Wakas

5.8K 119 18
                                    

May Epilogue pa po! :) Thank you po!

---------

Wakas

Bata pa lamang ako ay naniniwala na akong ang kasal ay dapat na ginagawa ng taong nagmamahalan lamang at hindi ng taong ipinagkasundo sa isa't-isa o ng dalawang taong may pinagkasunduan. 

Sa murang edad ko pa lamang ay nakikita ko na ang sarili kong naglalakad sa altar ng may ngiti sa mga labi na umaabot hanggang mata, dahil makakasal ako sa taong mahal ko, sa taong pinapangarap ko at ang taong iyon ay si Trebb. 

Almost.. I almost have my happy ending! Makakamit ko na sana ang pangarap ko noong bata pa lamang ako. Kaso humarang ang tadhana. 

Instead of choosing my own happy ending I choose that two people who is inlove with each other to be together. I choose to be a bridge instead of being a wall of hindrance for their love story.

Sumulyap ako sa labas ng bintana ng sasayan. Nakita ko ang napakagandang simbahan na napili ni Trebb. Siguro balang araw, balang araw.. may isang tao na ang simbahan na pipiliin niya upang sumumpa kami ng pag ibig para sa isa't isa ay talagang nakalaan para sa akin at hindi sa taong minsan niyang minahal o nauna niyang mahalin bago ako. 

Umandar ang sasakyan kung saan ay lulan ako. Ang imahe ng simbahan ay unti unting nawala sa paningin ko. Naglandas ang luha ko at mula sa bintana ng sasakyan at nakita ko ang sariling imahe ko.

Ang buhok kong nasa gilid lamang ibinagsak at kinulot kulot habang may nakatusok na mga bulaklak na puti sa gitna mula taas hanggang baba.  Ang trahe de boda kong sabrina ang gupit at lace ang design. Mapakla akong ngumiti. 

Hindi ko man makapit ang sarili kong kasiyahan ay alam kong may dalawang taong sasaya dahil sa akin. 

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at yumuko. Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman sa mga oras na iyon. Iniyakan ko ang pag ibig ko para kay Trebb. Dahil kahit na, kahit na nagparaya ako ay hindi ko maiiwasan ang hindi masaktan.

Napasubsob ako ng bahagya ng biglang nag preno ang sasakyan na sinasasakyan ko. Bago pa ako mag angat ng tingin ay may nagbukas na ng pintuan sa gilid ko.

"Rosalyn!" mabilis akong nag angat ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng makita siya. Ang napaka among mukha niya ay hindi maipinta dahil sa pinaghalong inis at galit. "Rosalyn. Bakit hindi ka tumuloy!? Dahil sa akin? Are you that stupid!? Isa lang niya akong ex! Ikaw talaga ang mahal niya! Bumalik ka na doon dahil nababaliw na ang groom mo!" naiinis na sigaw sa akin ng babaeng nasa harapan ko. 

Nagliwanag ang paligid ko ngunit nabura din. Nag iwas ako ng tingin. "Ikaw ang tanga! Hindi mo ba nararamdaman? Ikaw ang mahal ni Trebb. Hindi ka niya kikitain ng palihim kung hindi ka niya mahal. Hindi siya tatawa ng ganon kung hindi ka niya mahal! At kagabi.. Hindi ka niya yayakapin kung hindi ikaw ang mahal niya gayong hindi niya naisip na baka ma--" pinahinto niya ako sa mga sinasabi ko. Tumawa siya at hinatak ako palabas ng sasakyan. Nagtatakang tinignan ko siya. Hinila niya ako at ipinasok sa sasakyan niyang humarang sa sasakyan na sinakyan ko. 

"Anong sikreto? Anong mahal!? Kaya kami nagkikita ng palihim ay dahil, god! patawarin ako ni Trebby dahil sasabihin ko na! Ang tanga kasi ng taong minahal niya! Kaya kami nagkita sa restaurant na iyon ay dahil natapos na iyong bahay na ipinagawa niya para doon ka niya ititira pagkatapos niyong ikasal.  Dapat last last month pa iyon kaso nagka problema sa materyales!" Binilisan niya ang pagmamaneho. "Ako si Engineer Rose, ako ang kinuha niyang gumawa ng bahay niya, niyo! Umuwi lang ako dahil sa aberya sa bahay na iyon. At isa pa ikakasal na din ako!" Hindi siya magkanda maliw sa pagsasalaysay ng mga bagay na iyon.

ImitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon