Nakatayo ngayon sa harap ko si Papa, habang pinapayungan ako.
"Pasok ka sa loob, hija." Nakangiting sabi nito. Umiling ako.
"Wag na po. Aalis na rin naman ako. Baka magalit pa si mama." Nakayukong sabi ko.
"Pasok ka na. Wala yung mama mo ngayon, atsaka gusto rin kitang makausap, a-anak." Nagdalawang isip pa siya kung tatawagin ba niya akong anak o hindi.
Sumang ayon nalang ako at pinatuloy naman niya ako sa loob. Iniwan niya muna ako sa sala at umakyat siya. Nakatayo lang ako, dahil baka mabasa yung sofa pag umupo ako.
Pagkababa niya ay may dala na siyang tuwalya at tshirt pati na rin shorts.
"Buti nalang may mga damit ka pang naiwan dito. Magpalit ka muna." Abot sakin ni papa nung mga damit. Dumiretso naman ako sa banyo upang magpalit. Hindi na ako naligo pa at nagpunas nalang ako.
Pagkatapos kong magpatuyo at magbihis ay bumalik agad ako sa sala.
"Ano pong gusto niyong pag-usapan?" Tanong ko.
"Anak, bumalik ka na dito." Mahinahong sabi ni papa. Naluluha na naman ako.
"P-pero bakit? A-ayaw niyo na ko d-dito. D-diba." Nauutal na sabi ko habang nakayuko.
"Kahit na hindi ka namin tunay na anak, mahal ka namin." Sabi naman ni papa na nagpaiyak na sakin.
"May mga nasabi akong hindi maganda sainyo noon. Ipinagtulakan ko kayo palayo. Atsaka galit sakin si mama." Mahinang sabi ko habang umiiyak. Lumapit naman siya sakin at niyakap ako nang mahigpit.
Ang sarap sa pakiramdam nang yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam na may magulang na nagmamahal sayo. Ang saya sa pakiramdam na naranasan ko rin magkaroon nang papa.
After ilang minuto na pag iyak ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Nabasa ko na rin yung damit niya dahil sa luha ko.
"S-sorry po. Nabasa ko pa yung damit niyo." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang sakin si papa.
"Gusto mo bang sabihin sakin yung problema mo?" Tanong ni papa. Pero umiling ako. Ayokong mag open nang mga problema ko sakanya. O kahit kanino pa.
"Naiintindihan kita. Umakyat ka na sa taas. Yung pinakadulong kwarto? Dun ka magpahinga." Sabi ni papa. Umakyat naman na ako at pumasok sa kwartong sinabi ni papa.
Kulay gray yung pader at may kama rin doon. Plain lang siya, pero okay naman. May electric fan rin sa gilid. At may closet pa.
Humiga na ako sa kama at nakatingin lang sa kisame.
Naaalala ko na naman yung mga nangyari kanina. Hindi ko na pinigilan pa yung luha ko. Hinayaan ko lang na umiyak ako nang umiyak hanggang sa maubusan na ko nang luha. Gusto kong ilabas lahat nang to, para wala nang matira sa loob ko.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Tumayo agad ako nang makitang hindi familiar ang kwartong ito.
Oo nga pala, nandito ako sa bahay.
Tumayo ako agad at inayos ang higaan ko. Naglakad na rin ako pababa nang mapahinto ako sa paglalakad. Nasa harapan ko ngayon si Mama. Halatang halata ang gulat sa mukha niya.
"M-ma--" pero bago ko pa mabigkas nang buo ang salitang mama ay tinalikuran na niya ako at agad pumasok ulit sa kwarto niya.
Mali talaga.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.