Hospital
Huminga ng malalim si Trebb pagkatapos niyang ibilin ang tungkol sa mga babae na biglang pupunta sa company.
Tumango ako sa bawat bilin niya. Nakakunot ang noo niya at tila ba problemadong problemado. Huminga siya ng malalim at tinignan ako. Those eyes, na kung makatingin ay parang binabalik ako sa nakaraan. 'Yong tipong sobrang kilig na kilig ako sa kanya matapunan o madaanan lamang ako ng tingin ng matang iyon.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pala pulsuhan ko. "Tara..." aniya. "Saan po, Sir?" takang tanong ko.
"Kakain tayo." aniya. Hinatak ko agad ang kamay ko mula sakanya. "Sorry po, Sir. Kayo na lang po kumain mag isa, may dadaanan pa po ako." wika ko at naglakad na paalis.
Narinig ko ang tawag niya sa akin ngunit binaliwala ko iyon at nagtuloy tuloy sa paglabas.
Patingin tingin ako sa wrist watch ko habang nakasakay sa jeep. Hinahabol ko ang oras. Kailangan ay makarating ako kay nanay sa hospital at makabalik sa company ng sakto sa oras.
Pagdating ko sa hospital ay nagtungo ako agad sa kwarto ni Tatay. Pagpasok ko ay naabutan ko si nanay na inaalalayan si tatay palabas ng banyo.
Tumulong ako sa pag alalay ni nanay kay tatay ng mai upo namin si tatay sa kama ay lumapit ako kay nanay at pasimpleng inabot ang isang libong natitirang buo sa wallet ko. Ayaw kong makita ni tatay dahil baka isipin niyang muli na wala siyang kwenta at pabigat na lang.
Nagpaalam na ako agad kay tatay at nanay. Habang nasa daan papunta sa company ay iniisip ko ang ginawa ko kanina kay Trebb.
Nagsisi ako at parang gusto kong ulitin ang nangyari kanina at magpapa alam ako ng maayos. Paano pala kung pagdating ay salubungin ako ng 'You're fired!' ni Trebb.
Diyos ko! Huwag naman po sana...
Pagdating ko sa company ay nakatayo si Trebb sa gilid ng mesa ko. "Sir..." bangit ko at tumakbo papunta sakanya.
"Nadaanan mo na ang dadaanan mo?" tanong niya. Marahan akong tumango. Nagtataka. Hindi ba siya umalis sa kinatatayuan niya?
"Kung ganon, tara na! kakain tayo." aniya. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod na lamang sakanya.
Dinala niya ako sa restaurant sa baba lamang ng building na pagma may ari ng mga Talavera.
Tinawag niya ang waiter pag upo namin at omorder na. Nang hawakan ko ng menu at itapat sa mukha ko ay nagulantang ako sa presyo.
"Sir... kape na lang po.." sagot ko. Kape!? seryoso ka Rosalyn!? Sa opisina puro ka kape haggang dito ba naman? naramdaman kong nag iinit ang sikmura ko sa gutom. Tiis lang tiyan, malapit ng mag uwian, mga limang oras na lang... bulong ko sa sarili.
Kumunot ang noo ni Trebb at binanggit ang order niya pero nagulat ako at tigalawa ang sinabi niya.
Mag re-reklamo pa sana ako kaso naramdaman kong gutom na talaga ako.
"Sir, bawas mo na lang sa sahod ko..." wika ko habang kumakain.
Kakasimula ko lang may bawas na agad sahod ko! Mangiyak ngiyak kong bulong sa likod ng utak ko.
"Huwag na Rosalyn! Ubusin mo na lang 'yan." wika niya. Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.
Ramdam ko ang titig niya ngunit mas pingtuonan ko ng pansin ang sarili ko. Ang sarili kong parang hindi nasaktan noon at patuloy pa din siyang minamahal..
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa itaas. Bawat masalubong niya ay binabati siya. Nasa likod niya lang ako at sumusunod lang sakanya.
Pagbalik namin ay nagtungo na siya sa loob habang ako ay pinagpatuloy na ang pinapagawa niya.
------
Ipinilig ko ang leeg ko sa pagod dahil sa pintype sa akin ni Trebb kanina. Madilim na ang kalangitan na natatanaw ko mula sa salaming bintana ng building na ito. Ang ilang empleyado ay nagsisilabasan na din.
Naglakad ako patungo sa kanto at nag abang ng jeep patungo sa bahay ng bagong kasal na Talavera. Si Mam. Belle at Sir. Isaac.
Ngunit si Manang Lucila lamang ang nandoon at si clarisse na yaya ng anak nila sir Isaac dahil nasa isang buwan na honeymoon ang mag asawa kasama ang walong buwan nilang anak.
Lumagpas ang isang Jeep na puno ang laman at nasundan ko na lamang ng tingin iyon bago bumaling muli sa kabilang side at mag abang. Sakto naman na may isang jeep na huminto kaya sumakay ako agad.
Pagdating ko sa mansyon ni Sir Isaac ay hinanap ko agad si manang lucila. Nang makita niya akong papasok sa kusina ay lumapit siya agad sa akin at tinanong ang kalagayan ng tatay ko.
"Ganoon pa din po.." malungkot na sagot ko. Nakita ko din ang lungkot mukha ni manang.
"Hayaan mo iha, gagaling din siya. Siya nga pala..." huminto siya sa pagsasalita at may kinuhang paper bag. Inabot niya iyon sa akin at agad kong tinignan ang laman. Tupperware iyon at tingin ko ay pagkain ang laman. "Dalhin mo sa mama mo ngayon para makakain na sila. Ikaw kumain ka muna bago ka pumuntang hospital." bilin niya.
Simula ng isugod si tatay sa hospital nong nakaraang buwan ay palagi na akong dumadaan sa hospital pagkauwi ko galing sa paghahanap ng trabaho noon, o di kaya'y sa mga part time job ko.
Tumango ko kay manang at nagpasalamat. Sinunod ko ang sabi niyang kumain muna bago pumuntang hospital.
Dala ko ang dalawang paper bag na naglalaman ng damit at pagkain. Pumasok ako sa hospital at nag diretso sa kwarto ni tatay.
Pagpasok ko ay nakita kong may mga tubong nakasaksak sakanya. May nurse sa gilid niya na may sinaksak na kung ano sa hose ng dextrose ni tatay.
"Rosalyn!" mula sa likod ay narinig kong tawag ni nanay. Nilingon ko siya at nakita kong may hawak siyang maliit na plastik na may pangalan ng isang drugstore.
"Binili ko lang yung mga gamot na kaka reseta lang ng doctor..." aniya.
"May dala akong pagkain nay. Kain ka na.." wika ko.
Pumasok kami sa loob ng kwarto kung saan may anim na kama. Nasa pay ward lang kasi si tatay. Ngumiti ang nurse sa amin at sinabi kung anong itinurok niya bago tuluyan ng lumabas.
Sinamahan ko si nanay sa habang kumakain siya. Si tatay ay kumain na daw kanina. Yung pagkain na galing sa hospital.
Pagkatapos ng visitation hours ay umuwi na ako at natulog. Gustuhin ko man na magtagal ay hindi pwede dahil may pasok pa ako bukas.
BINABASA MO ANG
Imitation
Narrativa generale"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...