Halik
"Rosalyn, kuhanan mo nga ako ng paracetamol diyan." utos ni nanay habang naglalagay ng tubig sa planginita. "Bilisan mo at natataranta si Mam. Trina." dagdag pa niya kaya mabilis akong kumilos.
Kinuha ko ang inuutos ni nanay sa medicine box at inabot sakanya iyon. Nilagay niya ang towel at planginitang may tubig sa tray. Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng tubig bago inilapag na din sa tray. "Nay, sinong may sakit?" tanong ko.
"Si Trebb. Mataas ang lagnat." sagot niya sa akin at kinuha ang tray. Mabilis siyang lumabas ng kusina at naiwan akong nakatayo lamang sa doon.
Nilagnat siya dahil nagpa ulan kami?
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa kusina basta nagbalik lang ako sa aking sarili ng pumasok muli si nanay sa kusina dala ang tray.
"Kamusta na si Trebb, 'Nay?" nag aalalang tanong ko ngunit pinilit kong itago ang pag aalala na iyon.
Pinaningkitan ako ng mata ni nanay pero pinanatili ko ang natural na ekspresyon sa mukha ko. Huminga siya bago ako sinagot. "Medyo mataas pa. Kapag hindi daw bumaba ang lagnat niya ay dadalhin na siya sa hospital."
Gaano kaya kataas ang lagnat niya? Okay lang kaya siya? Hay nako! Ano ka ba Rosalyn!? May mataas ba ang lagnat na okay?
Nagtatalo ang isip ko dahil sa pag aalala kay Trebb. Hanggang sa matapos ang duty ni nanay ay hindi mawala sa isip ko si Trebb, lalo na't bago kami umalis sa mansyon ay sumuka daw si Trebb ngunit mababa na ang lagnat.
Bumaling ako ng higa sa kabilang side. Hindi ako makatulog! Tinignan ko si nanay na himbing na ang tulog pagkatapos ay tiningala ko ang orasan na square na nakasabit sa ding ding namin.
Alas-onse na ng gabi. Umupo ako at ngumuso. Sisilipin ko si Trebb.
"Nay.." tawag ko kay nanay para masigurado na hindi mababaw ang tulog niya. Nang hindi siya gumising sa mga tawag ko ay tumayo na ako at lumabas ng bahay namin. Mabuti na lang at may trabaho din si Tatay kaya hindi ako mahihirapan na lumabas ng bahay. Mababaw kasing matulog si Tatay na tipong konting kaluskos lang ay gising na siya agad.
Binuksan ko ang pinto sa kusina at dahan dahan na naglakad papasok sa loob. Naka akyat na ako ng ilang beses sa itaas ng mansyon tuwing inuutusan ako ni nanay na kuhanin ang mga labahan nila mam.
Nang marating ko ang kwarto ni Trebb ay pinihit ko ang pintuan. Sinilip ko muna ng bahagya ang ulo ko para makita kung nandoon si mam. Trina.
Pumasok ako ng makita kong si Trebb lamang ang nandoon, nakahiga sa kama at nakayakap sa unan niya.
Mabilis akong lumapit sakanya at pinatong ko ang palad ko sa noo niya. Medyo mababa na nga ang lagnat niya. Aalisin ko na sana ang palad ko ng hawakan niya iyon. Mabilis kong inagaw iyon sa gulat ngunit hindi niya pinakawalan.
"Gabi na ah!" medyo galit ang boses niya na namamaos. Lumunok ako dahil bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko mawari ang dahilan. Kung dahil ba sa hinawakan niya ako o dahil nahuli niya ako. Nag iwas ako ng tingin.
"Bakit ka pumunta? May pasok bukas ah." aniya at medyo lumambot na ang boses niya.
"Oo nga pala.." wika ko kahit alam ko naman na may pasok bukas. "Bitiwan mo na ako. Uuwi na ako." tanging nasabi ko ngunit imbes na bitiwan niya ako ay hinatak niya pa ako kaya napahiga ako sa dibdib niya.
"Sagutin mo tanong ko. Bakit ka nag punta?" bulong niya sa gilid ng tenga ko. Narinig ko ang tibok ng puso niya, halos hindi na ako makahinga dahil doon.
"Ano.. nag aalala lang ako kaya tinignan kita. Dahil kasi nag paulan tayo kaya ka nilagnat eh." wika ko. At hindi ako nagtangka na umalis sa pwesto ko sa dibdib niya dahil minsan lang mangyari ang mapalapit ako sakanya ng ganito kalapit.
"Hindi 'to dahil sayo huwag kang mag alala." binitiwan na niya ako kaya dahan dahan akong umayos ng tayo. Tinignan ko ang mukha niya at nakapaskil doon ang kakaibang ngisi. "Sige, uuwi na ako." paalam ko at humakbang na. Ngunit nakaka isang hakbang pa lang ako ay pinigilan na niya ako at hinatak muli pahiga sa dibdib niya.
"Samahan mo muna ako. Hindi ako makatulog." aniya. Nitong mga nakaraan ay hindi ko na maisip kung alin ba ang totoo at alin ang panaginip lamang.
Inayos niya ang pagkakahiga niya at inihiga ako sa side niya. Namutla ako at parang sumakit ang tiyan ko sa hindi malamang dahilan. Magkasama kami sa kama niya! At isipin ko pa lamang iyon ay nababaliw na ako.
Nakahiga ako sa tabi niya at hindi ako gumagalaw. Natatakot akong gumawa ng kahit anong tunog at masira ko ang moment na 'to.
"Kwentuhan mo ako.." aniya. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin lamang siya sa kisame. "Wala akong i-ku-kwento." sagot ko sakanya. Dahil wala naman talaga akong i-ku-kwento.
"Kanta ka na lang." aniya at sa pagkakataon na ito ay nilingon na niya ako. Mabilis akong tumingin sa kisame at pakiramdam ko ay bumigat ang pisngi ko.
"Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that? 'Cause I'm yours..." wala sa sarili ay napakanata ako. Ng matapos ko ang stanza na iyon ay nilingon ko siya at nahuli kong nakatitig siya sa akin. Parang naubusan ako ng hangin sa katawan at para akong naparalisa. Ang oras ko at lahat sa paligid ay huminto. Para akong nalipat sa ibang lugar kung saan napaka magical, kung saan prinsesa ako at siya ang prinsipe ko.Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. At nakatitig lang ako habang ginagawa niya iyon. Sunod kong nalaman ay nakalapat na ang labi niya sa labi ko. Nandoon na naman ang pakiramdam ng bolta boltaheng kuryenteng dumadaloy mula sakanya papunta sa akin kapag hinahawan niya ako o maski tinitignan lamang ako.
Nakapikit siya at tila dinadama ang ginagawa niya. Ilang saglit lang ay nilipat niya ang kamay niya sa batok ko at dumilat siya para tignan ako. Agad akong lumayo sakanya at umalis sa kama niya. Lumunok ako ng maraming beses bago ko binuka ang bibig ko. Ngunit hindi ko masabi ang mga salita na nais kong sabihin. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay mapapahiya lamang ako dahil magkakanda buhol buhol ang mga sasabihin ko, kaya tinuro ko ang pintuan niya at patakbong lumakad papunta doon.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...