Asawa
Palingon lingon ako kay Trebb habang tulak tulak niya ang grocery cart sa loob ng supermarket. Ipinipilit ko kasing ako na ang magtutulak ngunit nakipagtalo siya sa akin. Siya daw ang magtutulak at ako ang kukuha ng mga pamimilhin.
Kumuha ako ng mga gulay at mga karne pati na din ang isda. Ang mga pang rikado sa mga lulutuin ko at iba pa. Pagkatapos ay bumili din kami ng mga stock na kape, gatas, shampoo, sabon, biscuit, tinapay, junk foods, juice at iba pa. Mabuti na lamang at malaki ang dala namin na cart dahil kung hindi ay hindi magkakasya ang mga pinamili namin.
Papunta na kami sa counter ng maalala kong hindi ako nakakuha ng mga napkin pads na kakailanganin ko. Kaya sinabi ko kay Trebb na mauna na siya sa counter ngunit dahil nangibabaw na naman ang pagiging makulit niya ay namilit siyang sasama siya sa akin.
Binilisan ko ang lakad ko papunta sa rack kung saan nakalagay ang mga napkin pads para hindi na ako masundan ni Trebb. Kumuha ako ng ilang balot ng makarating ako at tatakbo na sana pabalik ng magulat ako dahil nasa bungad na si Trebb at nakangiting nakatingin sa akin.
Napahinga ako ng malalim, nahihiya. Nilagay ko ang napkin pads sa cart. Si Trebb naman ay pilyong nakangiti habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang isang balot ng pads at binasa iyon.
"Whisper with wings? Anong pakpak ito?" Takang tanong niya. Namumula naman ako sa hiya.
"Hindi mo maiintindihan 'yan!" Wika ko at inagaw mula sakanya ang isang balot ng napkin pads na hawak niya.
"Bakit mo inagaw? Binabasa ko e!" Naiinis na aniya ngunit nangingibabaw pa din ang pilit na itinatago niyang pilyong tawa.
"Ang dami mong binili na napkin. Malay mo hindi mo na magamit ang iba diyan.." Ang huling sinabi niya ay pabulong na lamang ngunit dahil medyo magkatabi kami ay narinig ko iyon. Pakiramdam ko ay isa akong kamatis na naglalakad sa pula ko. Umakto na lamang din ako na hindi ko narinig ang huling sinabi niya.
Dumiretso na kami sa counter at siya ang nagbayad. Habang ini iscan ng babaeng nasa counter ang pinamili namin ay dumikit siya sa akin at may kinuha sa wallet niya bago iyon inabot sa akin. Nagtatakang kinuha ko iyon.
"Bakit mo binibigay sa akin?" Takang takang tanong ko.
"Asawa na kita kaya nasa iyo ang karapatan para bilhin ang mga ka-kailanganin natin para sa araw araw. Atsaka hindi ko din naman alam kung paano mag budget..." Pag aamin niya.
Seryoso ba siya!? Hindi ba't hindi naman kaming tunay na mag asawa!? Ang ibig kong sabihin ay mag asawa kami ngunit hindi naman kami nagmamahalan. Sa relasyon na ito ay ako lamang ang nagmamahal sakanya.
Inabot na sa amin ang plastik plastik na pinamili namin. Limang plastik iyon at binuhat lahat ni Trebb. Sinabi kong tutulong ako kaso ay tinignan niya ako ng masama.
Habang papunta kami sa parking lot ay nagsalita si Trebb. "Sabi sayo e, kailangan mo ako sa pamimili.." Kumindat pa siya sa akin at ako naman ay ginawa ang lahat upang hindi bumigay dito at magtitili sa kilig. Napaka gwapo talaga niya!
Nang nasa tapat na kami ng kotse niya ay napahinto kami. "Rosalyn, kuhanin mo ang remote key na nasa bulsa ko." Aniya. Nanlaki ang mata ko sa gulat at tumahip ang kaba sa dibdib ko.
Rosalyn, kukuhanin mo lamang ang remote key at hindi siya hihipuan bakit ganyan ka maka react? Pakikipag talo ng isang bahagi ng isip ko.
"Rosalyn.. Dali na at mabigat itong hawak ko." Aniya. Kaya mabilis akong kumilos at isinuot ang kamay ko sa bulsa niya ngunit papel ang nahawakan ko doon inilabas ko pa iyon at tinignan, ang litrato namin na nakalagay sa wallet niya. Mabilis kong ibinalik iyon at umikot sa kabilang gilid niya upang doon naman hanapin ang remote key na agad kong nakuha.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...