Girlfriend
Habang naglalakad ako papunta kila Lana ay nakita ko sa hindi kalayuan si Trebb na may kausap na lalaki. Nakatalikod si Trebb sa akin ngunit alam ko na agad na siya iyon. Sa tindig pa lang niya at likod ay kilalang kilala ko na siya.
Kasing tangkad niya ang kausap niya kaya hindi ko makita ang mukha. Nang papalapit na ako sakanila ay nakaramdam ata si Trebb dahil lumingon siya sa akin, mabilis akong nag iwas ng tingin. Baka isipin niya ay chismosa ako! Pero ang totoo ay gusto ko lamang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya.
Nang sinulyapan ko siyang muli ay nakaharap na siya ulit sa kausap niya. Nagulat pa ako ng tumakbo siya palapit sa akin pagkatapos niyang kausapin ang lalaki iyon.
"Napadaan lang ako Trebb! Sorry, kunwari ay wala akong nakita." defensive kong sabi para hindi siya magalit sa akin.
"Huh? Anong sinasabi mo?" naguguluhan na aniya. Ibinuka ko ang bibig ko ngunit naunahan na niya akong magsalita. "Nevermind! Halika ipapakilala kita sa kaibigan ko." aniya at kinuha ang kamay ko bago ako hinatak papunta sa kausap niya kanina.
"Lexter, ito pala si Rosalyn. Girlfriend ko. Rosalyn, si Lexter kaibigan ko." Nanlaki ang mata ko at parang tumigil sa pag function ang lahat sa parte ng katawan ko. Girlfriend daw!? Nananaginip ba ako ulit?
"Huh?" naguguluhan ako. Naramdaman ko ang palad niya sa bewang ko at agad na nanginig ang tuhod ko kaya napahawak ako sa laylayan ng damit niya.
Ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang kapatid ni Lana na nakita ko kahapon. Anong meron? bakit ako pinapakilala ni Trebb na girlfriend niya?
"Hi." ani nong Lexter at inilahad ang palad niya. Tumingin ako kay Trebb bahagya lamang siyang tumango. Tinignan ko si Lexter at mabilis na kinamayan. Hindi ako makapag salita, nag lo-loading pa ang lahat sa akin.
"Sige, Trebb. Kita na lang tayo mamaya sa court." ani ni Lexter at tinapik pa ang balikat ni Trebb. Nong nakalayo na si Lexter ay mabilis din akong napalayo kay Trebb. Dahil kapag hindi ko ginawa iyon ay baka maubos ang lakas ko sa katawan dahil tila hinihigop iyon ni Trebb.
"Mauna na ako. May gagawin pa akong project." paalam ko at halos patakbo na akong lumakad makalayo lang sakanya.
Masama 'to! gusto kong mapalapit sakanya pero kapag ginawa ko ay parang nanghihina ako. Bakit ganon ang epekto sa akin ni Trebb?
Dumating ako kila Lana at pinagbuksan agad ako ng katulong nila. Pinakain muna ako ni Lana kahit na sinabi kong busog naman ako. Nang sinimulan na namin ang gumawa ng project ay dumating iyong kuya ni Lana na si Lexter.
Hindi niya kami pinansin at nag dire-diretso lang siya paakyat sa ikalawang palapag. Nangangalahati na kami ni Lana sa project ng bumaba si Lexter na bagong paligo. Pumasok siya sa pintuan sa kaliwang bahagi ng bahay nila Lana pero bumalik din at tinignan kami.
"Rosalyn, right?" tanong niya sa akin. Napansin ko ang ulo ni Lana na pabaling baling sa amin ng kuya niya. Tumango ako kay Lexter.
"Kaklase mo kapatid ko?" tanong niya. Tumango lamang ako ulit. Bahagya lamang siyang tumango at ngumisi. "Hindi ka isasama mamaya ni Trebb?" nanlaki ang mata ko ng mabangit pa lang ang pangalan ng taong gusto ko. Tsaka isasama saan?
"I-isasama? hindi ako sigurado baka kapag natapos namin itong project." sagot ko sabay turo pa sa ginagawa namin ni Lana. Sana maniwala siya. Sana hindi niya maisip na hindi ako girlfriend ni Trebb.
Bakit nga ba ayaw kong malaman niya? Siguro dahil ipinakilala ako ni Trebb sakanya bilang girlfriend nito.
"Ah... okay." aniya at pumasok na muli sa pintuan.
"Magkakilala kayo ni Kuya?" agad na tanong ni Lana na mabilis na nasundan. "Tsaka anong sinasabi niyang isasama ka ni Trebb?"
Nagsimula akong mag kwento sakanya at ng matapos ako ay hindi din siya naniwala. Lumabas si Lexter at dumiretso sa pintuan papalabas.
"Rosalyn. Sinusundo ka na." sigaw niya mula sa labas ng pintuan. Tumibok ng mabilis ang puso ko at nataranta ako. Anong gagawin ko? Hindi na ako mapakali.
"Lana!" tawag ko sa kaibigan ko.
"Tapusin na lang natin bukas. Kalahati na naman nagagawa natin eh." aniya at nagsimula ng mag ligpit ng mga materyales na ginamit namin.
Tumunog ang pintuan kaya napatingin ako doon. Pumasok si Trebb at lalo akong nataranta. Kalma Rosalyn!
Tinulungan ko si Lana na maitabi namin ang mga ginamit namin pagkatapos ay nag paalam na ako sakanya.
Lumabas ako ng bahay nila at nakasunod sa akin si Trebb.
"Pasensya na Rosalyn ah! Ililibre na lang kita kapalit ng pag papanggap mo." aniya habang naglalakad kami sa daanan.
Pagpapanggap? bahagyang nalungkot ang kung ano sa akin sa sinabi niya. Pero may isang parte sa akin ang nakontento na. Hindi ko man lubos na maintindihan ang nangyayari ay wala na akong pakialam. Isa lang ang alam ko at iyon ay ang girlfriend ako ni Trebb, sa pagpapanggap nga lang.
Simula ng sinabi niya ang pagpapaggap na iyon ay kumalat sa paaralan na kami na. Kapag nasa eskwelahan ay tinatrato ako ni Trebb na girlfriend niya ngunit kapag nasa bahay ay hindi niya ako gaanong pinapansin.
----
"Rosalyn, bilhin mo nga ito sa bayan.. Bilhin mo lahat ah!" utos ni nanay at binigay sa akin ang isang papel na may nakasulat ng bibilhin.
Pinasadahan ko ng tingin iyon. Medyo madami. Inabot sa akin ni nanay ang pera at nagbilin na mag ingat daw ako.
Paglabas ko ng gate ay nakita ko si Trebb na nakatayo sa labas. Nakasandal siya sa gate at tila may hinihintay. Para siyang modelo doon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sakanya.
Naglakad ako at nilampasan siya. Ngunit napahinto ako ng may umakbay sa akin."Trebb!" gulat na gulat na wika ko.
"Tara na! Babayaran na kita sa pagpapanggap mo." aniya at hinatak pa ako.
"Ano!? huwag na! Tsaka may inutos sa akin si nanay." pigil ko sakanya ngunit hinatak niya lang ako. "Ako nag pautos niyan para madala kita sa bayan." aniya.
Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang sakanya.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...