Chapter Eight

777 41 16
                                    

Dahan dahan kong minulat yung mata ko. Ang sakit rin nang ulo ko. Kinuha ko agad yung phone ko para itext yung manager namin.

To: Manager

Good Morning po. Magpapaalam po sana ako na hindi ako makakapasok ngayon. Masama po kasi talaga yung pakiramdam ko. Babawiin ko nalang po yung oras ko sa ibang araw. Salamat po.

Message sent!

Binaba ko naman yung phone ko. Hindi na muna siguro ako papasok sa trabaho. Magpapahinga nalang muna ako. Ngunit pagpikit ko ay itsura ni mama yung nakita ko. Patuloy ko ring naririnig yung boses niya. Minulat ko yung mata ko. Naiiyak na naman ako. Dali dali akong tumayo at kumuha nang damit. Ililigo ko nalang to.

Kumuha rin ako nang tuwalya. Paglabas ko nang kwarto ay nakita ko namang nanunuod nang tv si Mariella.

"Oh gising ka na pala. Nag luto ako nang almusal diyan. Kumain ka na muna." Sabi nito.

"Maliligo muna ko saglit. Salamat." Tinungo ko na ang banyo. Hindi malaki, pero hindi rin masikip. Sakto lang. At may shower pa dito. Isang oras ri pn siguro akong nagbabad sa tubig.

Ang saya pala sa pakiramdam na hindi nagmaamdali.

Pagkatapos maligo ay sa banyo na rin ako nagbihis. Yung damit ko naman ay pinasok ko sa kwarto ko. Pumunta na rin akong kusina para kumain.

Hinugasan ko yung plato pagkatapos ko.

"So, kukwento mo na ba sakin lahat nang nangyari? As in lahat ah." Sabi nito. Yung nakwento ko lang sakanya kagabi ay yung paglalayas ko.

"Ampon lang ako." Mahinang sabi ko.

"Ha?" Ulit nito.

"Ampon lang ako. Kumbaga sa pamilya salot lang ako. Ako daw yung may kasalanan kung bakit nasira yung pamilya nila." Naiiyak kong sabi. Agad naman niya kong niyakap.

"A-ako nalang yung nagkusang umalis. Kasi mas masakit pag kay mama mismo nanggaling yung pagpapalayas sa akin." Pagpapatuloy ko.

"Sana hindi ko nalang nalaman yung totoo. Kasi ang sakit eh. Haha." Di ko na napigilan pang humagulgol.

"Kahit ganun yung turing sakin ni mama. Mahal ko yun eh." Sabi ko habang umiiyak. Hinagod niya lang yung likod ko.

"Kahit naman siguro minahal ka nang mama mo." Sabi nito habang pinapatahan ako.

"Sana." Ngumiti ako kahit na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. Pinunasan ko yung luha ko.

"Hindi naman ako iyakin eh. Lahat naman kinakaya kong itago. Lahat kaya kong pekehin." Sabi ko habang nagpupunas nang luha.

"Hindi naman kailangan araw araw tayong malakas eh. Tao ka lang rin. May emosyon. Nasasaktan. Kaya normal lang na umiyak ka. Wag mong pigilan." Sabi nito.

"Kahit naman anong pigil ko, hindi ko talaga maiiwasan eh. Kasi lahat kaya kong tanggapin. Ito lang talaga yung bukod tangi." Sabi ko sakanya.

Pagkatapos nang madramang session namin ay niyaya niya akong lumabas at magmall.

"Don't worry. Treat ko ngayon." Sabi nito at pinagtulakan ako sa loob nang kwarto ko. Nagpalit nalang ako nang tshirt na kulay maroon. Hondi na ako nagpalit nang shorts dahil okay naman itong pang alis. Nag sandal shoes nalang rin ako. Dala dala ko rin yung phone ko at pera kung sakali mang may maisipan akong bilhin.

Pagkalabas ko ay saktong paglabas rin ni Mariella. Naka crop top siya at shorts na kulay puti. Naka wedge na sapatos rin siya na kulay white. Sosyal na sosyal yung dating. Habang ako? Manang na manang.

"Tara na." Sabi pa nito at humawak pa sa braso ko at sabay kaming lumakad.

Pagkapunta namin sa mall ay naghanap muna kami nang makakainan. Nang bigla kong makasalubong si Mark.

"Uy, andito ka rin pala." Sabi nito at nginitian ko naman siya.

"Mariella, si Mark pala katrabaho ko. Mark, si Mariella kaibigan ko." Pagpapakilala ko sakanila. Nagshake hands naman sila.

"Hindi mo naman sinabi na may maganda kang kaibigan." Sabi ni mark habang nakatingin kay Mariella.

"Bolero." Kinikilig na sabi ni  Mariella.

Napagdesisyonan namin na sa Slice N Dice nalang kumain. Sila lang naman yung nagkukuwentuhan. Sila lang naman yung nag uusap. Hindi ko alam kung anong pakiramdam to. Pero hindi maganda. Nagseselos yata ako. Pero! Malabo. Friends lang kami ni Mark. Hindi ako pwedeng makaramdam nang selos.

Tahimik lang akong kumakain habang sila panay ang kwentuhan sa buhay nila.

"Mariella, ahh ehh. Punta lang ako nang cr." Sabi ko at dali dali akong umalis doon. Hindi naman talaga ako magccr. Gusto ko nalang umuwi.

Tinext ko nalang si Mariella na nauna na ko dahil biglang sumama yung pakiramdam ko.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon