Simula

10.1K 207 2
                                    

Simula

Mula sa bintana ng bahay namin ay tanaw ang veranda ni Trebb na siyang anak ng amo na pinagta trabahuan ni nanay. Lagi akong nakatingala sa bintana at hinihintay na sumilip siya.

Malalim na ang gabi at kitang kita na ang mga bituin na nagkalat sa kalangitan. Humangin kaya bahagyang tumabing ang buhok ko sa mukha ko. Agad kong siniklop iyon at ipinusod gamit ang panali na nakakabit sa wrist ko.

"Rosalyn!" narinig kong sigaw ni nanay mula sa loob ng bahay. Lumingon ako sa likod ko bago lumingon muli sa veranda ng kwarto ni Trebb.

Napanguso ako at nagbugha ng hangin. Wala siya! Siguro natutulog na.

Bigong umalis ako sa pagkakasilip ko doon at agad na pumunta kay nanay.

"Nay..."

Lumingon siya sa akin. Naka bestida siya at nakapusod din ang buhok. Medyo may katandaan na si nanay. "Umupo ka na, para makakain na tayo at makatulog na. Madami pa kong trabaho bukas at ikaw, may pasok ka pa.." wika niya at nauna ng umupo.

Umupo ako sa bakateng silya. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. "Wow! Ginisang upo. Paborito ko talaga ito, Nanay." Masayang wika ko. Sinamaan ako ng tingin ni nanay.

"Paborito!? araw araw na ulam natin iyan. Wala ka lang choice kaya napipilitan kang kainin itong upo." aniya.

"Hindi po ah! masarap kaya ang ginisang upo tapos masustansiya pa." sagot ko pabalik.

"Hay nako! Ewan ko sayong bata ka!" pag suko niya at sinundan ng tawa. Tumawa na lang din ako at magiliw na kinain ang luto ni nanay.

Wala si Tatay dahil isa itong driver ng truck ng isang maliit na kumpanya at palaging gabi ang biyahe. Maliit ang sahod pero pinagtyatyagaan niya para sa pang araw araw namin.

Hinintay kong matapos sa pagkain si nanay para maisabay ko na sa pagligpit ko.

"Ako na dito. Matulog ka na." utos niya at mabilis na kinuha ang pinag kainan ko. "Nay ako na po. Tanghali pa naman pasok ko bukas eh. Samantalang kayo ay ala-sinko pa lang ay kailangan niyo ng pumunta sa mansyon.

Sinamaan ako ni nanay ng tingin bago sinenyas na pumasok na ako sa kwarto. Ngumuso na lamang ako at sinunod ang gusto niya.

Pumasok ako sa kwarto namin at agad na kinuha ang mga unan na nasa ibabaw ng juro-box. Binagsak ko ang mga iyon sa sahig. Umupo ako at inayos ang mga unan sa pwesto nito.

Humiga ako at inabot ng paa ko ang pindutan ng electricfan. Napindot ko iyon ngunit ayaw gumana kaya napilitan akong bumangon. Sinundan ko ng tingin ang wire ng electricfan hanggang sa plug nito. Nakasaksak naman pero bakit ayaw umandar!? Kainis!

Inexamine ko iyon pagkatapos ay pinukpok ang likod nito ngunit ayaw pa din gumana. Sa ganong sitwasyon ako naabutan ni nanay.

"Sira ata, Nay." wika ko.

"Kuhanin mo na lang ang kulambo." aniya.

Inayos ko ang kulambo. Pumasok si nanay sa loob at sumunod ako. Nagkamot ako ng leeg dahil sa init. Hindi ako nagrereklamo dahil sanay na ako sa kinagisnang buhay namin.

---

Pag uwi galing eskwela ay tumakbo ako papasok sa bahay namin at hinubad ang uniporme. Sinabit ko ang palda sa pako dahil gagamitin ko pa iyon bukas. Kumuha ako ng t-shirt at sinuot agad iyon.

Lumabas ako ng bahay namin at mabilis na tumakbo papasok sa mansyon.

Naabutan ko si Nanay na nagluluto. "Nay!" tawag ko sakanya. "Naka uwi ka na pala..." aniya. "Opo."

Paano ko kaya sasabihin kay nanay ang bayarin sa eskwela? pumikit ako at huminga ng malalim. "Nay."

"Manang.. may juice po?" mabilis na umikot ang leeg ko para tignan ang hinahangaan kong tao. Halos hindi ko maramdam ang paligid ko at tanging pintig ng puso ko na lamang ang mahalaga.

"Hi, Rosalyn." bati niya pa lang ay halos lumabas na ang puso ko at iwanan na ako. Jusko! mamamatay na ata ako.

"H-hello.. Trebb." bati ko pabalik. Ngumiti siya at doon ko nalaman na malakas pala akong mag pigil. Mag pigil ng tili dahil sa kilig.

Right there and then alam ko na agad na siya na ang taong gusto ko sa habang buhay. Siya lang hanggang tumanda ako. Siya lang talaga.


Sa mura kong edad na dose anyos alam ko na agad ang pangarap ko sa buhay. At iyon ay ang maging asawa ni Trebb Allen Talavera.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon