Chapter Thirteen

587 38 4
                                    

Mas lalo pa kaming naging close ni Mark sa paglipas nang panahon. At dumami na rin yung mga nang aaway sakin na mga babae.

"Andito pala yung malandi. Buti hindi mo kasama si Mark? Nagsawa na ba siya sayo?" Pang iinsulto sakin ni Angel. Isa siya sa mga may gusto kay Mark. Siya yung pasimuno sa pangbubully sakin. Pero gaya nang sabi ni Mark.

"Hayaan mo lang sila. Don't fight back. I'll take care of you."

Kaya naman kahit anong masasakit na sinasabi nila sakin ay kinakaya ko. Wala naman yung mga yan kumpara sa napagdaanan ko na eh.

Nagulat nalang ako nang naramdaman kong kinuha niya sakin yung librong dala dala ko.

"Ibalik niyo sakin yan." Sabi ko habang pilit kinukuha sakanya. Pero hinarangan ako nang dalawang kasama niya.

"Ohh. Bago pa tong libro ah. Ito ba yung required na ipass mamaya?" Sabi ni Angel habang binubuklat buklat yung page. Nagulat naman ako nang bigla niyang pinagpupunit yung page. Kahit anong pilit ko ay hindi naman ako makalapit sakanya dahil sa mga alipores niya.

Sa sobrang inis ko ay hinampas ko sa dalawa yung bag ko. Pagkatapos ay hinila ko yunh libro ko kay Angel at nagdilim ang paningin ko kaya hindi ko na naiwasang masapak siya.

Natauhan lang ako nang nakita kong dumugo pala yung ilong niya.

"W-what the hell?!" Kinakabahang sabi nito habang pinupunasan yung ilong niya.

"You deserve that." Maikling sabi ko. Pinulot ko naman yung mga page na nasa sahig. At umalis na ko dun. Pumunta nalang ako sa likod nang school at doon nagpalamig nang ulo.

"Bakit mo ginawa yun? I told you not to fight back." Biglang sulpot ni mark sa likod ko.

"Pinunit niya yung pages nang librong ipapasa ngayon!" Naiinis na sabi ko.

"Kaya sinapak mo?? Ano ba naman. Dahil sa ginawa mo, nasa clinic ngayon si angela. At baka ipatawag ka sa dean's office." Litanya nito sakin. I just rolled my eyes.

"Anong gusto mong gawin ko? Ngitian siya? Magquote nang bible verse sakanya? Lagi nalang ba kong dedepende sayo? Hahayaan ko lang ba sila na ganunin lang ako?!" Naiinis na ako ah. Anong gusto niyang gawin ko, magpathank you pa ko kay angela sa pagpunit niya nang libro ko? Psh.

"That's not my point, okay?" Sabi nito. Pilit kong maging mahinahon. Ayokong mag away kami.

"Sorry." Mahinang sabi ko. Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko.

"Wag ka nga magpasorry sakin. Tama na yan." Sabi nito at ginulo niya yung buhok ko.

"Perooo. Wahhh! Paano kung maexpel ako? Uwaaaaah." Sabi ko. Bat ba ang tanga ko at ngayon ko lang narealized yung pwedeng maging consequences nang pagiging impulsive ko.

"Hindi naman siguro expel agad." Sabi niya.

"Baka pinapalakas mo lang loob ko ah." Sabi ko sakanya.

"Pinapalakas ko nga. Hahahaha. Pero lakas mo pala manapak noh?" Biglang sabi nito sabay hagalpak nang tawa.

"Gusto mo sample?" Sabi ko sakanya kaya tumigil siya sa pagtawa.

"Joke lang uy." Sabi nito habang nakataas pa yung kamay. Kaya naman ako naman yung natawa.

Nawala na sa isip ko yung takot na baka maexpel ako nang biglang may dumating na kaklase namin.

"Scarlet, pinapatawag ka daw ngayon sa dean's office. Now na daw." Sabi nito.

Patay na talaga ako. Uwaaaaahhh.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon