Epilogue

7.5K 224 46
                                    

Salamat po sa pagbabasa! See you sa next story po! :)

----

Mula sa bintana ng aking kwarto ay tinatanaw ko si Rosalyn. Ang anak ng mayordoma namin sa bahay.

"Trebb.." nilingon ko si mama na biglang pumasok sa kwarto ko at ngayon ay papalapit na sa akin. 

"Sinong tinitignan mo diyan at ngiting ngiti ka?" tanong niya at dinungaw ang tinitignan ko. 

"Ah.. si Rosalyn! Ang gandang bata niyan. Mabait pa at masunurin sa nanay niya." wika ni mama. Napatingin ako sakanya saktong nakatingin na din pala siya sa akin. "crush mo siya?" nag init ang mukha ko hanggang leeg sa tanong na iyon ni mama.

Tinawanan ako ni mama dahil doon. Tinulak ko siya palabas ng kwarto pero tawa pa din siya ng tawa hanggang sa isarado ko ang pintuan ng kwarto ko.

Sa murang edad ko ay alam kong umiibig na ako sa babaeng iyon na anak ng mayordoma namin.

--

Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang tinig ng anak ng mayordoma namin. Mabilis akong bumaba at tumakbo papunta sa kusina ngunit nahinto din sa gilid ng pader bago ang papasok sa kusina. 

Bigla ay may gumalaw sa sikmura ko at pinag pawisan ako. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba akong pumasok o hindi na muna.

Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Naglakad ako papasok ng kusina ngunit nabuwal ako ng mabanga ako sa kung sino. 

Narinig ko ang tinig na iyon ng babaeng anak ng mayordoma namin. Hinanap siya ng mata ko. Pareho kaming nakasadlak sa sahig. Napasapo siya sa puwetan niya ng makahuma ay bumaling siya ng tingin sa akin, nanlaki ang mata niya. Ang cute niya!

Humingi siya ng tawad. Tumayo ako at ilalahad ko sana ang palad ko sakanya ngunit tumayo na din siya.

Bakit hindi mo ako hinintay na tulungan kang tumayo!?

Humingi siyang muli ng tawad. Hindi naman ako makapagsalita sa harap niya. Sampung taon na gulang pa lang siya at ganoon din ako. Naka shirt siya may print na cartoon character at isang cotton short. Ang buhok niya ay malayang nakaladlad. Sa ganoong ayos niya pa lang ay halos hindi na ako makapagsalita at halos mawala na ako sa aking sarili. Ang puso ko ay napakabilis ng tibok, marahil kung wala ang ribs kong nagsisilbing kulungan ng puso ko ay baka tumakbo na ito at lumipat kay Rosalyn. 


"Trebb sino iyong babaeng dalaga sainyo? Ang ganda non ah.." wika ni Lexter ang kalaro ko na nakatira malapit sa bahay namin. 

Sa tinig niya ay nahulaan ko na agad na tipo niya si Rosalyn. Sorry not really sorry! Akin si Rosalyn!

Tinignan ko lang si Lexter at hindi sinagot ang tanong niya. Hindi mo malalaman ang pangalan niya at kung malalaman mo man sisiguraduhin kong may karugtong na ang pangalan niya ng salitang pag angkin ko.

Mabilis na lumipas ang taon. Ngayon ay dise sais na kami. Ang pag ibig ko kay Rosalyn ay lumalala. Minsan ay sinusundan ko pa siya papasok sa classroom nila sa ikaapat na palapag samantalang ang classroom ko ay sa unang palapag lamang.

Breaktime namin ngayon at nakatambay kami sa madalas namin tambayan sa gilid ng stage.

Dinukot ko ang phone ko at pumunta sa gallery. May klase si Rosalyn kaya hindi ko siya matanaw. Hinanap ko ang album na punong puno ng litrato ni Rosalyn.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon