Chapter Nineteen

593 35 3
                                    

"Waaaahhhh. T-tulungan m-mo kong ha-hanapin si M-mimi." Umiiyak na sabi ko habang nakaupo kami sa bench.

"Oo. Tutulungan kitang mahanap si Mimi. Tahan ka na." Sabi nito habang hinahagod yung likod ko. Pinunasan ko na yung luha ko pero sinisinok pa rin ako. Nang medyo nahimasmasan ako ay umayos ako nang upo.

*Arf* *Arf*

Agad naman akong nagtaas nang tingin nang makarinig ako nang kahol nang tuta.

"Mim--" natigilan naman ako nang makitang ibang tuta pala yun. Umupo agad ulit ako at hindi ko na naman mapigilang hindi humagulgol nang iyak.

"Tama na yan Scar. Mahahanap natin si Mimi. Okay? Mag aapat na oras ka nang umiiyak." Sabi nito at halata sa mukha niya ang labis na pag aalala sa akin.

At oo, tama kayo nang rinig este basa. Apat na oras na kaming nandito sa park. At hindi rin kami pumasok nang klase at dinala niya ko dito para daw mailabas ko lahat nang iyak ko.

"S-sige. M-mauna ka na-nalang umu-umuwi." Putol na putol na sabi ko dahil sa pagsinok ko. Nasobrahan na naman ako sa iyak. Pero imbis na umalis ay niyakap niya lang ako. Isang mahigpit na yakap pero hindi nakakasakal. Mahigpit na yakap na hindi nakakaubos hininga. Isang mahigpit na yakap na nagawang pagdikit dikitin yung pagkatao ko. Isang yakap na gusto ko sakanya lang galing. I felt secure that time. I felt loved. Parang may switch yung yakap niya na kayang magpakalma sakin.

"Trust me. Hahanapin natin siya." Bulong pa niya habang nakayakap nang mahigpit sakin. Nagsumiksik naman ako sa balikat niya. Alam kong kaya niyang tuparin yun.

"I t-trust you." Bulong ko rin sakanya. Nang medyo kumalma na ako ay ako na mismo yung kumalas sa yakap namin. Kahit na mahirap ay pilit ko siyang nginitian.

"S-salamat ah. I-ikaw nalang t-talaga yung ma-maaasahan ko." Sabi ko. Ngumiti naman siya pagkatapos ay pinisil ang ilong ko.

"Ikaw na si Rudolph. Ang pula pula na nang ilong, mata at pisngi mo." Sabi naman nito. Kaya agad akong yumuko. Pero hinawakan niya lang yung baba ko at hinarap sakanya.

"Kahit umiiyak ka ngayon. Ikaw pa rin yung pinaka matapang na nakilala ko." Nakangiting sabi nito. Hindi ko alam kung halata pa bang namula ako sa sinabi niya o hindi na. Pero alam ko sa sarili ko na natuwa ako sa sinabi niya.

"U-umiiyak na nga matapang pa? Haha." Sabi ko naman.

"Porket ba umiiyak mahina na agad? Alam mo ba kung sino talaga yung totoong matatapang? Hindi yung mga taong nakakayang ngumiti kahit gusto nang umiyak. Yung totoong matapang ay yung hindi natatakot ilabas yung emosyon niya. Yung taong kahit na lugmok na ay nakakaya pa ring tumayo ulit at harapin yung mga problema." Mahabang sabi nito. Kaya naman napangiti ako.

"At dahil diyan sa pag ngiti mo. Ililibre mo ko nang ice cream. Tara!" Sabi nito habang hila hila ako dun sa ice cream parlor na katabi lang nang park.

Puro glass yung wall nang Eye Scream Parlor. Oo alam kong medyo epic yung name at hindi rin tugma sa theme nila. Pero yun yung bagay na nagpa unique sa parlor na yun. Dahil sa pangalan iisipin na medyo may pagka horror yung dating. Pero pag pasok mo naman ay rainbow ang wallpaper. Tapos pag tumingala ka naman ay puro mga drawing nang ice cream. Tapos yung mga table at upuan ay colorful rin.

Pag dating naman sa counter ay makikita mo yung mga flavor nang ice cream. At sa side ay may parang glass kung saan nakalagay yung mga cakes nila.

Pareho kami nang favorite na flavor. Strawberry. *O* Yung large yung inorder namin. Umorder rin kami nang blueberry cheesecake. At ngayon, hindi ko na hinayaang makapaglabas nang pera si Mark at inabot ko agad agad yung bayad sa dalawang order namin.

"Wag kang madaya. Ang usapan ako manlilibre." Sabi ko sakanya kaya wala naman na siyang nagawa pa. Nang nakuha na namin yung ice cream namin ay naghanap kami nang lugar na malapit lang sa glass window. Maganda yung view kasi sa labas. Hindi maaraw at hindi rin naman makulimlim. Mahangin pa nga eh. At ang table na napili pa namin ay kulay pink.

Ayaw pa nga nung unang umupo ni Mark kasi daw ang bakla nang kulay masyado. Pero dahil ako ang boss ngayon wala siyang nagawa kung hindi umupo nalang dun.

Kumain lang kami nang kumain habang hindi nauubusan nang joke itong lalake na ito. Pero grabe sa ka cornyhan kaya hindi ko nalang iisa isahin. Hahahaha.

"Paano kainin nang astronauts ang ice cream nila?"

"Oh, paano?"

"In floats." Sabi nito habang tumatawa pa.

"O. Isa pa isa pa. Hahahhaha. Anong sinabi nang newspaper sa ice cream?"

"Ano? Hahaha."

"What's the scoop." Sabi nito habang iniba pa yung boses kaya mas natawa ako.

"Saang school pumapasok ang mga ice cream? Hahaha."

"Saan?"

"Edi SUNDAE school. Hahahaha." Sabi nito at humagalpak pa nang tawa.

Yan yung ilan sa mga jokes niya na natatandaan ko. At pinatigil ko na siya dahil pinagtitinginan na kami nang ibang staffs nang parlor na to. Nakikitawa pa nga sila eh. Pero dahil wala namang ibang customer kaya hindi kami sinisita na sobrang ingay. Atsaka paano kami sisitain kung pati sila nakisama sa biruan. Hahahaha. At yung kasama ko lang naman yung maingay eh. Tahimik lang talaga ako. Nakikisabay lang ako sa tawa nila.

Nang palabas na kami ay nagbye pa kami dun sa mga staffs na nakitawa sa mga jokes niya. At inihatid na rin niya ko. Kahit paano ay nakalimutan ko nang panandalian yung mga problema ko.

"Thank you Mark." Sabi ko sakanya nang maihatid niya ko sa apartment ko.

"Wala yun. I'm happy na napasaya kita. Wag ka nang sumimangot. Okay?" Sabi naman nito kaya tumango ako at nginitian siya.

"Sige. Ingat ka sa pag uwi ah. Sorry pala kung nag absent ka pa dahil sakin." Sabi ko naman.

"Don't think about it. Mas mahalaga ka. Sige. Una na ko." Akala ko aalis na siya pero nabigla ako sa ginawa niya.

Author's Note

Ano kayang ginawa ni Markkkkkkk? O.o Balak ko talagang tapusin agad tong story na to. Para makapagfocus naman ako sa iba. Please don't forget to click vote and type your comments na rin sa gusto o gusto niyo. Char. Hahahaha. Labyuuu guys!

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon