Pagkagising ko ay sobrang bigat nang nadarama ko, nilalamig rin ako at pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko. Pinikit ko nang mariin ang aking mata, baka sakaling umayos na pakiramdam ko. Pero mas lalo lang pala akong nakaramdam nang hilo. Pinilit ko ring tignan ang oras dahil may pasok pa ko.
5:00 AM
Kahit masakit pa rin ang pakiramdam ko ay pinilit kong tumayo upang makaligo. Medyo nahimasmasan na rin naman ako, pero nandun pa rin yung kirot sa ulo ko.
6:30 palang ay nasa klase na ako. Dahil napaaga ako masyado, nagawa ko pang makatulog nang ilang minuto. Bago ako binulabog na naman nitong kumag na to.
"Oh, bat ganyan itsura mo?" Pang aasar nito. Pero imbis na makipagbangayan rin ako sakanya ay niyuko ko nalang ulit yung ulo ko.
"Uy. May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito.
"Masakit lang ulo ko." Bulong ko naman na siguradong dinig naman niya. Nagulat naman ako nang maramdaman kong idinampi niya sa aking noo at leeg ang likod nang kanyang palad.
"Mainit ka ah. Tara, dalhin kita sa clinic." Sabi nito at binuhat na agad yung bag ko pero hinila ko lang yun sakanya.
"Umupo ka na. Atsaka andiyan na yung prof." Sabay turo sa prof namin ngayon na kakapasok lang. Lumapit naman agad si Mark sa table ni Sir. Pagkatapos ay dali dali rin siyang bumalik sa pwesto namin.
"Okay na daw. Kaya tara na." Sabi nito at hinila na ko. Hindi na ako pumalag pa dahil pakiramdam ko sasabog na yung ulo ko sa sobrang sakit. Bawat hakbang ko pababa nang hagdan ay pakiramdam ko mahuhulog ako. Nalulula ako na ewan. Basta hindi maganda sa pakiramdam. ._.
At sa kabutihang palad, nakarating naman kami nang hindi ako nahuhulog, nadadapa at nahihimatay sa clinic.
"Miss, nilalagnat po kasi siya kaya dinala ko siya sa clinic." Sabi agad ni Mark dun sa nurse. Tumango naman yung nurse at nauna nang naglakad papunta sa mga kama na nandun. Para silang hospital beds na kurtina lang ang naghihiwalay. Lima sa kaliwa at lima rin sa kanan. At dahil wala namang mga estudyante dun ay pinili ko nalang yung dulo.
Humiga nalang muna ako dun habang kausap nang nurse si Mark. Ipinikit ko ang mata ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Niyugyog naman ako ni Mark. Tinignan ko siya at napansin kong may hawak siyang mineral water at sandwich naman sa kabila.
"Kailangan mo munang kumain bago ka uminom nang gamot." Sabi nito at inilapag sa kama yung mineral at gamot. Sinimulan naman niyang alisin yung balot sa sandwich at tinutok sa bibig ko.
"Say ahh." Pang aalaska pa nito. Balak ko sanang kunin sakanya yung sandwich pero nilayo niya lang.
"Nope. Susubuan na kita. Bilis." Sabi nito at inilapit ulit sakin yung tinapay. Kumagat naman ako, pero pakiramdam ko ay iluluwa ko lang iyon kaya kinuha ko yung tubig at uminom. Naramaman ko namang sumabay lang sa tubig yung kapirasong tinapay na kinagat ko kanina.
"Ayoko. Nasusuka ako." Sabi ko sakanya nung pinipilit niya pa kong subuan.
"Apat na kagat nalang." Sabi nito at nagpuppy eyes pa talaga ang loko. Kamukha na talaga niya si Mim--
Bago ko pa matuloy ay kumagat nalang ako sa tinapay at linunok agad kaya naman nabulunan ako. Inabot naman niya yung tubig sakin.
"Hindi ka naman nagmamadali diba? Atsaka nginunguya muna yan bago nilulunok." Sabi pa nito nang makarecover na ko sa near death experience ko. Char. :3
"Sornaman." Sabi ko sakanya. At dahil sobrang kulit nang lahi nang lalakeng to ay pinaubos niya sakin yung sandwich na dala niya. Yung apat na subo na napunta sa sampo. Ininom ko na rin yung gamot ko at humiga.
"Bumalik ka na dun. Kaya ko na to." Sabi ko. Anong oras na rin naman at baka maabsent pa siya sa ibang subject namin.
"Hindi kita pwedeng iwan dito." Sabi niya. Naramdaman kong nag init yung pisngi ko. Blus-- nilalagnat lang ako kaya mainit. Oo ganun na nga.
