Mark's POV
Alam kong sobrang nasaktan si Scar. Pero sa maniwala man kayo o sa hindi mahal ko talaga siya. Minahal ko talaga siya. Nadala lang ako nang temptasyon. At yun ay si Ella.
Sa araw araw na nakasama ko siya ay napamahal na rin siya sakin. Araw araw nakikita ko yung paghihirap niya, pero sobrang lakas niyang babae. Hindi siya agad sumusuko gaya nang iba.
Nakita ko kung gaano ko siya nasaktan nung araw nang monthsary namin. Yung araw na dapat ay nagcecelebrate kaming magkasama ay mas pinili kong puntahan si Ella.
Gusto kong humingi nang sorry sakanya. Gusto kong sabihin sakanyang mahal na mahal ko siya. Pero hindi na maaari. Andito ako ngayon sa loob nang morgue. Nasa harapan ko ang malamig na bangkay ni Scarlet.
Umiyak ako nang umiyak nang makita ang malalalim na sugat niya sa pulso.
Kung hindi ba kita sinaktan, hindi mo ba gagawin to?
Akala ko ba malakas ka?
Tumayo ka na diyan oh.
Magcecelebrate pa tayo nang 4th monthsary natin eh
Nangako pa nga tayo sa isa't isa na aabot tayo nang anniversary. At hindi lang anniversary, madaming madaming anniversary sabi mo pa nga.
Hinawakan ko ang kamay niya. Malamig at matigas. Hindi gaya nang dati, malambot at mainit. Masarap sa pakiramdam, yung tipong ayaw ko na lang bitawan yung kamay niya.
At dati, kapag hinawakan ko yung kamay niya, ay mas lalo niya pang hihigpitan yung hawak niya sakin. Pero iba na ngayon eh. Ako nalang yung nakahawak. Ako nalang yung nakakapit.
Kasi wala na siya. Hindi na siya humihinga. Patay na yung babaeng laman talaga nang puso ko.
Matatakutin ako. Takot ako sa ospital magmula nang mamatay si mama. Pero dahil kay scarlet, nagawa kong pumasok ulit dito nang walang pag aalinlangan.
Kita mo na scar, hindi ako bakla oh. Nakapasok ako sa o-ospital. N-nandito pa ako sa loob nang mo-morgue. At lalong hindi na ulit ako takot hawakan ka.
Mas lalo lang akong naiyak sa mga naiisip ko.
Bakit ba kasi ako nagpakagago. Napakawalang kwenta kong lalake.
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.