White gown
Pagpasok ni Trebb sa opisina niya ay sumunod ako at sinabi ang schedule niya sa araw na iyon.
"Meeting with Lindoln Enterprise at two p.m. and Thanksgiving party at Cameron Palace, seven-thirty p.m." wika ko at sinara na ang folder ng hawak ko.
Tinignan ko siya at saktong nakatitig siya sa akin. Nagtaas ang kaliwang kilay niya ng makitang tapos ko ng basahin ang schedule niya.
Pinadaan niya ang hintuturong daliri niya sa ibabang labi niya. Tila nag iisip.
"Sir.." tawag ko sakanya ng mapuna kong higit sa tatlong minuto na siyang nag iisip.
"Ipagtimpla mo ako ng kape at sumama ka sa akin sa Cameron Palace." aniya.
"Yes, Sir.." sagot ko at tatalikod na sana ng mag sink in sa isip ko ang huling sinabi niya kaya napaharap akong muli sakanya.
"Sir? Sa Cameron Palace po?" paglilinaw ko dahil baka namali lang ako ng dinig.
"You heard me." sagot niya at itinuon ang mata niya sa mga papel na nasa harapan niya.
Napatitig ako sakanya ng ilang saglit bago ko naisipan na umalis na at ipagtimpla siya ng kape.
Dumiretso ako sa coffee maker at ginawa ang gustong timpla ng kape ni Trebb. Kung isasama niya ako mamaya ay wala akong susuotin na damit at walang magdadala ng pagkain kay nanay.
Ilang minuto ang hinintay ko bago kumulo ang kape. Isinalin ko iyon sa tasa at naglakad na papasok sa opisina ni Trebb.
Dahan dahan kong inilapag ang kape sa harap niya. Tumingala siya sa akin..
"May dadating akong package mamaya ah. Kuhanin mo iyon." bilin niya. Tumango lamang ako at tinanong kung may ibibilin pa siya. Sinagot niya ako ng iling bago sinabing bumalik na ako sa mesa ko.
Umupo ako sa upuan ko katapat ng mesa ko at inayos na lang ang ibang files na nasa computer.
Napatingala ako ng may tumayo sa harap ng mesa ko. "Delivery po, mam." aniya at inilapag ang box sa bakanteng lugar ng mesa ko bago inabot sa akin ang folder. "Pa received po." aniya. Pinirmahan ko iyon at umalis na siya.
Ang box ay medyo malaki lamang ng kaunti sa box ng pizza. Ano kayang laman nito?
Binuhat ko iyon. Napaka gaang.. Ano kayang laman? Ngumuso ako at ipinasok na iyon sa opisina ni Trebb.
Tatlong katok ang ginawa ko bago ko pinihit ang doorknob.
"Sir..." tawag pansin ko sakanya.
"Nandiyan na pala. Buksan mo 'yan at isukat mo sa banyo." utos niya at nagpatuloy sa pag babasa ng kung ano na nasa mesa niya.
"Sir?" nagtatakang tanong ko.
"Sige na, Rosalyn. Sukat mo na." sagot niya at hindi na ako binalingan pa ng tingin.
Sinunod ko ang ninanais niya.
Binuksan ko iyon at isa iyong puting night gown. Sa itaas nito ay citro ang disenyo at sa ibaba ng citro ay mga kumikinang na beads. Nagbalik sa ala ala ko ang sinuot kong gown noon sa prom.May pagkaka halintulad iyon sa night gown na hawak ko. Parehas sila ng tela at...
Tinignan ko ang pangalan sa likuran ng gown at pareho sila ng gown na isinuot ko noon.
Tinignan ko si Trebb magtatanong pa sana ako kaso ay baka maabala ko siya ng sobra. Mukhang napaka halaga ng binabasa niya.
Pumasok ako sa banyo at isinukat ang night gown. Sakto ang pagkakahapit niyon sa balakang ko at sa dibdib. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin ng banyo. Napaka elegante ko sa suot kong night gown.
May kumatok sa labas ng banyo kaya napatingin ako doon.
"Are you done?" boses iyon ni Trebb. Nataranta ako kaya mabilis ko muling pinasadahan ng tingin ang suot kong gown bago ko binuksan ang pintuan ng banyo.
Tumambad sa akin ang naghihintay na si Trebb. Lumabas ako ng banyo. Nakita ko ang paraan ng pagtingin sa akin ni Trebb kaya ginapangan ako ng hiya at ang puso ko ay bumilis na naman ang tibok.
"Ikot ka nga, Rosalyn.." Sinunod ko ang sinabi niya. Dahan dahan akong umikot sa harap niya. Pagharap kong muli sakanya ay nakangiti na siya. Iyong mata niya ay nakangiti din na parang may dyamante sa harapan niya.
Nag init ang pisngi ko kaya yumuko ako. Inangat naman ni Trebb ang baba ko. "Ang ganda mo pa din Rosalyn.. Bagay talaga sayo ang puti.." puri niya at naglakad na pabalik sa mesa niya.
"Ano pong gagawin ko dito, Sir?"
"Itabi mo. Iyan ang isusuot mo mamaya sa Thanks giving party." aniya. Nanlaki naman ang mata ko. Mahal 'to! Ibabawas niya ba 'to sa sahod ko!?
aalma sana ako na nang magsalita siya. "Sagot ng company 'yang gown.."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Nagpaalam na akong lumabas ng opisina niya at pumunta sa labas kung nasaan ang mesa niya.
Agad kong hinawakan ang telepono at nag dial sa bahay ng mag asawang Talavera. Naka ilang ring din iyon bago may sumagot.
"Hello. Talavera's Residence.." boses iyon ni manang.
"Manang, si Rosalyn po 'to.." pag uumpisa ko.
"Oh, Rosalyn natawag ka?" tanong niya sa kabilang linya.
"Sasabihin ko lang po sana na baka late na akong makakauwi... Inaalala ko pong baka walang magdala ng pagkain kila nanay.." wika ko.
"Ganoon ba!? huwag mo ng intindihin iyon. Si Clarisse naman dito ay walang ginagawa. Tsaka gusto non lumabas ng mansyon. Na bo boring na daw siya dito.." aniya at sinundan ng mahinang tawa. Nakisabay din ako sa tawa at nakahinga ng maluwang ng sinabi ni manang na sila na daw ang bahala.
Nagpaalam na ako bago ko binaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
Imitation
Ficção Geral"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...