Chapter Nine

765 42 22
                                    

Pagkauwi ko ay nanuod nalang ako nang TV. Hi di ko namalayang nakatulog na pala ako. At pagkagising ko ay andito na si Mariella.

"Oh kumusta na pakiramdam mo? Bigla bigla mo nalang akong iniwan dun." Nakasimangot na sabi nito.

"Nag alburoto yung tiyan ko. Kaya umuwi nalang ako. Pasensya na." Pagdadahilan ko sakanya.

"Valid naman yung reason mo. Kaya apology accepted na. Atsaka nakapag moment rin naman kami ni Mark." Kinikilig pang sabi nito.

"Nakabuti naman pala yung pag alis ko eh. Haha" pilit kong tawa.

"Pagkatapos kumain. Nagyaya pa nga siyang manuod nang sine. Tapos nung nanunuod na kami nang sine bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Kinikilig nga ako ehhh." Pagkukwento nito. Hindi ko naman masabing hindi ako interesado sa kwento niya dahil baka magduda siya sakin.

"Tapos hinatid niya pa ko diyan sa gate. Bigla ba namang nanghahalik--"

"Weyt, mamaya na yan. Bigla yatang sumakit uli tiyan ko." Pag iinarte ko sabay takbo papuntang cr.

"Uminom ka na kaya nang gamot?" Sigaw nito.

"Uminom na ko kanina." Sigaw ko pabalik.

Nakaupo lang ako dun.  Ayaw ko munang lumabas. Ayaw ko munang makarinig nang mga kwento niya. Nakakaletse naman kasi tong si Mark eh! Paasa. Ay hindi! Masyado lang talaga siguro akong assuming para umasa na may gusto siya sakin kahit wala naman talaga.

Maganda, sexy at makinis si Mariella. Sinong hindi mahuhulog dun? Ano namang laban ko sakanya?

Napangiti nalang ako nang mapait. Dapat hindi ako nag iisip nang ganito. Magkaibigan kami ni Mariella. Magkaibigan lang rin kami ni Mark. Tama. Ganun nga lang yun.

Lumabas na ako nang banyo. Pumasok ako sa kwarto at dun muna humiga higa.

4 New message!

From: Mark
Umalis ka nang di nagpapaalam. Sumakit daw pakiramdam mo. Okay ka na ba?

From: Mark
Papasok ka na ba bukas niyan?

From: Mark
Magreply ka naman oh.

From: Mark
Scarletttt. Yooohoooo.

Ano bang problema nang lalaking ito at ako ang ginugulo. Psh.

To: Mark
Okay na ko. At papasok ako bukas.

Sent!

Binitawan ko nalang yung phone ko at umupo sa harap nang study table ko. Mag aaral na ko ulit. Tutal nakakaipon na naman ako nang pera eh. Matagal pa naman yung pasukan para next school year. 6 months pa. At sa loob nang anim na buwan na yun ay paniguradong malaki laki na maiipon ko.

Nilabas ko yung ilang libro na nabili ko. Academics books yung binili ko. College na niyan ako. At ang kinuha kong course ay Medical Technology. Alam kong may kamahalan yung course na pinili ko. Pero susubukan ko ring mag apply nang scholarship para medyo mabawasan yung babayaran ko.

Binuklat buklat ko yung mga libro ko. About kasi to sa iba't ibang klase nang mga bacteria and cells. May analytical and physiological rin akong librong binili.

*tok tok*

Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang bumukas yung pinto.

"Kakain na. Nakapagluto na ko." Nakangiting sabi ni Mariella. Tumingin naman ako sa orasan. 8pm na pala.

"Sorry, di ko napansin yung oras." Sabi ko sabay tabi nang mga libro ko.

"Halata nga eh. Di na kita ginulo kasi mukhang busy ka sa pagbabasa." Sabi nito.

"Oo eh. Mag eenroll kasi niyan ako sa pasukan. Atsaka masyado akong nag enjoy sa pagbabasa." Sabi ko sabay labas nang kwarto ko.

"Anong kukunin mong course niyan? Ako kasi hindi ko na itutuloy. Trabaho nalang ako." Sabi naman nito.

"MedTech kukunin ko. Ahh ganun ba." Sabi ko naman.

"Sino magtutustos nang pag aaral mo? Malaki gastusin pag medical course ah."

"May trabaho naman ako. Kaya nga nag iipon na ko ngayon para naman kahit papaano hindi ako gaanong mahirapan sa gastusin." Sabi ko. Tumango tango naman siya.

Pagkatapos naming kumain ay siya nalang yung nagpumilit maghugas nang plato at pumasok na daw ako sa kwarto. Pumasok naman na ako at nakatulog. Maaga pa kasi pasok ko bukas sa trabaho.

Madaling araw palang ay nagising na ko kaya naman nagluto nalang ako nang agahan. Pagkatapos ay nauna na rin akong kumain at nang makapagligo at ayos na ako ay umalis na rin ako.

Maaga pa naman. Gusto ko sanang dalawin si mama, pero buti nalang ay nakapag pigil ako nang sarili. Hindi na dapat ako magpakita sakanila. Pagkarating ko sa pinagtatrabahuan ko ay tinawag ako nang manager namin.

"Dahil hindi ka pumasok kahapon. This whole week ay 8am to 9pm yung working hours mo." Sabi nito sakin at umalis na. 13 hours? Sisiw lang yan. Mas okay pa to.

"Good morning scarrrrr! Buti pumasok ka na. Namiss kita." Sabi ni Mark at umakbay pa sakin. Inalis ko agad yun.

"Morning." Maikling sabi ko at iniwan ko na siya dun.

Buong araw ko rin siyang pilit iniiwasan. At nang makahalata siya ay hindi na rin siya nagpumilit kausapin pa ko.
Mas madali to. Mas okay pag ganito. Walang malapit, kaya walang makakapanakit sakin.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon