Nagising ako dahil sa pag ring nang cell phone ko. Tumayo ako at hinanap yung phone ko sa kung saan saan.
Asan na ba yun? Naiiritang sabi ko sa sarili ko habang pinaghahanap sa sala. Nang maalala kong nasa bulsa ko lang pala.
"Natutulog pa yata ako." Walang ganang sabi ko. Hindi ko na tinignan kung sino yung tumawag.
"Sino to?" Bungad ko agad.
"Manager mo to." Napadiretso naman ako sa pagkakaupo.
"Ilang beses ka nang hindi pumapasok nang walang paalam, aba." Inis na sabi nang nasa kabilang linya.
"Sorry po." Sagot ko naman.
"No, I'm sorry. But I have to fire you." Sabi naman nito na napagpatigil sakin.
"Hindi naman po seryoso to noh? Joke time po ba?" Pilit kong tawa kahit alam kong malabong maging biro to.
"No it's not. You are really fired. Bye."
"Si--" pinatayan na pala ako. Ginulo ko naman yung buhok ko.
Bakit ba ganito lagi! Pag may problema ako, hindi pwedeng walang dadagdag! Tao lang naman ako! Napupuno. Hindi naman lahat kaya kong lagpasan!
Dahil sa sobrang inis ay umakyat nalang ako sa kwarto ko at binuksan yung bintana ko. Bukas yung ilaw sa kwarto nila. Hindi naman nila ako nakikita dahil hindi ko sinindi yung ilaw.
Rinig ko rin sila dito.
"Ano na naman ba yun ah?!" Inis na sabi ni papa.
"Kahit papaano, anak pa rin natin siya." Sabi ni papa.
"Anak?! Hindi ko siya anak! Baka sayo. Baka anak mo siya dun sa babae mo!" Sigaw ni mama.
"Ano ba!"
"Totoo naman eh. Anak mo yung letseng scarlet na yun sa babaeng kinasama mo!" Umiiyak na sabi ni mama kaya niyakap siya ni papa.
Totoong tatay ko si papa? Hindi lang ako ampon? Pero bakit nila ako iniwan? Sino ba talaga yung nanay ko?
Kahit na nasasaktan ako ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pakikinig sakanila.
Madami akong nalaman tungkol sa akin.
Una, hindi ako ampon lang.
Pangalawa, si papa ay totoong papako pero iba yung nanay ko.
Pangatlo, galit na galit si mama sa totoong nanay ko dahil mag Bestfriends sila dati.
Pang-apat, hindi talaga ako planado sa buhay nila.
Pang lima, nalaman kong patay na yung totoong nanay ko. Ni hindi ko man lang siya nakita.
Pang anim, iniwan kami ni papa noon, dahil sasampahan siya nang kasi nang totoo kong nanay kapag hindi siya nito pinakasalan at pinanagutan.
At pang huli. May kapatid ako sa labas. Pero mas nauna yun kesa sakin. Buti pa yung una, tinanggap niya. Pero nung ako, inayawan ako nang lahat.
Sumakit ang ulo ko sa lahat nang mga nalaman ko. Kailangan kong makausap si papa.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.