Kabanata 8

3.8K 104 2
                                    

Holding Hands

Paglabas ko ng gate ay inaasahan ko ng sasalubong sa akin si Trebb kaso walang tao sa doon, ni bakas ni Trebb ay wala.

Dumagsa ang lungkot sa puso ko. Na puno ng mga katanungan ang isip ko na walang makuhang sagot.

Naglakad ako papasok na mag isa. At ng makarating ako sa eskwelahan ay nakita si Trebb na nakatayo sa gilid ng gate. Biglang nabuhay ang kung ano sa akin.

"Trebb!" Kasabay ng sigaw ko ang paglapit ng isang babae kay Trebb. Morena ang kulay ng kutis nito at halos kapareho ng sa akin. Ang buhok niya ay mahaba din at kasing haba ng sa akin, ngunit magkaiba ng gupit ang sa akin ay v-cut samantalang ang sa babae ay octupus cut. Nakangiti si Trebb sa babae ng abot tainga. Hindi ko makita ang mukha ng babae sapagkat nakatalikod ito sa akin. Lumunok ako at ilang beses na kumurap. Hinawakan ni Trebb ang kamay ng babae at pumasok na sila sa loob. Nabanga ako ng isang estudyante kaya nalaglag ang dala nito. Agad ko siyang dinaluhan sa pag dampot ng gamit niya.

Nang makuha ko ang ibang libro niya ay agad ko iyong ibinigay sakanya. "Hala ate! Okay ka lang po? Malakas po ba pagkakabanga ko sa'yo?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya pero sinagot ko pa din siya. "Hindi! Okay lang ako."

"Talaga po? bakit po kayo umiiyak?"

Pinunasan ko ang luhang hindi ko namalayan na tumulo na pala. Ngumiti ako sa babae at sinabing okay lang talaga ako. Bakit ganito? ganoon ba kalalim ang nararamdaman ko sakanya para lumuha ang mata ko dahil lang sa nakita ko? Ano ba Rosalyn! Mag isip ka nga! Wala ngang label ang ginagawa niyo eh. Anong karapatan mong masaktan? 

Narinig ko ang bell mula sa labas ng paaralan. "Ate, una na po ako.." aniya at tumakbo na papasok.

Walang kabuhay buhay akong naglakad papasok sa paaralan. Parang bigla akong tinamad sa lahat. Wala mang label ang ginagawa namin ang nararamdaman ko naman sakanya ay matagal ko ng nabigyan ng pangalan.

Nang mag uwian na ay nagulat ako dahil nandoon si Trebb. Sinalubong niya ako ng ngiti ngunit napakabigat ata ng nakita ko kanina at pati ang gilid ng labi ko ay hindi ko maangat. Ngunit sa kaliwang bahagi ng dibdib ko ay may liwanag na umilaw. May pag asang nagigising.

Kinuha niya ang bag ko at hinayaan ko lang siya. Dapat pa siguro akong matuwa dahil nandito siya ngayon kahit na may ibang babae na dapat siyang samahan.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya. Hindi ako nagsalita at umiling lamang ako. "Kanina pala maaga akong umalis hindi na kita nahintay kasi may misa. Isa ako sa organizer." aniya. Tumango lamang ako.

Misa? Misa tapos ang babae yun ang sinasamba mo? nakagat ko ang labi ko sa naisip ko! Tigilan mo 'yan Rosalyn..

Tahimik lang kami habang naglalakad at wala ako sa sarili ko. Napahinto lamang ako ng tawagin ako ni Trebb. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala siya. Narinig kong muli ang boses niya na nagmula sa likod. Lumingon ako at tinignan ko siya ng  nagtataka. Bakit siya huminto?

Tinuro niya ang gilid niya at nakita ko ang itim na gate ng mansyon nila. Nilingon ko muli ang paligid ko. Nasa tapat na ako ng ibang bahay. Halos mapamura ako sa isip ko. Nawawala ako sa sarili ko!

