Kondisyon
"Itabi mo sa gilid.." madiin kong utos. Pabalik balik ang lingon niya sa akin at sa daanan. Hindi itinatabi ang sasakyan at nagpatuloy lamang sa pag maniobra.
"Trebb, ihinto mo sa gilid." madiin kong muling banggit..
Itinabi niya ang sasakyan bago inihinto sa gilid. Binuksan ko agad ang pintuan niyon at lumabas. Naglakad ako palayo sa sasakyan ni Trebb ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan..
"Rosalyn!" Sigaw niya. Nilingon ko siya at umaasa akong makita ang ninanais ko sa mga mata niya, ngunit hindi ko iyon nakita.
"Bakit ba Rosalyn!?" Naririnig ko ang frustration sa boses niya..
"Really!? Kasal? Fiance!? paano nasasabi sa mga tao iyon na parang ipinapaalam mo lang ang paborito mong tipla ng kape!?" napanganga siya sa narinig niya mula sa akin. Umiling ako at pumara ng taxi.
"Pakasalan mo ang taong mahal mo, hindi ang taong na tripan mo lang!" wika ko bago sumakay sa taxi at sinabi ang pangalan ng village kung nasaan ang bahay ng mga Talavera, sa driver.
Naiinis ako na umasa ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil nalaman kong ganon ko pala siya kamahal! Iyong tipong kahit anong sabihin niya sa harap ng ibang tao kahit na hindi pa niya hinihingi ang opinyon ko ay madali akong papayag, mabilis kong sasakyan ang gusto niya. Naiinis akong patuloy na umaasa na mamahalin niya din ako. Ngunit parang napakalabo ata niyon...
Naiinis ako sa sarili kong kung hindi ko siguro pinairal ang galit ko ay mabilis akong papayag sa gusto niyang mangyari gaya noong nasa murang edad pa lamang kami.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng umiiyak na si manang lucila.
"Rosalyn, ang itay mo daw ay ipinasok sa ICU. Hindi na daw makahinga kanina.." wika niya sa pagitan ng pag hikbi.Mabilis akong nagpalit ng damit at agad na pumunta sa hospital dahil sa binalita sa akin ni Manang.
Pagdating ko sa hospital ay nagpunta ako agad sa ICU. Nasa hamba na ako ng pintuan ng pinigilan ako ng isang nurse. Anya'y bawal daw akong pumasok dahil isang bantay lamang daw kada isang pasyente, kaya wala akong nagawa kung hindi ang maghintay na lamang sa labas ng ICU.
Nakaupo ako habang nakasandal sa bench na nasa labas ng ICU nang mapabaling ako sa lumabas mula sa pintuan. Agad akong napatayo ng makita kong si nanay iyon.
" 'Nay! Kamusta na po si itay? ano daw pong nangyari? bakit daw po nagka ganoon ulit?" hindi ako magkanda maliw sa sunod sunod na tanong ko na nais kong masagutan agad.
"Rosalyn... Napuno daw ng tubig ang baga ng tatay mo kaya nahirapan na naman siyang huminga na naging dahilan kung bakit nag fifthy-fifthy siya kanina." Hinawakan ni nanay ang dalawang palad ko. "Kakailanganin daw natin ng malaking pera sabi ng doctor.." hilam mula sa pag iyak ang mga mata ni nanay bakas ang sakit at hirap sa mukha niya at parang nininanakawan ako ng hininga sa nasisilayan kong iyon. "Anak, mahirap lang tayo... saan tayo kukuha ng pampagamot ng tatay mo? hindi pa nga natin nababayaran ang utang sa hospital tapos ngayon ay madadagdagan itong muli.."
Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Tama siya wala kaming pera, at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Kulang na kulang ang kinikita ko sa opisina.
Nawawalan na ako ng pag asa at gusto ko na lamang umiyak ngunit alam kong wala lamang magagawa iyon at baka sa gagawin kong iyon ay lalong manghina si nanay.
"Nay... Ako pong bahala.. gagawa ako ng paraan.." pinilit kong ngumiti sa harap niya at ipakitang magiging ayos din ang lahat.
"Salamat anak.." niyakap ako ni nanay at umiyak sa dibdib ko. Niyakap ko siyang pabalik. Sa ngayon alam kong ito ang mas higit na kailangan niya.
Nagbantay si nanay sa loob ng ICU at naghintay na lamang ako sa labas ng kwartong iyon. Nang mag alas- sinko na ay dumungaw ako sa loob at nagpaalam kay nanay na papasok muna ako. Ayaw ko man siyang iwan dito ay hindi pwede. Kailangan kong mag trabaho.
Umuwi ako sa mansyon ng mag asawang Talavera. Nagpalit ako ng damit at hinanap si manang lucila sa mga kwarto sa itaas. Nililinis niya ang mga kwarto dahil bukas makalawa ay uuwi na ang mag asawa.
"Manang, papasok na po muna ako. Si tatay po ay nasa ICU pa din, medyo stable na po siya.." nabasag ang boses ko sa huling salitang lumabas sa bibig ko.
Okay na naman si Tatay ngunit walang kasiguraduhan iyon.
Inalo ako ni manang lucila. "Magiging okay din ang lahat, Rosalyn.. Magiging maayos din ang tatay mo..." pag papalakas niya sa aking loob. Tumango ako at pilit na ngumiti. May dinukot siya sa bulsa at inabot sa akin. Isang maliit na puting envelope. Gulat akong tumingin sakanya bago umiling.. Iniipon niya ang pera na ito dahil gusto daw niyang bumili ng sariling lupa na pagtatayuan ng bahay niya.
"Manang, hindi ko po ito matatanggap.." mahinang tanggi ko. Umiling si manang lucila at ngumiti sa akin. "Alam kong hindi sapat iyan pero sana makatulong sainyo.." aniya. Umiling iling akong muli.. "Kung ayaw mong tanggapin bilang bigay ko ay isipin mo na lamang na utang iyan at bayaran mo sa akin kapag nakaluwag luwag ka na.. kapag maayos na ang lahat.." tumango ako at niyakap siya.
Ayaw ko mang tanggapin ang perang inabot niya ngunit alam ko sa sarili ko na kailangan ko ito.
"Sige na at baka ma late ka pa sa trabaho mo..." aniya. Tumango ako habang nagpapasalamat bago nagpaalam na.
Pumasok ako sa opisina na dala dala ang mabigat kong problema. Ang binigay ni Manang Lucila ay malaki ngunit hindi sapat.
Nagtimpla ako ng kape ni Trebb at inilapag iyon sa lamesa niya. Hindi ko siya kinakausap dahil sa nangyari kagabi at dahil na din sa iniisip ko.
Ramdam ko ang mapanuring tingin ni Trebb sa akin. Tila nais alamin ang laman ng nasa isipan ko.
Tumalikod ako sakanya at akmang lalabas na sana ng tumunog ang phone ko. Pagtingin ko ay si nanay iyon. Mabilis kong sinagot ang tawag.
"Anak.. Ang tatay mo nag fifty-fifty na naman.." halos hindi ko na maintindihan ang lumabas sa bibig na iyon ni nanay dahil sa natatabunan na ang sinasabi niya ng pag iyak. Natatarantang binaba ko ang tawag at muling humarap kay Trebb.
"Trebb.. Sir.." huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. "Pautangin mo ako.." desperada kong wika. Hindi ko na naisip kung tama ba o mali ang ginawa ko. Kung nakakahiya ba o hindi basta ang alam ko lang sa mga oras na ito ay kailangan ko ng pera na madadala ngayon din kay nanay.
Nagtataka si Trebb ngunit tinanong niya pa rin ako kung para saan at magkano.. "Mahigit isang milyon..." hindi ko na inisip ang halaga basta ko na lamang sinabi ang salitang iyon.
"Para saan?" ulit niyang tanong..
"Para-Para kay tatay.." bumigay ang pinipigilan kong luha. Ayaw ko sanang malaman niya ngunit iyon naman ang katotohanan. "Nasa hospital si tatay at kritikal siya.." Bumakas ang lungkot sa mukha ni Trebb ngunit nagliwanag din iyon.
"Hindi biro ang isang milyon.." aniya at pinagsiklop ang dalawang palad sa ibabas ng lamesa niya. "Ngunit handa akong ibigay sa iyo 'yon sa isang kondisyon.." aniya.
Ibibigay niya sa akin? anong kondisyon iyon? Gagawin ko ang lahat para kay tatay..
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...