Chapter Eleven

698 41 15
                                    

Few months later...

Dito pa rin ako nagtatrabaho. Pero si Mark? Tumigil na eh. Hindi ko na alam kung anong dahilan, pero ang pagkakaalam ko lumipat siya sa ibang fast food chain.

May balita pa naman ako sa kanya. Nagdadate na sila ngayon ni Mariella. May parte pa rin sakin na nasasaktan. Pero pilit kong ipinapasok sa kukote ko na maging masaya nalang para sakanila.

Si Mama? Naka labas na siya nang ospital. Masaya sila ngayon, kasama niya si Papa eh. Kaya lang hindi na sila pwedeng magkaanak. Gusto ko nga sana siyang dalawin, kaya lang baka palayasin niya lang ako. Kaya hanggang tanaw nalang ako minsan sakanila.

Ngayon ko lang uli nakitang ganun kasaya si Mama. Dun lang siya ngumiti at tumawa nang ganun.

Anong balita sakin? Wala pa ring nagbago. Pero pasukan na next week kaya bumili na ako nang mga gagamitin ko. May pera na rin akong ipon kaya hindi na problema sakin yung bayaran.

7 AM hanggang 1 PM yung klase ko. At yung part time ko naman ay 3 PM hanggang 8 PM. Oo, iniisip ko palang yung schedule ko ay nasstress na ko, pero naeexcite rin ako. Kasi mag aaral na ko! Sino bang hindi matutuwa dun diba. Hahaha. Dun pa rin ako sa apartment ni Mariella nakatira. At hati pa rin naman kami sa bayarin.

Habang nasa mall ay tinignan ko lang yung listahan nang mga bibilhin ko.

-Binder
-Yellow pad
-Cattleya notes
-3 pen
-1 pencil
-sharpener
-eraser

Yun nalang siguro muna bibilhin ko. Pagkatapos kong mabili ay naglakad lakad muna ako hanggang sa may nakita akong bag.

Tig three hundred lang dahil nakasale. Simple pero maganda. Agad agad ko naman itong kinuha at binayaran na sa counter.

Hindi na ako naglibot libot pa at dumiretso na kong uwi. Balak ko sanang magpahinga nang buong araw dahil day off ko ngayon.

Habang pauwi ay nakasabay ko sa jeep si Mark. Hindi ko alam kung bababa ba ako o magkukunwaring di ko siya nakita. Bago ko pa maalis ang tingin ko sakanya ay napalingon siya sakin. Agad naman akong yumuko. Kunwari naghahanap lang ako nang barya pamasahe. Pero yung totoo, kanina ko pa nilabas yung mga barya.

"Bayad po." Sabi ko sabay abot nang bayad ko. At sa kamalas malasan. Si mark pa talaga yung kumuha nang bayad ko.

"Bayad daw ho." Sabi nito sabay abot nang bayad ko.

"Thank you." Mahinang sabi ko. Tumango lang siya sakin at ngumiti. Pilit rin akong ngumiti sakanya. Spell A W K W A R D? KAMI YUN EH.

At nang makapara at makababa na ako ay nakahinga na ko nang maluwag. Pero naalala ko... Dito rin pala yung babaan niya.

"Kumusta ka na?" Tanong nito bigla habang naglalakad kami.

"A-ayus lang naman... Ikaw ba?" Tanong ko sakanya. Hidni pa rin ako tumitingin sakanya.

"Okay lang rin. Bumili ka nang school supplies? San ka papasok na university?" Tanong nito. Napansin pala niya yung dala dala ko.

"Oo eh, next week na rin yung pasukan kaya naisip ko nang mamili ngayon. Sa Sky University. Ikaw? Diba sabi mo mag eenroll ka rin sa pasukan?" Sabi ko sakanya.

"Really?! Dun rin ako nag enroll eh. Anong course mo?" Tuwang tuwang tanong nito kaya natawa ako.

"Medtech." Sabi ko kaya mas lalo siyang nagulat.

"Totoo?! Stalker ka ba? Kuhang kuha mo eh." Sabi nito habang natatawa.

"Hahaha. So, what a coincidence pala. Dito na pala likuan ko." Sabi ko sabay paalam sakanya. Siya kasi papuntang left habang ako sa right yung lilikuan ko tapos sasakay pa ko nang jeep para makarating sa apartment.

"See you when I see you. And scar, namiss kita." Mabilis na sabi nito at tumakbo na. Naramdaman kong nag init yung pisngi ko.

"Namiss rin kita." Bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw pa rin ako sakanya habang tumatakbo siya papalayo. Hindi na kagaya noon na tumatakbo siya palayo. Kasi iba ngayon, alam ko na once in my life may nagawa akong tama. At yun ay ibalik yung friendship namin ni Mark.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon