Chapter Twenty-Two

497 31 11
                                    

5 months later

Ilang buwan na pala ang lumipas. At ngayon, boyfriend ko na si Mark. Dalawang buwan lang diyang nanligaw at dinagot ko naman agad siya. Hindi naman kasi ligawan yung pinapatagal diba? Yung relasyon dapat.

Nagmamadali na nga pala ako sa pagbibihis ngayon dahil may pasok pa ako at... Nasa labas na si Mark at hinihintay ako. Nang simula siyang manligaw ay araw araw niya kong hinahatid at sinusundo. Ewan ko ba dun, pero kinikilig naman ako.

Dama ko rin yung pag-iwas sakin ni Mariella nang malaman niyang boyfriend ko na si Mark. Mawawala rin naman siguro yung galit niya sakin.

At si Mimi? H-hindi na namin nakita pa.

Bago pa ako maiyak ay minadali ko nalang ang pagbibihis at pinuntahan ko na si Mark sa labas.

"Sorry ngayon lang ako, medyo nalate kasi nang gising. Hehe." Sabi ko sakanya nang makalapit ako.

"Ano ka ba. Napaaga lang talaga ako nang punta kasi namiss na kita." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Nagkita naman tayo kahapon ah." Natatawang sabi ko.

"Wushu! Nagbablush ka kaya!" Sabi naman nang isip ko.

"Ehhh. Kahit na. Namiss pa rin kita eh. Kung pwede lang wag nang umuwi para araw araw kitang kasama gagawin ko eh." Nakanguso pang sabi nito. Kaya lalo akong natawa at hinampas siya.

"Baka magsawa ka naman kung oras oras mong makikita mukha ko." Tumatawang sabi ko.

"Nope. Kahit kailan, hinding hindi ako magsasawa sayo." Halata sa boses nito ang pagkaseryoso kaya naman huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya.

Tsup.

Agad akong lumayo sakanya at tinakpan ko yung bibig ko. Kita ko ring namumula siya, pero tumatawa naman.

"Magnanakaw nang halik!" Namumulang sabi ko.

"Okay lang yan. Ninakaw mo rin naman puso ko eh, nagreklamo ba ko?" Pagdadrama naman nito.

"Tsee." Natatawang sabi ko. Lagi niyang ginagawa sakin yan. Naging hobby na nga yata niya ang magnakaw eh. Hahahaha.

"Sorryy na babbyyyyyyy." Pagmamakaawa nito nung hindi ko siya pinansin.

"Babyyyyyyyy."

"Oo na, okay na. Hahaha. Tara na nga. Malalate tayo sa ginagawa mo eh." Sabi ko at hinawakan ko na yung kamay niya.

"Ayieeh. Chansing ka baby ah." Kinindatan pa ko nang loko. Aalisin ko sana yung kamay ko pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak.

Araw araw ganito na rin yung buhay ko. Kapag may problema ako ay sakanya ako nagsasabi. Kapag may problema siya ay handa naman akong makinig. Walang araw na hindi niya ko napapangiti. Siya yung lalakeng, mahal na mahal ko. And luckily, mahal rin ako.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon