Camera
Pagka ring ng bell ay agad akong tumakbo palabas ng kwarto. Iniwan ko muna ang mga gamit ko dahil iyon pa din naman ang kwartong gagamitin namin para sa susunod na subject.
Dumungaw ako sa bakal na nagsisilbing pinaka harang sa gilid ng bawat palapag nitong eskwelahan. Hinanap ng mata ko ang pamilyar na mukha. May sumigaw sa bandang gilid, automatikong tumibok ang puso ko kaya napatingin ako sa bandang doon. Hindi nagkakamali ang puso ko. Kilalang kilala ng puso ko ang boses ng taong tinitibok nito.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Simula ng dose anyos ako ay siya na ang hinahangaan ko, hanggang ngayon na dise-sais anyos na ako.
Sabi nila kapag hinangaan mo ang isang tao sa loob ng anim na taon pagmamahal na ang tawag doon pero apat na taon ko pa lamang siyang hinahanggan at alam ko sa sarili ko na hindi na lang basta paghanga ito. Mahal ko na siya at sigurado ako doon.
Lihim akong napasinghap ng ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis sa kaklase niya. Nag se-cellphone kasi siya at ginugulo siya nito. Bakit ganon!? Kahit naiinis siya ang gwapo gwapo pa din niya!? Legal ba yang mukha niya!?
"Rosalyn!" napa ayos ako ng tayo ng marinig ko ang boses ng guro ko. Bumaling agad ako sa likod ko bago nilingon ang guro ko.
"Mam!?"
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya at bahagya pang dinudungaw ang ibaba. Umiling agad ako.
"Wala po Mam! Nagpapahangin lang." mabilis kong sagot at lumakad na papasok ngunit bago ako makalayo ay nag huling sulyap pa ako sa kinaroroonan ni Trebb at halos mabali ang leeg ko sa mabilis na pagbaling ko sa pintuan ng class room ng naabutan ko siyang nakatingin sa pwesto ko.
Oh my god! Tumingin siya sa akin! Nakita niya kaya ako kahit na malayo siya? sana oo! Dahil ako nga ay nakikita ko siya, siya pa kaya ay hindi ako makita? Kaso nakakahiya kung mahalata niya.
Tuluyan na akong pumasok sa class room at naupo muli sa silya ko. Pinilit kong makinig at ipasok lahat sa isip ko ang lahat. Sayang ang pinapabaon sa akin ni nanay kapag hindi ako nag aral ng maayos.
Nang matapos ang klase ay umuwi na ako agad. Hindi ko na hinanap si Trebb dahil nauuna siyang umuwi. Kasabay ko ngayon ang kaibigan kong si Lana. Naglalakad lang kami pauwi dahil malapit lang naman sa amin. Kaso mas nauuna ang bahay ni Lana pagkatapos ay ilang kanto pa bago ang sa amin.
"Alam mo ba!? Tinignan niya ako kanina! My god Lana! Yung feels ko pigil na pigil!" Tili ko habang naglalakad kami. Malakas ang loob kong sumigaw sigaw sa daanan dahil hindi naman ma-tao ang lugar namin. Lugar kasi ito ng mayayaman. Si Lana ay anak ng mayaman pero kung titignan mo si Lana ay parang nasa average lamang siya dahil masyado siyang simple.
"Ewan ko sayo! Ganyan naman lagi ang piling mo. Kahit na huminga nga lamang si Trebb ay baka hinimatay ka na!" komento niya. Marahil ay punong puno na siya sa mga kinu kwento ko sakanya tungkol sa nararamdaman ko kay Trebb. Ngunit kahit na ganoon ay nakikinig pa din siya sa mga kinukwento ko.
"Dito na ako!" paalam niya. Tumango lang ako at kumaway na. Pinanood ko siyang pumasok sa malaki nilang gate habang naglalakad ako palayo. Nang mawala na sa paningin ko ang bahay nila ay inayos ko na ang paglalakad ko at tumingin na lamang sa dadaanan ko.
Inistima ko lahat ng babayaran ko sa klase at ang tira kong baon para malaman ko kung ilan ang kulang at iyon na lamang ang hihingiin ko kay nanay.
kwarta-y-sinko para sa math time, laboratory at kayumanggi. Thirty five pesos naman para Araling Panlipunan. kwarenta-y-sinko times three.
Binilang ko sa utak ko ang total ng lahat. Nag sulat pa ako sa palad ko gamit ang daliri ko para mas madali. Nang makuha ko ang tamang sagot ay binawas ko naman ang natitira kong baon. Trenta ang baon ko kada araw at hindi ko nabawasan iyon dahil may baon naman akong tubig, tatlong candy at isang biscuit.
Saktong nasa tapat na ako ng mansyon ng mga Talavera ng matapos kong bilangin ang lahat ng bayarin ko. Sa loob ng bakuran din ng mga Talavera ang bahay namin. Libreng tirahan iyon dahil dito na nag trabaho si nanay simula ng mag dise-otso siya.
Pag bukas ko ng gate ay may kumislap na kung ano sa mukha ko. Napapikit ako ng saglit at ng muli kong idilat ang mata ko ay tumambad sa akin si Trebb na hawak hawak ang camera niya.
Nanlaki ang mata ko at hindi ako makapaniwala na nasa harap ko siya. "Bakit?" pinilit kong huwag mautal sa harap niya. Ang puso ko ay hindi na magkanda ugaga sa pag tibok dahil sa lalaking nasa harap ko.
Namula ako ng tumawa siya ng malakas. Napakapit ako sa gate ng mahigpit dahil pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko dahil sa pag tawa niya.
"Ang cute mo!" aniya bago tumawa muli. "Look!" aniya at pinakita sa akin ang screen ng camera niya. Nakatingin lang ako sakanya at iniisip ko ba kung totoo ang nangyayari o nananaginip lang ako.
"Bakit ako ang tinitignan mo? Itong camera ang tignan mo." namula ako sa sinabi niya. So, totoo 'to!? hindi ito panaginip o day dream lang?
Bahagya siyang lumapit sa akin at ipinakita ang camera niya. Nang tignan ko iyon ay dumapo ang hiya sa akin dahil sa itsura ko sa pagkaka kuha niya. Naka pikit ng bahagya ang mata ko doon at nakatikom ang bibig ko, ang buhok ko ay may tayo tayo. Nakakainis na baby bangs yan! Ngumuso ako at sumimangot.
"Pasok na ko!" tanging lumabas sa bibig ko dahil sa hiya.
"Hoy! cute mo kaya dito!" sigaw niya at sinundan ng tawa. Binilisan ko na lamang ang pag pasok ko sa mansyon nila para maka alis na ako sa kahihiyan na iyon at para hanapin si nanay.
BINABASA MO ANG
Imitation
General Fiction"Batang pag-ibig, hahamakin ang lahat makamit ka lamang, hanggang sa pagtanda." Kapag bata tayo ay nangangarap tayo na sa tingin natin ay matutupad natin sa ating pagtanda. Pangarap na akala natin ay kay daling abutin ngunit kapag nandoon na tayo a...