Imitation
Nagtayuan na ang ilang estudyante pero hindi pa nakakabalik si Trebb. Nong una ay inisip kong baka madami ang nakapila pero ngayon..
Tumayo ako at naglakad papalapit sa canteen. Nakasalubong ko ang ilang kaklase ko at ngumiti sa akin. Nang makalagpas sila ay nagsisi ako, dapat pala ay tinanong ko sila kung nakita nila si Trebb.
Pagpasok ko sa canteen ay kokonti na lang ang tao doon. Iginala ko ang mata ko para hanapin si Trebb pero wala siya.
Nilapitan ko ang isang lamesa na tingin ko ay mga kaklase ni Trebb. Naputol ng usapan nila at nag angat ng tingin sa akin.
"Ano po 'yun?" tanong ng isang babae.
"Ah... nakita niyo ba si Trebb?" lakas loob na tanong ko. Tumingin ang nagtanong sa mga kaklase niya. Ng si-ilingan ang iba ngunit may isang nagsalita.
"Nakita ko kanina.. doon sa likod ng stage. Yayayain ko sanang kumain kaso parang may hinihintay eh." anang lalaki. Dahan dahan akong tumango at nagpasalamat.
Mabilis akong lumabas ng canteen at naglakad papunta sa likod ng stage. Nang malapit na ako at liliko na lang para likod na ng stage ay napahinto ako. May narinig akong boses ngunit napakahina noon dahil natatabunan ng tugtugin ng speakers na nasa harap ng stage.
Dahan dahan akong sumilip doon. Madilim ang parteng iyon ngunit may konting liwanag galing sa disco light na nasa harap ng stage.
May babaeng nakatayo akong nakita. Naka itim siyang gown ngunit ng malipat ang mata ko sa mukha niya ay nawala ang ilaw. Nang magkailaw muli ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Hinahalikan ni Trebb ang babaeng iyon. Nakasandal ang babae sa gilid ng pader at nasa harap niya si Trebb. Hawak ng babae ang dalawang pisngi ni Trebb. Ng muling magka ilaw ay nakita ko ang mukha nong babae..
Siya 'yun! yung morenang naka holding hands ni Trebb nong isang araw.. Gusto kong makasigurado. Gusto kong makita kung si Trebb ba talaga iyon o baka imahinasyon ko lamang. Gusto makasigurado kung sinasaktan lang ako ng sarili kong imahinasyon.
Lumakad palapit sa dalawa. Medyo madilim sa parteng hinintuan ko kaya hindi nila ako mapapansin lalo pa't nasa may likod ng haligi ako.
"Mahal mo pa din ako! Sabi ko na nga ba. Iyong babaeng iyon, sinasamahan mo lang dahil kahawig ko siya." anang babae na sinundan pa ng tawa.
"Rose!" matigas na wika ni Trebb. Pagkatapos ay tumahimik sila. Sumilip ako at nakita kong naghahalikan silang muli. Napatuptop ako sa bibig ko at doon ay naramdaman kong naglalandas na pala ang luha ko.
Humiwalay ang babae at tumawang muli. "Trebb! Alam kong nakikita mo lang ako sa babaeng 'yun. Para ko kasi siyang imitation. Pero kahit ganon ako pa din naman ang mah--" hindi ko na kayang marinig ang usapan nila.
Binuhat ko ng gown ko sa harapan at tumakbo palayo doon. Ngunit ng nasa gitna ako ay nadapa ako. Naramdaman kong tumingin sa akin ang iilan ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon at mabilis na tumayo.
Tumakbo ako at nabangga ang ilang estudyante. Humingi ako ng paumahin kahit na hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa nanlalabo kong mata dahil sa luha. Halos hindi ko maramdaman ang hapdi sa tuhod ko dahil tila namanhid ang buong katawan ko.
Nagsisi akong bigla kung bakit sumama pa ako sa prom na 'to. Nagsisi akong bigla kung bakit itong gown pa sinuot ko! napaka haba.
Nang makalapit ako sa gate ay mabilis akong lumabas. Sumakay ako agad sa isang tricycle na naka pila sa labas ng paaralan.
Pinunasan ko ang luha ko ng dala kong panyo. Sinabi ko kay manong kung saan ako ibababa. Nang makarating ako sa bahay ay nagbayad ako at pumasok agad sa mansyon. Panigurado magtatanong si nanay kung bakit ang aga ko.
Pagpasok ko sa kabahayan ay napahinto ako sa pinto. Nasa sala si nanay at kinakausap ni mam. Trina.
" Kailangan kasi ng kapatid ko ng kasambahay. Mabait naman iyon. Pero si Rosalyn ako pa din magpapa aral. Sinumpong lang kasi ng high blood si Ate Ayana. Pero kung hindi kayo papayag, ayos lang din si Gina na lang siguro at si nene ang papadala ko. Ayaw ko din kasi kayong pakawalan. Kaso si ate kayo ang... " narinig kong aniya.
-------
Bumalik sa akin ang huling ala alang iyon ng makita ko kung sino ang may ari ng kumpanyang pinasukan ko.
"Siya ang CEO dito. Mabait 'yan! Nong binanggit ko ang pangalan mo as recommendation dahil nga nakapasa ako sa ibang bansa ay approve ka agad sakanya!" wika ng kaibigan kong si Irish na nakilala ko noong college ako.
Napakatikas na ng katawan niya. Ang lahat sakanya ay nag matured at lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
Naramdaman ko ang pamilyar na iyon na tibok ng puso ko. Ang taksil kong puso! Nakalipas na ang ilang taon! Nasaktan na ngunit iisa pa din ang tinitibok!
Tumigil si Trebb sa harapan namin. "Sir!" masiglang wika ni Irish. "Goodmorning po!" dagdag pa niya. Ngumiti si Trebb at binati siya pabalik. Pati ang boses niya at nagmatured! Mas tumigas iyon at mas lumalim.
"Irish, pasok kayo sa loob after five minutes." sa pagbanggit niya ng oras ay naalala ko ng bahagya ang nakaraan.
Tumango si Irish. "Okay po, Sir." aniya.
Humarap sa akin si Irish at pinahanda ang isang folder kung saan nakatala ang mga schedule ni Trebb.
"Basta 'yung itinuro ko sayo nong nakaraang linggo ah!" aniya. Tumango lang ako.
Gusto kong tumakas at huwag ng ipagpatuloy ang pagta trabaho dito ngunit alam ko sa sarili ko na kailangan ko ng pera.
Pumasok kami ni Irish sa loob. Agad niya akong pinakilala kay Trebb.
"Sir, This is Rosalyn Bilgera. Iyon pong sinabi kong papalit sa akin. Magaling po ito Sir!" bida ni Irish. Ngunit ang mata ni Trebb ay sa akin lamang nakatuon. Hindi ko mabasa ang nakasaad sa mata niya.
"Ay... may titigan po? Na love at first sight?" puna ni Irish. Napalingon ako sakanya at nang aasar niya akong tinignan.
"Sige na Irish... Okay na siya. Kailan ka pala aalis?" pag iiba ni Trebb.
"Ngayon na po Sir!" sagot niya.
"Oh... Ingat ka. Balitaan mo ako! Sayang.. mamimiss ka ng company." wika ni Trebb.
"Sir talaga! Sige po." aniya. Pagkatapos mag usap ng kung ano ano ay lumabas na kami ni Irish. Binilan niyang muli ang mga gagawin ko bago umalis na.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...