"Balikan mo nalang ako mamaya. Atsaka magtake notes ka na rin para kahit wala ako dun, may alam tayong parehas." Pangungulit ko sakanya.
"Oo nga noh. Osigee. Pero babalikan rin kita pagkatapos na pagkatapos nang klase ah." Sabi naman nito.
"Shupiii ka na." Pagtataboy ko sakanya. Hinalikan na naman niya ko sa noo bago siya patakbong umalis nang clinic. Eto na naman yung puso ko. Sobrang bilis nang tibok. Ito yata yung dapat ipa check up ko eh. Abnormal na puso.
Makatulog na nga lang para kumalma na tong puso kong daig pa yung bilis sa kabayo kung tumibok.
Nakatingin lang ako sa kisame nang biglang nagbago yung scenario. Napunta bigla ako sa isang park.
"Hahahaha. Mimi. Dada." Sabi nang isang bata. Isang batang babae na nakaputing dress. Batang ba-- ako?
Ngayon ko lang napansin na ako pala yung batang babae na yun. At ka-kalaro ko sina M-mama at P-papa. Masaya kaming nagtatawanan at nagtatakbuhan.
Hinahabol kaming dalawa ni Mama ni Papa. At dahil batang bata palang ako ay buhat buhat ako ni Mama sa pagtakbo. Mukhang masaya kami. Walang problema. Perpekto.
Lalapit sana ako kaya lang bigla na namang nag iba yung paligid. Napunta na sa bahay. Nasa sala ako naglalaro nang manika. Asan kaya sina M--
"Wag mo kaming iwan nang a-anak mo!" Iyak na sabi ni mama. Nakita ko namang nagpupumilit lumabas nang kwarto si papa habang may bitbit na dalawang bag.
"Ayoko na sainyo! Tigilan mo nga yang kakangawa mo!" Galit na sigaw ni papa na lalong nagpaiyak kay mama. Napansin ko ring sumasabay na pala yung batang ako sa pag iyak sa mga sigawan nila.
"Bakit ha?! Ipagpapalit mo kami dun sa kabit mo?!" Singhal ni mama kay papa. Pero hindi sumagot si papa at tinulak niya lang si mama para makadaan siya.
"Mamatay ka nang hayop ka!! Magsama kayo nang hayop mong kabit!! Pareho kaong malandi!" Galit na galit na sigaw ni mama at ipinagtulakan pa palabas si papa.
Umiiyak pa rin ang batang ako habang nakaupo sa sahig at yakap yakap yung manika ko.
"Manahimik ka! Sumasabay ka pa eh!!" Sigaw ni mama sa walang kamuwang muwang na bata kaya mas lalo lang lumakas ang pag iyak nito. At dahil sa inis ni mama ay hahampasin sana niya ito nang tsinelas.
Bago pa niya mapigilan ay nagising na lang siya bigla. Pawis na pawis siya at sa hindi malamang dahilan ay umiiyak rin siya.
"Okay ka lang ba?? Kanina pa kita ginigising binangungot ka yata." Sabi ni Mark na ngayon ay nasa harapan ko na.
"Ok-okay lang ako." Sabi ko naman at suminghot singhot pa.
"Gusto mo bang ikwento?"
"Nakalimutan ko na eh. Tara uwi na tayo." Pag iiba ko nalang nang usapan. Naniwala naman agad siya sa sinabi ko at siya na rin yung nagbuhat sa bag ko.
Ayus na rin yung pakiramdam ko. Medyo masakit nalang yung ulo ko pero hindi na ako nilalagnat. Kaya kahit gusto akong ihatid ni Mark ay umayaw na ako.
Naglakad lang ako. Hindi ako sumakay nang jeep. Kasi sa ngayon, gusto ko munang mag isa. Hanggang ngayon malinaw pa rin sakin yung panaginip ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako iniiwan nang bangungot na yun. Gabi gabi kong napapanaginipan yun. Naging reminder na nga yata yun sa bawat araw na ako yung dahilan nang pagkasira nang pamilyang dati ay perpekto.
Kung hindi ako dumating, hindi sana ako laging dinadala ni Papa dun sa bahay nang kalaro ko.
Kung hindi ako dumating, hindi sana magiging close si papa dun sa nanay nung kalaro ko noon.
Kung hindi ako dumating, baka hindi nakilala ni Papa yung babae niya.
Kung hindi ako dumating, sana hindi iniwan ni papa si mama para sa iba.
Kung hindi ako dumating, hindi na sana sila nagdusa pa.
Kung pwede lang ibalik yung oras, mas pipiliin kong sana hindi nalang ako nabuhay.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.