Maaga akong nagising para magluto nang agahan. Habang nagluluto ako ay tahimik lang sa paligid. May himala yata ngayon at hindi sumisigaw si Mama.
Pagkatapos kong magluto ay pinuntahan ko ang kwarto ni Mama. Nakita ko lang siyang nakaupo dun habang nakahawak sa ulo niya. Agad agad ko naman siyang nilapitan.
"Ma, ano pong nangyari? Okay ka lang po ba?" Tanong ko pero di siya umiimik. Nagulat nalang ako nang bigla siyang nagsuka nang dugo.
"Ma! Dadalhin po kita sa ospital." Inalalayan ko siyang tumayo at agad akong tumawag nang tricycle para maghatid samin sa ospital.
Pagkatapos ko siyang naadmit sa ospital ay kinausap ako nang doktor.
"Kumusta po si mama? Bakit po siya nagsuka nang dugo kanina?"Tanong ko.
"May cancer ang mama mo. Stage 2 na. Buti nalang at naidala mo agad siya dito. Baka kung hindi ay mas lumala ang kalagayan niya. Kailangan niyang maopera sa madaling panahon." Sabi nito.
"Magkano po ang gagastusin para sa opera?"
"Mahigit kalahating milyon." Sabi nang doktor. Kalahating milyon? San ako kukuha nang ganun kalaking pera. Pero kailangang maoperahan ni Mama kaya gagawin ko lahat para lang gumaling siya.
"Pwede po bang maoperahan muna si Mama, tapos babayad bayaran ko nalang po? Wala pa po kasi akong perang pambayad ngayon." Sabi ko.
"Hindi pwede yun." Sabi nito. Nanlumo naman ako.
"Sige po. Ako nalang pong bahala." Sabi ko. Pinuntahan ko muna si mama sa room niya. Sinilip ko lang siya pagkatapos ay umalis rin agad ako. Kailangan kong magtrabaho. Kung pwedeng sagad sagaran gagawin ko para lang makaipon nang pera.
Habang naglalakad papuntang trabaho ay di ko maiwasang hindi umiyak. Naaawa na ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin yung ganun kalaking pera. Pero hindi ako dapat mawalan nang pag-asa. Dapat kayanin ko. Dapat maka ipon ako nang kalahating milyon para kay mama. Para maoperahan na siya. Para gumaling na siya.
Please don't forget to vote. And leave your comments below. Thankyouuu. Godbless. :)
BINABASA MO ANG
Cruel World (COMPLETED)
Non-FictionI want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.