Kabanata 21

4.2K 87 5
                                    


Kasal

"Anong kondisyon?" dahan dahan kong tanong..

"Magpapakasal ka sa akin." aniya. Napayuko ako at nag angat din ng tingin pagkatapos. Wala na akong oras para mag isip.

Tutol man ako sa ninanais niya ay wala akong magagawa. Gustuhin mo man ang humindi ay alam kong sa mga oras na ito ay hindi ito ang mahalaga sa ngayon.

"Sige." buong tapang kong sagot. Hindi na inisip ang mga mangyayari sa hinaharap. Hindi na inisip ang sasabihin ng magulang ko. Dahil ang nasa isip ko lamang ay ang makukuhang pera para maipagamot na ng maayos si tatay.

Nag liwanag ang mukha niya lalo sa isinagot ko. Tila parang nakita niyang nagbukas ang langit. "Mamayang gabi din ay magpapakasal na tayo. Pero sa judge lang muna." nagulat ako sa sinabi niya hindi ko akalain na ganoon kabilis ang nais niyang mangyari.

"...sa ngayon, sasamahan muna kita sa hospital para matignan ko ang tatay mo." aniya at iniligpit ang mga nagkalat sa mesa niya.

PAGDATING namin sa hospital ay agad kong tinignan ang kalagayan ng tatay ko. Si Trebb ay nasa gilid ko lamang at sa tabi niya ay si nanay na naka kunot ang noo.

Baka isipin ni nanay na nasa hospital na nga si tatay ay nakuha ko pang intindihin ang buhay pag ibig ko.

"Rosalyn, may sasabihin ka ba?" nang nilingon ko si nanay ay masama ang tingin niya sa akin. Sinulyapan ko si Trebb at nagpa-alam na kakausapin ko lang si nanay. Tumango lamang si Trebb.

Lumapit si Trebb kay tatay. Lumabas naman kami ni nanay.

"Bakit magkasama kayo?" tanong ni nanay. "Nay, pasensya na po.. Alam ko pong hindi ito ang oras para isipin ko ang ganitong bagay pero kasi--.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may magsalita mula sa likod ni nanay. Sabay namin na tinignan si Trebb.

"Nanay, mahal ko po ang anak niyo. Alam ko pong mali ang oras na ito pero gusto ko pong hingiin ang basbas niyo. Gusto ko na pong pakasalan ang anak niyo at ayokong mahiwalay sakanya muli.." nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Trebb. Ang pagkakasalita niya ay parang totoong totoo na may pag ibig na namamagitan sa amin. Ngunit ang katotohanan ay alam namin pareho na wala. 

Lumingon si nanay sa akin. Lumunok ako at yumuko. Nahihiya sa naging desisyon ko. Sa gagawin kong ito ay para ko na din
ibinenta ang sarili ko.

"Huwag mo lang sasaktan ang anak ko Trebb.." wika ni nanay na nagpa angat ng ulo ko.

"Kailan ang kasal?" tanong ni nanay. Halos mapunit naman ang labi ni Trebb dahil sa lumabas sa bibig ni nanay na mga salita.

"Sa judge ko muna po siya papakasalan mamayang gabi at sa simbahan po pagka galing ng tatay niya.." magiliw na sagot ni Trebb. Tumango lamang si nanay sa sinabi ni Trebb.

Dumating ang naka assign na doktor kay tatay. Bumaling si Trebb doon at kinausap ang doktor. Pagkatapos nilang mag usap ay lumapit sa akin si Trebb. Nagtatanong na tinignan ko siya.

"Ipapalipat ko po si Tatay. May kaibigan po akong doctor. Sisiguraduhin ko pong gagaling ng maayos si tatay para makalakad na siya papuntang altar..." wika ni Trebb at makahulugan na tumingin sa akin. Hindi ko siya mabasa..

Hindi naman magkada maliw sa pasasalamat si nanay dahik sa sinabi ni Trebb. May kung anong humaplos sa puso kong bahagya pa din na mabigat ng makita ang maliit na ngiti mula sa mga mata ni nanay.

Gusto kong maging masaya ngunit hindi ko magawa. Mamayang gabi ay makukulong ako sa pag ibig na ako lamang ang nakakaramdam. Mamayang gabi magbabago ang lahat sa akin.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon