Chapter Three

1.1K 60 44
                                    

Buti nalang ay natanggap ako dun sa isa sa mga pinag applyan ko. Dapat talaga ay 6 hours lang ako. Pero nakiusap ako na kailangan ko talaga nang pera kaya ginawa nilang 8 hours. Every hour ay 50 pesos ang sweldo. Bale 400 ang sweldo ko araw araw. Malaki na rin naman kung titignan para sa akin. Pero ngayon, babayaran ko muna si Manang Selly.

Inabot ko ang tatlong libo kay Manang Selly.

"Manang Selly, ayan na po yung utang ni Mama. Pasensya na po kayo kung ngayon lang nakapagbayad. Umabot pa naman po ako diba?" Sabi ko sakanya at tumango naman siya.

"Osya sige. Mauna na ko. Buti nalang talaga mabait kang anak." Sabi nito at umalis na. Napangiti ako. Mabuting anak? Ang sayang pakinggan nang mga salitang iyon.

Pero nawala rin ang aking ngiti at napalitan nang lungkot. Kailan kaya ako magiging mabuting anak sa paningin nang sariling nanay ko? Wag ko na nga lang isipin yun.

Wala na naman si Mama, pagkauwi ko. Bago magpahinga at magbihis ay nagluto muna ako nang makakain ni Mama kung sakali mang hindi pa siya kumakain. Fried rice at itlog lang ang niluto ko.

Nang nakapagpalit na ko ay nakatulog agad ako sa sobrang pagod. Nagulat nalang ako nang nakaramdam ako nang tubig sa mukha ko.

"Anong hinihilata mo diyan?! Ni hindi ka pa nagluluto! Tamad talaga!!" Sigaw nito. Tumayo naman ako.

"Nagluto na po ako. Nasa kusina na po." Mahinahong sabi ko. Tinignan naman niya ang nasa mesa.

"Eto ipapakain mo?! Ano ako bata?! Sinong mabubusog dito?!" Sigaw nito.

"Ipagluluto ko nalang po kayo. Sandali lang." Sabi ko sabay punta nang kusina.

"Wag na! Letseng buhay at bahay to!" Sabi nito at lumabas na nang bahay. Napabuntong hininga ako. Sigurado, bukas na uwi ni Mama. Kasalanan ko naman. Ang konti lang nang niluto ko. Hays. Pinunasan ko yung sahig na may tubig at nagpalit rin ako nang damit. Alas tres na pala nang umaga. Naisipan ko nalang mamalengke.

Dahil madaling araw ay sobrang daming mga tao. Bumili lang ako nang mga karne, gulay at pangsahog. Mag aalas singko na siguro akong nakauwi. Nilagay ko na rin sa ref yung mga pinamili ko. Kinain ko nalang yung pagkain na di nagalaw ni Mama kagabi.

Nang matapos ay hinugasan ko nalang yung plato. Nagwalis walis. At pagsapit nang 8am ay naligo na ako at nag-ayus. 9 kasi yung pasok ko sa trabaho.

May 20 minutes pa ako pagkarating ko sa staff room. Nagpalit muna ako nag damit. Pagkaraan nang ilang minuto ay nagsidatingan na rin ang iba.

"Aga mo yata ah. Bago ka? I'm Leslie. Pero you can call me Les nalang." Sabi naman nito.

"Nice to meet you Les." Sabi ko sabay ngiti dito.

"Ako naman si Mark. Pinaka gwapo dito."mayabang na sabi nito. Kaya natawa yung iba.

"Wag kang maniwala diyan. Ako talaga yun. Paul nga pala." Sabi nang isang matangkad na lalake. Nasa 6ft siguro height nito. Nakakalula eh.

"Ako naman si Mary." Sabi nung isang babaeng hindi pinagpala sa height.

"Maria talaga pangalan niyan. Pinaarte lang. Jusme. Ako si Karla." Sabi naman nang isang maputing babae na may kulot na kulot na buhok.

"Nice to meet you all. Ako pala si Scarlet. Natanggap palang ako kahapon." Nakangiting sabi ko. Nagsi kaway naman sila lima sakin.

"Tara na labas na tayo. Baka mapagalitan tayo sa manager. Masungit pa naman yun." Sabi ni Mary. Kaya naman kanya kanya kami nang labas.

Si Leslie, Mark at Karla ang nasa counter. Habang yung iba ay naglilinis nang mga table. At isa ko sa mga yun. Minsan ako rin yung nagbubukas nang pinto pag may pumapasok na costumer.

Nang matapos na niya ang oras niya ay pumunta muna siya sa staff room at nagbihis. nagpahinga muna saglit pagkatapos niyang magpalit nang damit.

"Hay. Natapos rin tayo sa wakas." Sabi ni Mark na bigla nalang pumasok.

"Ay kabayo." Nagulat kong sabi na napagpatawa sakanya.

"Sorry. Mukhang nagulat ata kita." Tumatawang sabi nito.

"Mej lang naman." Nahihiyang sabi ko.

"San ka nakatira?" Tanong nito nang biglaan.

"Bat mo natanong?" Ganting tanong ko sakanya.

"Wala lang. Curious lang naman. San ngaaa?" Pangungulit nito.

"Vanilla street lang ako." Sabi ko.

"Seryoso? Sa chocolate lang ako ehhh. Lapit lang pala natin eh." Sabi nito. Kaya tumango nalang ako.

"Walong oras ka rin? Pareho tayo. Yung iba kasi nating kasama 4-5 hours lang kinuha." Sabi nito.

"Kailangan ko kasi nang pera kaya ganito. Sige una na ako." Sabi ko sabay kuha nang bag ko.

"Weyt! Sabay na tayo. Magpapalit lang ako saglit. Hintayin mo nalang ako sa labas siguro." Sabi nito kaya naman lumabas nalang muna ako. Nakakapagod. Pero okay na to. Kailangan ko nang pera, pero sa katapusan pa yung sweldo.

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang lumabas na rin si Mark. Nagkwento lang siya nang kung ano ano habang nakikinig lang ako sakanya. Nang nasa vanilla street na ay nagpaalam na ko sakanya.

Pag uwi ko ay tulog na si Mama sa kwarto niya. Siguro pagod yun. Pero okay na to, at least umuwi siya ngayon. Nang makapagbihis na ay nagluto muna ako nang hapunan namin. Nagluto nalang ako nang adobo. Kumain na rin ako at tinirhan nalang si Mama sa mesa. Pagkahigang pagkahiga ko sa higaan ko sa lapag ay agad agad rin akong nakatulog.

Please don't forget to vote and comment. Godbless. :)

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon