Chapter Twenty

534 32 11
                                    

Namumula pa rin ako sa ginawa niya. Andito pa rin ako sa tapat nang gate. Wala na siya sa paningin ko pero nakatulala pa rin ako dito.

Hinalikan niya ko. Yun yung dahilan kung bakit... Kung bakit andito pa rin ako, namumula at nakatulala. Pero wag kayong ano ah. Niyakap niya ako tapos kiniss niya yung noo ko. Tumama yung labi niya sa noo ko. Yung malambot at mapula niyang la--

Namula na naman ako dahil sa naisip ko. Agad kong ginulo yung buhok ko at pumasok na. Pagabi na rin pala. Oo nga pala! Hindi ako nakapasok sa trabaho.

To: Manager

Pasensya na po hindi ako nakapasok. Masakit lang po talaga pakiramdam ko atsaka meron rin po kasing nangyaring hindi maganda. Pasensya na po talaga.

Message sent!

--

Okay na siguro yun. Nakapagpaalam na rin ako. Ilang beses palang naman ako nag absent. Hindi naman diguro sila magagalit sakin. Pagpasok ko ay tahimik lang yung buong apartment. Walang tao. Hays. Buti naman. Hindi pa kasi ako handang harapin si Mariella hanggat hindi ko pa nahahanap si Mimi.

Pumasok nalang ako sa banyo para maligo at nagpalit nang pajama at sando. Humiga ako at sinubukan kong pumikit. Pero hindi talaga ako inaantok.

Mama.

Mimi.

May nahalata ba kayo? Tama. Kaya Mimi ang pinangalan ko sa tuta na napulot ko ay para malapit sa word na Mama. Hindi ko alam kung anong meron at bigla ko silang naalala. Namimiss ko na si Mama. Gusto ko siyang makit--

Tumayo agad ako at nagpalit nang tshirt. Kinandado ko rin yung gate pagkalabas ko. Naglakad na rin ako sa ngayon ay medyo madilim na daan. Pero hindi naman nakakatakot dahil madami pa namang tao na pakalat kalat.

Nang marating ko na ang lugar na pakay ko ay nakamasid lang ako. Gising pa sila. Kitang kita kasi dito na nakabukas pa yung ilaw at dinig ko rin ang mahinang tunog na nanggagaling sa bukas na TV. Gusto ko sanang pumasok gaya nang dati. Pero alam kong hindi na pwede. Wala na kong karapatan.

Namimiss kaya nila ako? Kumusta naman kaya sila? Hinanap kaya nila ako nung nalaman nilang umalis na ko sa bahay? Malamang... Hindi. Bat nila ako mamimiss.

Agad agad akong nagtago nang narinig kong bumukas yung pinto at iniluwa nun si Mama. Umupo lang siya dun sa duyan sa gilid nang bahay. Dati wala namang duyan dun. Siguro pinalagay niya. Gabi na, pero masyadong maliwanag ang sinag nang buwan kaya nakikita ko si Mama.medyo nagkalaman na siya. Yung eyebags naman niya ay hindi na ganun kahalata. Mukhang mas okay talagang wala ako.

Naramdaman kong nabasa yung pisngi ko. Umiiyak na naman ako. Ano kayang sasabihin ni mama kung nakikita niyang iniiyakan ko siya? Sasabihin ba niyang duwag ako?

Biglang may kumawalang hikbi mula sa bibig ko. Tinakpan ko naman agad yun at nang nakita kong tumayo si mama at mukhang papunta dito ay agad agad akong tumakbo paalis sa pwestong yun. Nagtago ako sa malaking puno na nasa gilid nang daan. Madilim dito kaya malamang hindi niya ko makikita.

Nang makita kong pumasok ulit siya ay napagdesisyunan ko nalang na umuwi. Tutal mahigit isang oras na rin akong nakamasid lang dun.

Pagkauwing pagkauwi ko ay humiga nalang ako sa kama ko hanggang sa makatulog ako habang iniisip yung bagay na nawala sakin.

Si mama.

At si mimi.

Yung iningatan ko, pinahalagahan ko na't lahat lahat. Pero bandang huli mawawala rin pala sakin. Ganun talaga siguro noh? Kahit gaano mo pa kamahal yung isang tao/bagay/hayop dadating rin sa time na iiwan ka nila, na masasaktan ka nila.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon