Chapter Thirty

592 31 17
                                    

Rey's POV

I'm Rey. Scarlet and Mark's dad. Alam kong sobrang mali nang nagawa ko sakanila. Alam kong kung meron mang dapat sisihin sa lahat nang nangyayari ngayon ay ako lang iyon.

Nang maiabot ko kay Scarlet ang picture ay agad agad siyang tumakbo paalis. Nakaupo lang ako doon nang biglang may lumapit na lalake sakin. Si Mark.

"P-pa. B-bakit kasama mo yung babae kanina?" Tanong nito.

"Kapatid mo siya." Sabi ko na lalong nagpagulo sa expression nito.

"What do you mean?" Tanong ulit nito.

"Si scarlet ay kapatid mo." Pag uulit ko.

"Pa. Siya yung sinasabi kong babae sayo na minahal ko." Mahinang sabi nito.

"H-ha?! Pero alam mong hindi pwede. Magkapatid kayo." Sabi ko. At yumuko lang siya. Kinuha niya yung cellphone niya at may idinial doon.

*ringgg* *ringgg*

"The subscriber cannot be reach. Please try again later."

Yun ang narinig ko sa kabilang linya. Pero dinial niya pa rin ito. Pero gaya nang nauna ay ganun pa rin ang sumasagot sakanya.

"Pa, alam mo ba san nakatira ngayon si Scar?" Aligagang tanong sakin ni Mark. Tumango naman ako at agad siyang tinulungan papunta sa harap nang apartment ni Scar.

Habang sinusubukan naming kumatok sa pinto ay walang sumasagot. Nakakailang katok na kaming dalawa pero wala pa ring sumasagot na kahit na sino.

Masama na yung kutob ko. Ayokong may mangyaring masama sa anak ko. Dahil kapag napahamak siya, hining hindi ko na mapapatawad kahit kailan ang sarili ko.

Nabigla naman ako nang bigla nalang sipain nang malakas ni Mark ang pinto. Agad naman itong bumukas. Nadaanan namin ang kusina at nakita namin ang karne na hindi natapos hiwain.

Agad akong tumakbo papuntang kwarto. Ang una ay walang laman. At ang pangalawang kwarto ay siyang nagpatigil sakin.

Nasa harapan ko ngayon ay ang anak ko. Nakahandusay sa sahig na punong puno nang dugo. Puno rin nang laslas ang kanyang braso.

Wala na akong sinayang na oras at agad agad akong kumuha nang damit at itinali iyon sa magkabilang kamay niya.

"P-pa--"

"Tumawag ka na nang nagtitrike doon! Bilis!" Sigaw ko kay mark habang buhat buhat ko na siya. Nauna namang tumakbo si mark pababa. At sumunod naman ako agad.

"Anong nangyari?" Tanong ni Carla sakin.

"Sumunod ka nalang sa ospital." Sabi ko at sumakay na kami sa tricycle. Tinitignan ko ang wala nang kulay na mukha nang anak ko.

Tinapik tapik ko pa ang pisngi niya habang umiiyak.

"A-anak. Malapit na tayo sa ospital." Sabi ko kahit wala akong sagot na nakuha galing sakanya.

Nang makarating kami sa ospital ay dinala namin agad siya sa emergency. Gusto ko sanang sumama sa loob, pero hindi pwede.

After a few minutes ay lumapit samin ang doktor.

"Kayo po ba ang pamilya ni Scarlet?" Tanong nito.

"Papa niya po ako. Kumusta na yung anak ko?" Mabilis na sagot ko at tumayo agad ako.

"I'm sorry to say this. But she's dead. Ginawa na namin ang lahat. Pero may naputol na vein kaya agad siyang naubusan nang dugo." Sabi nito at tinapik ang balikat ko.

Napaupo ako sahig at doon tahimik na umiyak.

Sorry anak. Patawarin mo si Papa sa lahat nang nagawa niya

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon