Kabanata 19

3.9K 89 1
                                    

Fiance

Ipinahiram sa akin ni Trebb ang kwarto niya. Doon ako kumilos para mag ayos samantalang siya ay sa bakanteng katabi nitong kwarto.

Naglagay ako ng lipstick para sa huling kolorete na ilalagay ko sa mukha ko. Ang nilagay ko ay iyong kulay maroon. Sinulyapan ko ang mukha ko sa salamin at nagmukha akong sopistikada sa lipstick ko.

"Rosalyn, tapos ka na?" tanong mula sa labas ng kwarto ang naulinagan ko kasabay ng tatlong sunod sunod na katok.

"Oo.. Saglit lang lalabas na ako.." natatarantang wika ko at inayos ang mga gamit ko pabalik sa pinagkuhanan ko.

"Okay lang Rosalyn! Ipapaabot ko lang sana iyong relo ko na nakapatong sa ibabaw ng drawer sa gilid ng kama ko.

Agad na hinanap ng mata ko ang sinasabi niyang relo. Sinara ko ang zipper ng pouch bag ko at dinampot ang relo.

Inabot ko ang relo kay Trebb ngunit may tinitignan siya sa phone niya. Pinaplano kong hintayin na lang siya na matapos sa tinitignan niya ngunit nilahad niya na ang kanang pala pulsuhan niya sa akin.

Sinulyapan ko muna siya bago ko sinuot sa pala pulsuhan niya ang relo. At ng makabit ko iyon ay ngiting ngiti ako. Pakiramdam ko ay mag asawa kami at sa isipin pa lang na pgsisilbihan ko si Trebb at makakasama sa iisang bubong ay parang hindi na ako makahinga sa tuwa!

Tinignan niya ang pagkaka suot ko ng relo sa pala pulsuhan niya bago ako binigyan ng isang ngiti. "Thank you." aniya. "Tapos ka na?" tanong niya sa akin.

"Oo...." sagot na sinundan ko ng mahinang tawa upang mai alis kahit pa paano ag kaba sa akin dahil sa tingin ni Trebb na parang hinahatak ako sa kung saan.

----

Pagkatapak ng paa ko sa venue kung saan gaganapin ang party ay wala akong ibang naisip kung hindi ang salitang engrande!

Sa aking gilid ay si Trebb na nakatayo. Madami ang lumalapit sakanya na mga taong sangkot sa salitang business. Karamihan ng lumalapit sakanya ay iyong mga matatanda na may hatak hatak na mga dalaga. At sa ganitong sitwasyon ay alam ko na ang nais nilang mangyari.

Isa akong fan ng mga romance novel kaya sumasagi na sa isip ko ang mga naiisip ko. Sa mga katulad ng ganitong sitwasyon ay nagkaka ideya ako.

"Excuse me.." narinig anas ni Trebb sa mga dalaga at matatandang kausap niya. Nilingon ako ni Trebb at hinatak sa bewang paharap sa mga kausap niya.

"This is Rosalyn Bilgera, my secretary and my fiance..." pakilala niya sa akin. Masyado akong mapag obserba sa paligid ko sa loob ng venue na ito kaya hindi ko napagtuonan ng pansin ang sinabi niya.

"Hello po.." nilingon ko ang mga taong nasa harapan namin na sinusuri ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa. Mula sa panlabas na anyo ay nais nilang malaman ang estado ko sa buhay.

Biglang pumasok sa isip ko ang paraan nang pagpapakilala sa akin ni Trebb. Fiance?

Humarap ako kay Trebb na pinapa ulanan ng tanong ng mga nasa harapan niya. Hinimas ni Trebb ang bewang ko na naghatid ng kakaibang kiliti sa akin. Itinikom ko ang bibig ko at hinayaan siya sa sinasabi niya sa mga tao.

Nag alisan lamang ang mga tao ng mag salita na ang tao sa harap.

Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng nasa itaas ng stage. Kung kanina ay naka focus ako sa mga nasa paligid ko ngayon naman ay nakatuon na lamang ako sa iisang tao.

Nakabaling na kay Trebb ang atensyon ko na ngayon ay nakangiti sa harap niya. Sa stage. Tinititigan ko siya ngunit parang hindi niya maramdaman iyon. O baka umiiwas siya...

"Bakit mo sinabi 'yon?" marahan kong tanong. Umaasa ako na ang isasagot niya ay iyong mga ninanais kong marinig.

Bilang isang mambabansa ng romance novel ay hindi ko maiwasan na mangarap. Baka isa sa mga istoryang nabasa ko ay mangyari sa akin. Na ang babaeng mahal ang bidang lalaki ay mahalin din siyang pabalik.

Umaasa akong kaya niya sinabi iyon ay dahil mahal niya ako. Dahil kahit na nasaktan na ako noon ay hindi nagbago ang nararamdaman kong pagmamahal sakanya, nadagdagan pa nga ata..

Kahit na nasaktan na ako ay umaasa ako. Umaasang baka mahal niya din ako.

"Ang alin?" maang na tanong niya habang nakatingin sa harapan.

"Iyong fiance. Bakit?"

"Ah... nainis kasi ako sa mga iyon... Alam mo bang isa sa mga business man tatay ni Chania? Ayoko ng maulit ang kay Chania kaya ayun.." pag papaliwanag niya ngunit umiiwas ng tingin.

"Ah.. kaya mo iyon ginawa ay para lang maka iwas?" naiinis na tanong ko. Marahan siyang tumango. Napahinga ako ng malalim at hindi na nagsalita..

May sinasabi si Trebb pero hindi ko siya pinapansin. Sinabi niyang fiance niya ako para lamang maka iwas sa mga babaeng lumalapit sakanya?

Natapos ang nagsasalita sa harapan. Lumapit sa amin si Mr. Camara na isa sa nagsasalita sa harapan kanina.

"Trebb.. kamusta?" magiliw na wika niya. Ngumiti si Trebb sa matanda. "Teka.. asan ba si Chania.." lumingon lingon ang matanda at ng hindi niya makita ang hinahanap ay bumaling siyang muli kay Trebb.

"Okay lang po ako Mr. Camara. Ikakasal na po ako sa susunod na dalawang linggo." sagot ni Trebb na nagpagulat sa matanda.

"Ikakasal?" gulat na tanong niya ngunit pagka ilang sandali ay ngumiti siya. "Kay Chania ba?" tanong niya. Tumawa si Trebb bago umiling iling.
"Palabiro po talaga kayo.."

Nilingon ako ni Trebb, sa mga mata niya ay tinatawag ako. Huminga ako ng malalim at mabigat ang loob na lumapit sa tabi niya. Agad niyang nilagay ang palad niya sa bewang ko.

Kahit tutol ako ay sa nais niya ay ayoko pa din na ipahiya siya sa mga taong kakilala niya.

"Mr. Camara, This is Rosalyn, ang babaeng papakasalan ko.." pilit akong ngumiti sa matanda na ngayon at nakakunot ang noo.

"Hello po Mr. Camara.." huminga ng malalim ang matanda bago nag excuse at umalis sa harapan namin.

Niyaya naman ako ni Trebb na umalis na doon at sa labas na lamang daw kami kumain. Tumango lang ako at sumunod sa ninanais niya.

Paglabas namin sa hotel na iyon ay hinintay namin na dumating ang sasakyan niya.

Agad niya akong pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan ng dumating iyon. Pumasok ako sa loob at mabilis siyang umikot para makasakay na din.

Nilingon niya ako. "Rosalyn.." nangangapang tawag niya sa pangalan ko.

Nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin ay pina andar na niya ang sasakyan.

-----

     Pasensya na po sa matagal na update...

-Myka Baladjay

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon