Lahat nang mga tao sa sementeryo ay puro nakaputi. May mga hawak hawak na puting rosas at isang lobong kulay puti rin. Iyakan ang maririnig sa mga taong dumalo sa libing.
Pero bago ibaba sa lupa ay meron isang letter na binasa ang mama niya. Yun ang request na nakalagay sa likod nang papel. Na gusto ni Scarlet ay ang mama niya mismo ang magbasa nito sa harap nang mga tao bago siya ibaba sa lupa.
Pinilit ni Carla na wag umiyak para maging malinaw ang pagbabasa niya sa huling kahilingan nang anak.
"Mama, kung binabasa mo ngayon ito. Alam ko na wala na ako. Alam ko na hinding hindi na ako makakabalik pa, kahit gustuhin ko. Scarlet ang pangalan na ibinigay niyo sakin ni Papa. Kung iiklian ay magiging SCAR. Puno nang sugat at peklat ang puso ko sa sakit na ibinigay sakin nang mundong ito.
Mama, umiiyak ka ba ngayon? Iniiyakan mo ba ko ngayon? Kasi kung oo, punasan mo po yan. Kahit sa huling sandali ay wag kang iiyak para sakin. Ngumiti ka. Gaya nang pag ngiti mo nung nawala ako sa buhay niyo. Ngumiti ka kasi kahit kailan hinding hindi ko na kayo magugulo ulit. Sorry mama, sorry kung dumating pa ko sa buhay niyo. Sorry kung sinira ko yung dapat ay perpekto at masayang pamilya ninyo. Mama, gusto ko lang sabihin na kahit hindi mo ko mahal, mahal na mahal na mahal po kita. Wala po akong pake kahit na salot lang ako para sainyo. Gusto sana kitang yakapin ngayon eh. Kaso, baka hindi na kita mahawakan. Hindi na kita maabot pa.
Papa, ngayon ay binabasa siguro sayo to ni Mama. Gusto ko lang sabihin na sorry. Sorry kung pinagtulakan kita noon. Sorry kung bakit nabuo pa ako nang dahil sa isang pagkakamali. Salamat rin dahil kahit paano ay hindi mo ipinagkait sakin ang katotohanan sa pagkatao ko. Salamat dahil kahit na ipinagtulakan ko kayo ay pinapasok mo pa rin ako sa bahay. Kahit isang gabi lang yun, ay napakalaking bagay na para sakin yun. Nung pumasok ako sa bahay na yun at narinig ang mga sinabi mo ay nakaramdam ako nang kaligayahan. Kahit sa huling pagkakataon ay naranasan kong magkaroon nang tatay. Sana nung niyakap kita nung gabing yun ay sana hindi agad ako bumitaw. Kung alam ko lang na yun na ang huli ay sana hindi muna kita binitawan. Mahal na mahal kita, Papa.
Hello Mark-- o dapat bang tawagin na kitang kuya? Ang malas ko talaga noh? Minsan na nga lang ako magmahal nang ganito, sayo pa. Sayo pa na kuya ko. Sayo pa na kadugo ko. Pero hindi ako nagsisisi. Hindi ako nagsisisi na ikaw yung minahal ko. Pero alam mo bang galit pa rin ako sayo hanggang ngayon? Sana man lang, tinigilan mo na ako nung marealize mong mahal mo si Ella. Sana una palang hindi mo na pinaramdam sakin na special ako kung mas mahal mo naman si Ella.
