Chapter Thirty-Three

594 29 23
                                    

Mariella's POV

Ako yung bestfrien ni Scarlet magsimula elementary kami. Napakasakim ko. Alam ko namang mahal ni Scarlet si Mark, pero inagawa ko pa rin siya.

Nagmahal lang naman ako eh, ano bang masama dun?

Nandito ako ngayon sa labas nang bahay nila Scar. Nabalitaan ko kasi na w-wala na si s-scar.

Nang tinext ako ni Mark about dun ay tinawanan ko lang. Akala ko kasi ay nagjojoke time sila. Akala ko kasi pinagtitripan lang niya ko para makonsensya ako.

At nang malaman kong totoo pala talaga ay umiyak ako buong araw sa loob nang kwarto niya. Nakahiga lang ako sa kama niya buong araw habang yakap yakap yung unan niya.

Kahit sa maikling pagsasama namin sa iisang apartment ay napalapit na rin yung loob ko sakanya.

Atsaka, hindi lang ito kasalanan ko sakanya eh. Yung tuta niya? Yung tuta niya na pinamigay ko lang kung kani kanino nung magalit ako sakanya. Simula noon ay hindi na ulit kami nagkausap nang masinsinan. Lagi kaming nag iiwasan. Hindi rin niya ako kinakausap pag nagkakasalubong kami sa loob nang bahay.

Dahan dahan akong pumasok sa bahay nila. Madaming tao, nagkukwentuhan sila. Maliwanag yung loob nang bahay nila. Madami ring upuan, kung saan nakaupo ang mga nakikiramay.

Sa pinaka unahan ay nandun yung mama at papa siguro ni scar. Hindi nga sila umiiyak, pero kitang kita mo yung lungkot sa mga mukha nila habang nakatingin sa kabaong na nasa harapan nila.

Lumapit ako sakanila at yumakap.

"C-Condolences po." Sabi ko at tumango naman sila.

Lumapit ako sa kabaong niya. Isang puting kabaong. May mga nakadikit rin na pangalan sa gilid. Pangalan nang mga miyembro nang pamilya.

Napatingin ako sa mukha niya. Walang ekspresyon. Sobrang putla. Walang buhay.

Agad kong tinakip sa bibig ko ang panyo na hawak ko para pigilan ang paghikbi ko. Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak.

Bakit masyado akong naging selfish.

S-scar. I-ikaw lang yung b-bestfriend ko.

Lord, pwede bang manghingi nang chance pa? Hayaan niyo pong makinig sakin si scar.

Hayaan niyo po akong makapagsorry sa lahat lahat nang nagawa ko. Napakasama kong bestfriend sakanya.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon