Makulimlim ngayon habang nakaupo ako sa loob nang isang coffee shop habang hinihintay kong dumating si Papa. Malapit ko nang maubos ang kape ko nang makita ko siyang papalapit sakin.
"Sorry kung natagalan ako." Sabi nito at umupo na sa harap ko.
"Wala yun." Sabi ko naman.
Umorder siya nang kape niya at nag order naman ako nang frappe. Siya yung nagbayad, kahit na nag abot na ako nang pera ay ibinalik niya lang iyon sa akin.
"Thank you." Sabi ko. Nang dumating na yung inorder namin ay tinignan ko siya nang seryoso.
"Tell me." Diretsong sabi ko sakanya.
"Tell you what?" Inosenteng tanong nito.
"Lahat nang tungkol sakin." Sabi ko at nakita ko yung gulat sa ekspresyon niya.
"Alam mo po ba yung apartment sa tabi nang bahay ninyo? Dun ako ngayon tumutuloy. At unfortunately ay narinig ko ang pag uusap niyo ni mama." Pag eexplain ko.
"Alam mo na pala. Sige kukwento ko." Sabi nito at uminom muna sa kape niya.
"Masaya kami ni Carla nun. Pero may kulang, wala kaming anak. Ayaw niya pa kasing magkaanak nun. At dahil gusto kong maging magulang ay naghanap ako nang iba. At sa hindi inaasahan ay nakabuntis ako. Nagbunga. At yun ay si mark. Dalawang taon lang ang pagitan ninyo. Inexplain ko naman kay Donna, lahat lahat. At naintindihan naman niya na hindi kami pwede dahil may asawa na ako. At isang araw, nagkaproblema kami ni Carla at si Donna lang ang matatakbuhan ko. Nag inom ako nang nag inom hanggang sa malasing ako. Pag gising ko ay nakahiga na ako sa kama, at katabi ko si Donna. At ikaw, ikaw na ang bunga nun. Ayaw ka niya. Kaya naman kinuha kita at nagsinungaling ako na napulot kita. Pero walang dikretong hindi nabubunyag kaya nalaman rin ni Carla ang lahat. At sumabay pa si Donna na kapag hindi ko siya pinakasalan ay idedemanda niya ako. Kaya ayun." Mahabang explanation ni Papa.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw sakin nang sarili kong nanay.
Sinusubukan ko pa ring ipadok lahat nang information sa utak ko nang biglang may binigya na picture sakin si Papa.
Kinuha ko yun agad at tumakbo na ako pauwi sa apartment na tinutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.