Mariella, ikaw yung bestfriend ko simula't sapul. Ikaw yung tinakbuhan ko nang nagkaproblema ako sa pamilya ko. Ikaw yung isa sa pinaka pinagkatiwalaan ko sa buong buhay ko. Lahat nang problema ko ay binahagi ko sayo. At kapag may problema ka naman ay alam mong lagi lang akong nandiyan. Pero, ako lang ata yung nag expect na Bestfriends tayo. Kasi parang hindi ako ganun para sayo. Naaalala mo si Mimi? Si mimi, na siyang nagpapasaya sakin kapag depressed ako? Siya yung tuta na walang awa mong itinapon. Akala mo ba maniniwala akong pinamigay mo siya? Nung naglalakad ako at hinahanap siya. Ay napadaan ako sa ilog sa pinakadulo nang lugar natin. Nakita ko siya dun. Nakita ko yung tutang inalagaan ko na nandun, wala nang buhay at lumulutang nalang sa tubig. Wala nalang akong pinagdabihan dahil umaasa pa rin ako na buhay pa rin si mimi. Tapos ngayon si mark naman yung kinuha mo sakin.
Kayong lahat na minahal ko, lahat kayo sinaktan niyo lang ako. Masaya na ba kayo ngayon? Wala na ako oh! Magpapaparty na ba kayo?! HAHAHA. Gusto kong makita yung mga ngiti niyo. Gusto ko sanang malaman yung buhay niyo ngayong wala na ako. Pero hindi na pwede eh. Wala na kasi ako. Pero wag niyong isipin na kayo ang pumatay sakin. Dahil ako mismo yung pumatay sa sarili ko. Kayo lang yung naging inspirasyon ko sa bawat linya na iguguhit ko sa pulso ko.
Ang sabi nila, pag mahal mo handa kang mag sakripisyo. Mahal ko kayo eh, kaya pati buhay ko binitawan ko para sainyo.
Love is effort. Yung mga sugat na makikita niyo sa braso ko, yun ang effort kong mawala sa mundo.
Love is something to keep. I will all treasure you in my heart. Okay na itapon niyo yung alaala ko. Okay lang sakin na kalimutan niyo ako pagkatapos nito.
Hanggang dito nalang ah, nanlalabo na mata ko eh. Nabasa ko pa tuloy itong sinusulat ko. Pero mababasa niyo pa rin naman kahit na natuluan ko nang luha.
Magluluto sana ako nang kakainin ko eh. Kaso masyado akong inakit nang kutsilyo.
Masyado akong inengganyo nang talim nito.
Hawak hawak ko ngayon yung kutsilyo sa isang kamay ko.
Ps. Hindi masakit yung bawat sugat na ginagawa ko sa sarili ko. Pakiramdam ko nga sumasaya pa ako. Kasi malapit ko nang iwan itong napakasamang mundo na to. Masyado kasing unfair ang buhay, kaya mas mabuting iwan ko nalang ito.
Lahat nang nakarinig nang huling mensahe ni Scarlet ay pawang nakapag paiyak sa lahat nang dumalo. Isa isa nang lumapit ang mga tao at hinulog ang mga puting rosas na hawak nila.
Nang mababa na nang tuluyan ang kabaong niya ay pinakawalan naman nila nang sabay sabay ang mga puting lobo sa langit.
Ang gandang tignan. Pagpapakawala. Sana, kasabay nang pagpapakawala nila nang lobo ay siyang pagbitaw ni Scarlet sa lahat nang sakit na naranasan niya.
Sinimulan nang tabunan nang lupa ang kanyang lalagyan.
Sana, tabunan na rin ni Scarlet lahat nang kasalanan nang mga tao sa paligid niya.
Masaya na siguro si Scarlet. Masaya na siguro siya na sa wakas ay hindi na siya masasaktan pa nang mga taong mahal niya.
At sana, maging masaya rin sila sa desisyon niya. Sa desisyon niya na iwan ang lahat lahat.
The endddddd~
Sa mga nagbasa nito hanggang dulo ay maraming salamat sainyo. Pati ma rin sa mga nagvote at nagcomment. Sobra ko pong naappreciate yung bagay na yun. Hindi iyon maliit na bagay lang para sakin. Nung una ay hindi ko naiimagine na matatapos ko itong story na to. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko itong tinukoy at tinapos pa. Hahahaha.
Pati ako ay nasasaktan at nahihirapan na patayin si Scarlet sa storyang itooo.😭💔
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.