Nakita ko lang na may kasamang babae si Trebb kanina at nawala na ako sa sarili ko!

Naglakad ako palapit sakanya at kinuha ko ang bag ko na ibinigay din naman niya agad. "Mauna ka na.." wika ko. Pero umiling lang siya. "Mauna ka na. Sunod ako after ten minutes." Aniya. Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa.

Pumasok ako sa mansyon at nag dire diretso ako sa kusina. "Nay.. Hindi po kita matutulungan ngayon. Gagawa ako ng assignment eh." paalam ko ng makita ko nanay na nagta trabaho sa kusina. "Sige, Rosalyn. Okay lang." aniya at ngumiti pa sa akin.

Pag dating ko sa bahay ay wala naman akong ginawa doon kung hindi ang tumunganga. Wala naman talaga akong mga assignment gusto ko lang iwasan si Trebb.

Naisip kong dahil sa nakita ko kanina ay nalaman ko kung gaano kalaki ang pagmamahal ko kay Trebb.

Sa ganito klase ng taong umiibig, iyong kagaya ko, batang umiibig, may dalawang klase ng pagmamahal. Isang nakaka buti at isang nakakasama.
Nakakabuti kung magiging inspirasyon mo ang mahal mo at gagamitin mo yun para makuha lahat ng nais mo, ang makamit ang mga pangarap mo. Pero madalas sa ganitong pag ibig ay hindi nakakabuti, masama ang nagiging resulta sa karamihan dahil masyado silang nalululong sa pagmamahal nila sa isang tao at nakakalimutan na nila ang ilan pang mga bagay na mas importante. At dahil sa pag ibig nilang iyon ay masisira sila.

Sa sitwasyon ko, hindi ko alam kung alin sa dalawa ang magiging epekto sa akin ng pag ibig ko para kay Trebb.

Nang mag gabi na ay hindi ako nakatiis. Pumunta ako sa mansyon at hinanap si nanay pero sa kabilang banda ay gusto ko din na makita si Trebb.

Madalas pagkatapos ng hapunan ng mga Talavera at nakapaglinis na sila nanay sa kusina ay pwede na siyang umuwi, ang ibang katulong naman ay sa maid's quarter lamang natutulog.

Papasok pa lang ako sa mansyon ay narinig ko na si Trebb na nasa loob ng kusina. Agad akong umikot para umuwi na sa bahay kaso bumalik din ako agad. Naisip kong wala naman akong kasalanan para iwasan ko siya. Pero.. kahit na! May feelings kasi ko sakanya kaya...

Tumalikod ako at uuwi na lang sana ng may sumigaw mula sa mansyon. "Rosalyn!" napapikit ako agad dahil boses iyon ni Trebb.

Pinag patuloy ko yung paglalakad ko at sunod kong nalaman ay nasa harap ko na siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nakakunot ang noo niya ng tignan ako.

"Kanina ka pa ganyan... Anong nangyari?" puno ng kuryosidad ang boses niya. Ang mga mata niya ay nag uutos na sabihin ko sakanya ang nangyari. Yumuko lamang ako at sinagot siya ng "Wala..."

Inangat niya ang baba ko at pinatingin ako sakanya. Tinignan niya ang dalawang mata ko na parang isang libro iyon at pilit niyang binabasa ng mabuti para maintindihan ang nakasaad sa loob.

Ngumiti lamang ako sakanya at pinagdadasal ko na huwag niyang madinig ang puso kong nagtaksil na sa akin.

Hinatak niya ako palapit sakanya at niyakap ng mariin. Parang gamot iyon na kumalat sa katawan ko papunta sa puso ko at pakonti konting ginamot ang lamat na dulot ng nakita ko kanina.

"Kung nagtampo ka dahil iniwan kita kanina  sorry. Hindi ko na uulitin." malambing na aniya.

Pangarap ko lang 'to! Isang panaginip ng gising lang 'to noon. Pero totoo na siya ngayon!

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon