Chapter Fifteen

630 35 5
                                    

Habang naglalakad kami papuntang room ay biglang huminto si Mark.

"Bakit?" Tanong ko sakanya. Pero hindi lang siya umimik at may kinuha sa bag niya. Yung libro na ipapass ngayon. Huhuhuhu. Naalala ko na naman. Wala pala akong ipapass. Magbibigti na lang ya--

"Here" sabi niya sabay abot nang libro sakin. Tinignan ko yung libro. Tapos sa mukha niya. Tapos balik sa libro naman.

"Eh paan--" natigil naman ako sa pagsasalita nang naglabas rin siya nang librong kapareho nung papasa namin.

"Binili ko to kanina." Sabi niya kaya naman kinuha ko na.

"Waaahhh! Hulog ka talaga nang langitttt. Huhuhuhu. Thank you ditooo. Promise! Babayaran ko to agad sayooo." Sabi ko habang yakap yakap yung libro.

"Kahit hindi mo na bayaran. Advance birthday gift ko na yan sayo.." Sabi niya.

"Birthday?!" Ayy. Oo nga pala. Pati sariling birthday ko nakalimutan ko na. :3

"Next next month pa birthday ko ah. Super advance? Hahaha." Sabi ko naman at ngumiti siya.

"Kumbaga sa formal dining. Appetizer palang yan. Hahahaha." Sabi naman nito. Nagyayabang na naman siyaaa. Naku naku. Pero kahit loko loko to maswerte pa rin akong kaibigan ko siya ngayon.

"So, may main course at dessert pang kasama? Loko. Hahahaha. Tara na nga baka malate pa tayo." Sabi ko pero nauna pa pala siyang naglakad kesa sakin.

"Nagteleport ka ba? Bilis mong makapunta diyan ah." Sabi ko.

"Lumipad na naman isip mo eh. Hahahaha." Sabi nito. Sinamaan ko siya nang tingin. Nag peace sign naman siya sakin.

Pagpasok namin ay lahat pinagtitinginan ako. Siguro umabot na sakanila yung chismis na nanapak ako.

"Grabe noh, pati si angel pinatulan."

"Oo nga eh. Santa dito, may tinatago naman palang kamalditahan."

"Looks can be deceiving nga talaga."

"Porket back up niya si Mark lakas nang loob."

Bulong nila. Ayy wait, bulong pa ba yun? Eh rinig na rinig ko naman mga pinagsasabi nila. Bakit ba sobrang judgmental nang mga tao? Masakit silang magsalita. Wala ba kong karapatang sumabog? Hindi naman lahat nang tao mabait. Hindi sa lahat nang pagkakataon mahaba yung pasensya.

Tinap naman ni Mark yung balikat ko. Pagtingin ko sakanya ay ngumiti lang siya sakin.

"Wag mo silang pansinin. They don't know you better than I do." Bulong niya sakin. Napatango naman ako at nginitian ko rin siya.

Tama siya. Hindi naman ako kilala nang lahat nang nandito. Tanging si Mark lang ang nakakaalam nang lahat lahat nang tungkol sakin.

Pagkaupo namin ay sakto namang pagpasok nang Prof namin.

"Okay class. Gaya nang sabi ko last meeting ay dapat ipasa niyo ngayon yung librong kailangan niyo. But don't worry, maibabalik rin naman sainyo yun." Sabi ni Sir. Pinasa naman agad namin yung mga libro.

*Class ended*

Hindi kami sabay umuwi ni Mark ngayon dahil may practice ang mga varsity player. Okay lang naman sakin yun. Kaya lang hindi na ako makakapanuod dahil may part time job pa ko. Naintindihan naman niya yun.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong tuta sa gilid nang daan. Madumi siya at sa tingin ko ay palaboy lang. Agad agad ko naman siyang binuhat.

"Hii. Wala na bang may ari sayo?" Kausap ko sa tuta. As if naman naiintindihan ako diba? Adik ko talaga.

"Gutom ka na ba?" Kausap ko ulit sa tuta. Tumahol naman ito kaya napangiti ako.

"Iuuwi muna kita sa apartment para makakain ka. Hindi kita pwedeng dalhin sa work ko." Sabi ko habang naglalakad na ako. Pagkarating ko ay agad agad akong nagluto nang instant noodles. Ihahali ko nalang siguro ito sa kanin.

Pinalamig ko muna bago ko binigay sakanya. Agad agad naman niyang kinain iyon.

"Mukhang gutom na gutom ka nga ah. Bat ka kaya iniwan?" Sabi ko habang hinahaplos haplos yung balahibo niya. Cream white yung kulay niya. Askal lang pero sobrang cute. *O*

"Ansama nang nang iwan sayo." Sabi ko. Wala pang ilang oras ay naubos na niya agad yung pagkain na binigay ko. Kinuha ko yung lalagyan niya at nilagyan nang juice este tubig. HAHAHA. Feeler lang bakit ba. Malay mo in the near future juice na painom ko dito diba. Hahahaha.

Iniwan ko muna siya sa kusina at pumunta na ko sa kwarto ko. Pero pagtingin ko sa likod ko ay nakasunod yung tuta. Ang kyuuut niya talagaaaa.

"Wala ka pa palang pangalannn. Ano kayang magandaaa. Hmmm." Sabi ko at nag isip nang nag isip.

Doggy? Rare. HAHAHAH.

Whitey? Pfft.

Browny? Pero cream white kulay niyaa. :3

Creamy? Hmmm. Isip pa.

"Alam ko na!" Sigaw ko na kinagulat nang tuta. Hahahaha.

"Mimi." Tawag ko sa tuta agad naman niyang ginalaw galaw yung buntot niya.

"You like that nameee?" Sabi ko sabay buhat sa tuta. Dinilaan naman niya yung mukha ko. Kaya natawa ako. Nilapag ko muna siya sa sahig at nakipaglaro saglit.

Waaahhh. Nawala sa isip ko may work pa pala ako. Napasobra ako sa pakikipaglaro kay Mimi. Nakaligo naman ako agad. Wala man yatang limang minuto yung pagligo ko. At kung tatanungin ko kung paano ko nagawa yun? Sikretong malupit na yun. Hahahaha.

Kinatok ko naman si Mariella sa kwarto niya at binuksan naman niya agad.

"Pwedeng favor? Pakibantayan yung tuta ah. Atsaka pwedeng pakibigyan rin nang pagkain bago ka umalis mamaya." Sabi ko kay Mariella.

"Sure. Saan mo ba nakuha yan?" Tanong nito.

"Napulot ko lang. Osige na. Baka malate pa ako nito. Byerrss!" Sabi ko sabay labas na nang apartment. Patakbo pa akong nakapunta sa kanto at agad agad sumakay sa jeep na dumaan sa harap ko. Kahit siksikan ay pinagpilitan ko pa rin. Ganito talaga pag late na ako at no choice na. Wag na kong magpapaka choosy at baka mapatalsik ako sa trabaho.

Cruel World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon