Nung una ay ayaw niya pang sumama sa apartment. Pero dahil sadyang makulit ako, ayun eto siya ngayon kasama kong naglalakad. Hahahaha. Asar na asar nga yung mukha niya eh.
"Wag ka kasing bitter aba. Hahahaha." Sabi ko sakanya.
"Hindi naman sa bitter. Awkward nga lang kasi." Sagot naman nito.
"Hayaan mo na. Malay mo pag nagkita kayo ngayon ay magkaroon kayo nang closure. Odibaaa.." Sabi ko naman sakanya.
"Oo na. Oo na." Sabi naman nito.
Nang pagbukas ko nang gate ay si Mimi agad yung sumalubong sakin kaya dali dali ko siyang binuhat.
"Mimi, this is Mark." Sabi ko at dali dali niyang kinuha sakin yung tuta. Ngiting ngiti pa siya habang karga yung tuta.
"Ang cute mo pala noh?" Bigla kong nasabi kaya natigilan siya. Ano ba kasing bibig to bigla bigla nalang nagsasalita nang hindi nag iisip. :3
"A-ang cute mo sabi ko. Kamukha mo kasi yung tuta." Palusot ko naman. Nakita ko namang natawa rin siya. Okayyy, success ang pagpapalusot na plano. Hehehe.
Habang nasa sala kami at nilalaro si Mimi ay nagpaalam ako saglit na ipapasok ko lang sa kwarto yung mga gamit ko.
Papalabas na sana ako nang may narinig akong nag uusap.
"B-Bat andito ka?"
"Ni-niyaya lang ako ni Scar dito para makita ko si Mimi,"
"Ahh, yun pala."
"Yeah."
"So kumusta ka naman?"
"Eto single na. Hahaha." Halatang peke yung tawa ni Mariella.
"Napano kayo nung boyfriend mo?"
"Nakipaghiwalay ako."
"..."
"Alam mo ba kung bakit ako nakipaghiwalay?"
"..."
"K-kasi m-mas pinili kita. Kasi ma-mahal kita."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Ikaw yung mahal ko. Pw-pwede bang tayo nalang ulit?" Hindi ko alam na kayang magmakaawa ni Mariella para sa isang lalake.
"S-sorry. Hindi na pwede."
"Dah-dahil ba sakanya?"
"Walang involve dito. Okay?"
Hindi ko alam kung lalabas ba ako o magkukulong nalang sa kwarto eh. Pero narinig ko nalang na biglang pabagsak na sinara yung pinto. Dali dali akong pumunta sa sala. Nakaupo lang di Mark habang hawak si Mimi at si Mariella? Pumasok na siguro sa kwarto yun.
"Y-yung... S-sorr--"
"Wag kang magpasorry. Hahaha. Osige. Mauna na pala ako. May trabaho ka pa diba?"paalala naman nito sakin kaya tumango ako.
Pinakain ko muna yung tuta bago kami umalis ni Mark. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi iopen yung topic na yun.
"N-narinig ko nga pala kayo kanina." Mahinang sabi ko kaya tumawa siya.
"Alam ko. Maliit lang yung apartment at sa boses nang pag uusap namin? Paniguradong rinig talaga yun." Sabi naman nito.
"Bakit di mo siya tinanggap ulit?" Tanong ko. Kanina ko pa talaga gustong tanungin to pero kinakabahan ako at masabihan pa kong pakelamera eh. ._.
"Kasi hindi ko na mahal." Maikling sabi nito.
"Ganun kadali?" Sabi ko sakanya.
"Hindi lang talaga ganun kalalim yung feelings ko para sakanya." Explain naman nito kaya napatango nalang ako.
"Osyaa. Dito na pala ako. Ingat ka ah. Byeee" sabi ko nang nasa harapan na kami nang lugar kung saan ko siya unang nakilala. Yung lugar na pinagtatrabauhan ko.
"Sigee. Bye rin sayo." Sabi nito at nginitian ako. Pumasok naman ako sa loob at nagpalit na nang damit. Habang nagpapalit nang damit ay hindi pa rin mawaksi sa isip ko yung mga narinig ko kanina.
"Dahil ba sakanya?"
"Dahil ba sakanya?"
Sino kaya yung tinutukoy ni Mariella dun. At sino naman kaya yung maaaring maging dahilan nang madaling paglimot ni Mark? Hays! Wag ko na nga lang munang isipin to at magfofocus muna ako sa pagtatrabaho ko.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.