Unregistered
Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko mapagtanto kung totoo man ang mayroon sa pagitan namin ni Trebb o baka hinuhulog ko lamang ang sarili ko sa isang pag iisip na ninanais kong mangyari.
Sabado ngayon at ngayon din ang labas ni tatay sa hospital. Pinakiusapan ko si Trebb na kung pwede ay kami na lamang ang sumundo kay tatay bagay na agad naman siyang pumayag kaya pagkatapos ng oras sa trabaho ay susunduin namin sila ni nanay.
Patingin tingin ako sa orasan sa monitor ng computer na nasa harapan ko. Alas onse y media na at alas dose o ala una ay makakapunta na kami sa hospital, half day lang ngayon dahil sa sabado.
Wala na akong ginagawa at hinihintay na lamang si Trebb na matapos ang pagpipirma ng mga natira kahapon na pipirmahan niya dahil kailangan na iyon.
Nakaramdam ako ng antok kaya inubob ko na lang muna ang ulo ko sa aking lamesa upang maka idlip.
Nang imulat kong muli ang mga mata ko ay ilang sandali pa akong nag isip bago maalala na nasa opisina ako. Mabilis kong inangat ang ulo ko at ginalaw ang mouse ng computer upang matignan ang oras.
Mahigiti trenta minutos din pala akong nakatulog...
Dinungaw ko si Trebb at nakita kong nakaupo pa din siya sa kinauupuan niya simula kanina at panaka nakang binabasa ang mga nasa folder pagkatapos ay pipirma. Napansin niya ako kaya tumingin siya sa akin.
"Saglit na lang 'to Rosalyn.. Tatlo na lang." aniya at nginitian ako.
"Okay lang. Huwag mong madaliin baka mamaya magkamali ka."
"No. Dapat talaga tinapos ko na 'to kahapon." aniya habang patuloy na pumipirma. Matapos ang ilang pagpirma niya ay uminat siya at pagod na ngumiti sa akin. Na guilty akong bigla... Pagod na siya at susunduin pa namin si tatay.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" kunot noong tanong niya. "Pagod ka na?" nag iingat na tanong ko. Kung pagod na naman siya kaya ko na naman sigurong sunduin sila tatay at mag ta taxi na lamang ako.
"Hindi ah... araw araw ko na 'tong ginagawa kaya sanay na ako!" mariin na wika niya bago tumayo. Mabilis din akong tumayo.
"Gusto mo ng tubig?" alok ko sakanya.
Ngumuso siya pinipigilan ang pag ngiti bago tumango. Mabilis akong kumilos at kumuha ng maiinom niya. Pagbalik ko ay inabot ko agad sakanya ang isang baso ng tubig na agad niyang ininom bago inabot na muli sa akin ang baso.
Tumingin siya sa relo niya na nakakabit sa palapulsuhan. "Mag la lunch na! Sunduin muna natin sila nanay para sabay sabay na tayong kumain.." aniya. Hinugasan ko ang baso at ibinalik ko iyon sa pinagkuhanan ko.
Hawak na niya ang bag ko at hinihintay na lang ako sa may pintuan. "Wala ka ng naiwan?" tanong niya. Sinilip ko ang mesa ko at nakitang wala naman. Nakapatay na din ang mga computer.
"Wala na.." sagot ko at lumapit sakanya para kuhanin ang bag ko ngunit hindi niya iyon ibinigay sa halip ay sinukbit niya iyon sa balikat niya at hinawakan ang kamay ko.
Binawi ko ang kamay ko ngunit kinuha niya lamang muli iyon. "Tungkulin ko 'to!" aniya.
Sabay kaming naglakad na dalawa palabas ng building at wala akong ginawa sa buong oras na iyon kung hindi ang yumuko o mag iwas ng tingin upang itago ang kilig na nararamdaman ko.
Noong nakita ko si Rose ay nagpasiya ako ng gabing iyon na gawin ang lahat upang ako ang mahalin ni Trebb ngunit tila nakiki ayon sa akin ang tadhana dahil wala pa akong ginagawa ay parang minamahal na ako ni Trebb.
Hindi man niya sabihin ng diretso ngunit iyon ang nararamdaman ko at sapat na iyon sa akin. Sapat ng maramdaman ko na mahal din niya ako kahit hindi malinaw sa salita ang lahat. Ang nararamdaman kong ito ang hahawakan ko upang hindi ako gaanong matakot na baka kapag nagkita s Rose atTrebb ay agaran akong iwan ni Trebb.
"Anong iniisip mo?" palingon lingon si Trebb mula sa harapan, sa kalsada at sa akin.
Ngumiti ako at umiling sakanya. Sumilip ako sa bintana ng sasakyan upang alamin kung nasaan na ba kami.
Nang ihinto niya ang sasakyan sa parking lot ng ospital ay agad siyang bumaba at umikot upang mapagbuksan ako ng pintuan. Naglahad siya ng palad para maalalayan ako sa pagbaba ko. Tinanggal ko ang seatbealt ko at ipinatong ang palad ko sa palad niya.
Para akong reyna kung tratuhin niya ngunit sa totoo lamang ay malayong malayo sa isang reyna.
Sabay kaming pumasok sa ospital at nagtungo sa kwarto ni tatay. Pagdating namin doon ay naka impake na ang mga gamit nila at tila naghihintay na lamang sa amin na susundo.
Nagmano ako agad kay tatay at nanay. Ganoon din ang ginawa ni Trebb. Tinanong ko sila nanay kung may naiwan pa ba sila o wala na. Nang sinabi niyang wala na ay agad na kinuha ni Trebb ang gamit nila. Nakaya niyang buhating ang tatlong bag na iyon. Tinangkang kuhanin ni nanay ang isang bag ngunit hindi ito pinayagan ni Trebb.
Naunang maglakad si Trebb palabas ng ospital at papunta sa parking. Huminto si Trebb sa may pinto ng sasakyan. "Rosalyn, buksan mo..." aniya.
Bumitiw ako sa pagkakahawako sa braso ni nanay at mabilis na lumapit kay Trebb. "Nasaan?" tanong ko. "Sa kanan na bulsa." aniya.
Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa niya at kinuha ang remote key. Pinindot ko iyon at tumunog ang sasakyan. Binuksan ko ang passenger's seat at pinapasok sila nanay bago ko binuksan ang compartment upang mailagay ni Trebb doon ang mga gamit. Nang mailagay niya iyon ay sinara na din niya. Hinawakan niya ang bewang ko at iginaya ako papunta sa harap ng pintuan ng front seat. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mabilis akong pumasok doon. Umikot siya pagkatapos at binuksan ang sa driver's seat.
"Okay lang po kayo diyan?" tanong niya kila nanay at tatay na nasa likod. Tumango lamang si nanay at tumango. Si tatay naman ay nakahilig sandalan at nakapikit.
"Tay, okay lang po kayo?" nag aalalang tanong ko. Naramdaman kong lumipat sa akin ang tingin ni Trebb ngunit hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon.
"Oo anak.. gusto ko lang magpahinga sa higaan sa bahay at hindi sa higaan ng hospital." aniya bahagyang dumilat para matignan ako ngunit pumikit din na muli at. umayos ng upo upang makasandal ng maayos.
Nagmaneho si Trebb papunta sa bahay ng mga Talavera na si Mam Belle at Sir Isaac.
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Trebb ay tumunog ang phone niya na nakalagay sa mini compartment. Nalipat ang tingin ko doon ngunit siya ay nanatiling nakatingin sa kalsada.
Kinuha ko ang phone niya. Unregistered number ang nakalagay doon. Bumaling ako kay Trebb. "Unregistered!" wika ko at iwinawagayway ang phone sa gilid niya. Bahagya niya akong tinignan ngunit bumalik din sa pagmamaneho. Gusto ko ng sagutin ang tawag ngunit ayoko naman makialam sa ganitong bagay sakanya. Privacy niya ito.. At hindi naman ako tunay na asawa..
Kailangan kong ipaalala ng madalas sa aking sarili na hindi ako tunay na asawa niya. Marahil, siguro nga ay totoo na mag asawa kami sa papel ngunit kahit saan na parte ay ang relasyon namin ay walang halong pag ibig...
Nararamdaman kong may nararamdaman siya sa akin pero kahit sabihin kong ayos lang ang ganoon ay mahirap pa din ang manghula at patuloy na umasa sa 'siguro'.
"Sagutin ko ba o hindi? baka importante 'to..." wika ko sakanya. Ngunit umiling lamang siya. "Hindi 'yan importante." ani niya. Kusang naputol ang tawag kaya dahan dahan na ibinalik ko iyon sa mini compartment.
Siguro ganoon talaga sa mundong ito. May mga bagay na hindi natin maaring galawin o silipin sa isang parte ng buhay ng tao. May mga bagay na hindi ko pwedeng hawakan sa parte ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...