Rose
Hindi ko alam kung paano ako gagalaw upang makatayo mula sa kamang ito. Nagising akong muli at ala sais pasado na. Kailangan ko ng mag asikaso ng agahan namin.
Dahan dahan kong inaalis ang braso ni Trebb na naka pulupot sa katawan ko. Bahagya siyang gumalaw sa ginawa ko. Ngunit nanatili pa din na nakapikit. Umalis ako sa kama at lumabas ng kwarto para makapagluto na ng agahan namin.
Nagsaing ako at nagluto ng pritong itlog at bacon. Nagtimpla na din ako ng kape niya. Saktong naihanda ko na ang pagkain ng lumabas si Trebb sa kwarto habang tinatawag ang pangalan ko.
"Nandito ako.." sigaw ko mula sa kusina. Bumaling siya sa kinaroroonan ko. Kalahati lamang ang harang sa kusina niya kaya kitang kita ang sino man nandoon.
Gulo gulo ang buhok ni Trebb ng umupo siya sa silya sa harap ng hapag. Inilapag ko ang plato niya sa harap niya at isa pang plato sa katabi niya, para sa akin. Inabot ko din sakanya ang tasa ng kape niya bago ako naupo sa tabi niya para makakain na.
Halos sabay kaming natapos. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa itaas ng pader sa kusina. Ala siyete y media na.. Niligpit ko ang pinagkainan namin ni Trebb at mabilis na hinugasan iyon sa lababo.
"Ako na diyan.." nagulat ako sa presensya ni Trebb. Nasa gilid ko na kasi siya. "Hindi ako na.. Maligo ka na doon.." wika ko.
"Ikaw na muna ang maligo. Ako na diyan.. Ikaw na nagluto e, ako naman ang manghuhugas." aniya at mabilis na pinalitan ang pwesto ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sundin na lamang ang sinabi niya.
Nag asikaso na ako para sa pagpasok sa opisina. Sa Opisina ni Trebb.
Eksaktong paglabas ko ng banyo ay siyang pagpasok ni Trebb sa kwarto. Nakatapis pa ako ng tuwalya at hindi ko alam kung magtatago ko o ano ngunit sa huli ay hinayaan ko na lang mukha wala lang din naman kay Trebb.
Nagbihis na ako at hinanda ang kailangan kong gamit. Hinanda ko na din ang susuotin na damit ni Trebb. Paglabas niya ay nakita niya ng hinanda ko kaya nagpalit na siya agad. Lumabas naman ako ng kwarto, ayokong panoodin siya habang nagbibihis!
Sabay kaming pumasok sa company niya. Siya itong CEO sa company na ito ngunit buhat buhat niya ang mga gamit ko pati ang bag ko. Hawak niya din ang kamay ko. Parang noong highschool pa lamang kami. Tumingin ang iilang mga staff sa amin ang iba ay nagulat ang iba naman ay hindi na.
Nagulat ako ng pagtapak ko sa harap ng office niya ay wala na doon ang mesa ko. Akmang itatanong ko pa lang kay Trebb iyon ng magsalita na siya. "Ipinapasok ko sa loob. Personal Assistant na kita. Maghahanap na lang tayo ng bagong sekretarya." aniya. "Pero sa ngayon ay sayo muna ang dalawang trabaho kasi wala pa akong nahahanap na secretary!" dagdag pa niya.
"Pero sana.. sana hindi mo na pinasok ang mesa ko.." wika ko.
"Bakit hindi!? Gusto ko lagi kong nakikita ang asawa ko.." aniya. pinamulahan naman ako ng pisngi at hindi na nakapagsalita.
Sa loob na nga ako ng opisina niya nag trabaho. Bagay na tingin ko ay mali dahil hindi ako makakatapos ng gawain. Ang gwapo ni Trebb kapag seryoso siya. Iyong tipong mas gugustuhin mo na lamang na ihinto ang lahat ng gagawain o ginagawa mo para matitigan mo na lamang siya sa magdamag.
Inasikaso ko ang mga schedule niya para sa linggong ito. Halos party at conference ang karamihan doon dahil mukhang madaming natapos na proyekto ngayon kaya madaming nag e-endorso mula sa iba't ibang company. Mayroon din na nag merge at inimbitahan ang lahat ng kilalang mga tao sa mundo ng business.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...