad agad na kong lumabas.

Habang naglalakad pauwi ay nakaramdam ako nang gutom. Bumili nalang ako nang limang pisong buko sa dumaan sa harap ko at nang tinapay sa tindahan naman. Kumakain lang ako habang pauwi. Nang makauwi ako ay agad agad na akong naghilamos at humiga.

Nakatingin lang ako sa kisame. Makakaya ko ba? Kakayanin ko bang mabayaran yung bills ni mama. Ni hindi nga mataas yung sweldo ko. Hays. Kaya ko to. Maghahanap nalang ako nang pwede pang pasukan pag madaling araw. Pero agad kong winaksi yung bagay na unang pumasok sa isip ko.

"Lahat gagawin ko. Pero hindi sa ganung paraan." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Kahit kailan hindi ko ibebenta ang katawan ko. Pero paano kung yun nalang yung paraa-- Hindi. Mag iisip ako nang iba. Kahit hindi na ko makapagpahinga pa sa kakatrabaho.

Naisip ko si Papa. Kung malaman kaya niyang may sakit si mama pupuntahan kaya niya? Psh. Asa pa ko sa walang kwentang tao na yun. Baka nga wala nang pake samin ngayon yun eh. Baka nga nagpapakasaya siya sa buhay niya ngayon.

Ilang oras lang ako nakatulog dahil kailangan ko pang itupi yung mga nilaba ko kagabi. Pagkatapos kong maitupi ay nilagay ko na sa kanya kanya nilang lalagyan. Apat na labahin rin yung tinanggap ko kaya nagkanda sugat sugat yung kamay ko.

Pagkatapos kong makaligo ay agad agad ko nang inabot sa mga nagpalaba yung mga damit nila. Inabutan nila ako nang tig tatatlong daan. Bale naka mahigit isang libo ako. Dagdag rin to sa pambayad nang ospital. Nagmamadali na akong pumunta sa trabaho. Karating ko ay agad na akong nagpalit nang damit. 6am palang naman. 6:30 palang magsstart yung duty ko.

Nakaupo lang ako nang biglang tumabi sakin si Mark.

"Nagpahaba ka nang schedule?" Tanong nito. Kaya tumango nalang ako.

"Kailangan eh." Sabi ko.

"Alam mo, hindi masamang tumulong sa pamilya. Pero wag mo namang patayin yung sarili mo sa sobrang pagod." Sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

"Okay lang mamatay sa pagod, kesa sariling nanay ko yung mawala sakin." Mahinang bulong ko.

"Gusto mo bang tulungan kita? Pwede kitang pahiramin nang pera magkano ba kailangan mo?" Tanong nito. Umiling ako.

"May sariling pamilya kang sinusuportahan. Ayokong dumagdag. Atsaka gumagawa na rin ako nang paraan para makaipon nang pera pang bayad sa opera ni mama." Sabi ko.

"Kaya ba pati paghuhugas nang plato sa canteen sa may kanto pinasukan mo?" Sabi nito.

"Paano mo nalaman yun?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Nakita kasi minsan nung pagka out mo. Dun ka agad dumiretso. Kaya nagtanong ako sa tindera kung anong ginagawa mo dun. Tapos ayun nga sabi niya naghuhugas ka daw nang plato dun." Paliwanag nito. Kaya naman napatango nalang ako.

"Kung kailangan mo nang tulong. Wag kang mahiyang lumapit sakin." Sabi nito habang nakangiti. Kaya nginitian ko rin siya.

"Salamat Mark." Sabi ko.

Pagkaraan nang ilang minuto ay siya namang pagpasok nang iba pang mga kasamahan namin. Nagpalit rin sila nang damit. Ilang minuto nalang rin naman kaya lumabas na lang ako agad.

Naka assign ako ngayon sa paglilinis. Buong week akong puro linis nang mga table, cr at nang sahig. Kung minsan ay pati yung salamin ay ako rin ang naglilinis.

At gaya kahapon. Pagkatapos ko sa duty ko ay didiretso agad ako sa canteen para maghugas nang plato. Nakiusap rin ako kung pwedeng taga dala rin ako nang mga order nang mga customer dahil walang labahin ngayon. Buti nalang ay pumayag si Manang Tes.

"Mabuti kang anak alam mo yun? Napakaswerte nang magulang mo." Sabi pa nito sakin habang naglilinis ako nang canteen niya dahil magsasara na siya.

Napangiti naman ako. Sana nga. Sana nga ganito rin yung nakikita sakin ni Mama. Sana nga hindi lang ako walang kwenta para sakanya.

Please support my story. Please don't forget to vote and comment too. Thank youuu. :)

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon